Chapter 25

701 43 6
                                    

Chapter 25

Ang hula ko, malapit na naman ang dalaw ko. Otherwise, wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit ganito ako kadaling mairita nitong mga nakaraang araw at linggo.

Buwan-buwan akong nagkaka-mood swing kapag malapit na ang dalaw ko pero ito yata ang unang pagkakataon na halos umabot sa langit ang iritasyon ko dahil lang sa isang tao. Sukdulan at sagad sa buto. Specifically, the third son of the Nam-Suarez family, Kristoffer Mico "Letse" Suarez.

Nasa punto na ako na nararamdaman ko pa lang ang presensiya niya ay nagdidilim na ang paningin ko. I had to skip some fieldwork with Lyricbeat to avoid seeing him. Nitong nakaraang weekend ay hindi rin ako nagpunta sa bistro niya kahit may special gig ang banda. Mahirap na at baka makasapak na ako ng anak ng tao.

Nakakatawa lang na halos hindi ako mapakali noong nakaraan dahil ilang araw siyang hindi nagpakita sa akin. At ngayong bumalik, hindi ko naman matiis at matagalan ang mga hirit niya. Kaya bumalik lang din ako sa pag-iwas sa kanya. Pakiramdam ko nga, sinadya niyang huwag magparamdam sa akin para ako ang lumapit sa kanya. Nakakaletse na 'tong walang katapusan na pagtataguan namin.

For the whole weekend, I stayed only at home. I stayed only in bed. Nagbabasa ng kung anu-ano, nanonood ng mga Kdrama series na binigay sa akin ni Loey na hindi ko rin naman natatapos dahil hindi ako maka-relate. Napipilitan na lang akong lumabas kapag kailangang magbanyo at kumain.

Kahit sa malapit na grocery store ay hindi rin ako sumasama kay Mama. Mahirap na at baka makasalubong ko si Toper. Ang lalaking iyon pa naman, parang kabute. Kung saan-saan na lang sumusulpot. Parang kulang na lang talaga, kumatok iyon dito sa bahay. Huwag naman sanang mangyari!

Mabuti na lang at hindi siya nangulit ngayong araw. Ang huling text niya ay kagabi pa. "Good night, baby" raw. To which, of course, I never replied. Baka ibang baby ang tinutukoy nito.

Madilim na sa labas nang kinatok ako ni Mama. Tumawag daw sa kanya si Loey at pinapapunta ako sa bahay niya. Napagalitan pa tuloy ako dahil bakit ko raw hindi sinasagot ang tawag ng kaibigan ko. May limang missed calls nga galing sa kanya nang tingnan ko ang cellphone ko. Hindi ko namalayan sa sobrang pag-iisip. At naka-silent mode din pala iyon para hindi ako maistorbo ni Toper kung sakali.

Napailing si Mama nang makita ang hawak kong garapon ng dried chili chips. Paubos na iyon sa kakapapak ko mula kaninang hapon. Lumipat ang tingin niya sa suot kong jersey ngunit hindi na nagkomento pa.

Nasa kabilang dulo lamang ng street namin ang bahay ni Loey kaya hindi na ako nag-abala pang magbihis. Suot ko ang jersey ni Toper at ang shorts nito pero may itim na shirt akong panloob. Itinali ko lang pataas ang mahaba kong buhok kahit medyo basa pa iyon.

Pagkarating ko sa bahay ng kaibigan ko ay sinalubong ako agad ng mga nagkalat na papeles sa sala. Mga handouts niya at tila modules na naka-bind. Bukod pa roon ay ang nagkalat din na mga illustration board na nakapaskil sa dingding kung saan may mga naka-enumerate na kung anu-anong lecture.

"Deb, ikaw na ba iyan?!" sigaw niya mula sa itaas.

Hindi na ako sumagot at pumanhik na lamang. Bukas ang pintuan ng kuwarto niya kaya kahit nasa gitna pa lang ako ng hagdanan ay agad niya akong nakita. Kagaya sa sala ay nagkalat din sa sahig niyon ang iba't ibang mga reviewer. Sa sahig siya nakaupo imbes na sa study table at napapaligiran siya ng mga iyon.

"Uy! Hindi ka naman sumasagot!" sabi niya at bumangon para linisan nang kaunti ang kalat. More like, hinawi lang nang kaunti para may madaanan ako. Pero bago iyon ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay niya nang makita ang suot ko.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon