Chapter 8
"Thank you, Toper."
Iyon ang message ko sa kanya sa Instagram pagkapasok ko sa trabaho nang araw na inihatid niya ang aking sasakyan. It was Tuesday. At matatapos na lang ang linggo ulit pero hindi man lang siya nag-reply.
Hindi naman big deal iyon sa akin dahil naging abala rin ako buong linggo. In the first half of the week, I was assigned again in our music channel to substitute for my junior who was absent for two days. Ako ang gumagawa ng script ng VJ at ang mga descriptions ng mga kantang fini-feature namin. Buryong na buryong na naman tuloy ako sa opisina pero sinamantala ko na lang iyon at sinulit ang pahinga.
Dahil sa sumunod na mga araw, field work na naman ako dahil sa photoshoot ng Lyricbeat. Sila ang kinuhang cover ng MusicBinder para sa susunod na buwan. It will be summer by then kaya sa Panglao Island gaganapin ang shoot. Tatlong araw kaming mananatili sa resort.
The whole property was beautifully landscaped with palm trees. The huts were arranged near the cliff while others were near the garden. Bughaw na bughaw ang karagatan at sa kabila ng init ng araw ay ang sarap pa ring titigan ng kinang niyon sa bawat hampas ng alon. The whole place exuded a sense of peace and tranquility kaya tamang-tama para sa konsepto ng gagawin nilang photoshoot. Summer vacation with the hottest band in the city.
Unang araw pa lang ay pinuntahan na namin ang tatlong tanyag na beaches ng isla. Halos lahat yata ng recreational activities ay sinubukan nila agad. They tried snorkeling and diving in the first part of the day. Pagsapit naman ng hapon, right after late lunch ay sinubukan din nila ang cave hunting. Unang araw pa lang ay pagod na ako pero masaya naman kahit papaano.
On our second day, umagang-umaga ay naglalaro na sila ng volleyball sa dalampasigan. Kung ano ang mga suhestiyon ng director at photographer ay game na game sila agad.
Pagsapit ng hapon ay sa Dream Island naman kami nanatili. It was a man-made island used for special occassions like weddings and birthday parties. Sa kaso namin, photoshoot naman. Nasa harap lang iyon ng main island at bangka ang sinasakyan para mapuntahan.
Throughout the photoshoot, I was documenting the whole scene. Lyricbeat and the staff were all wearing swimwear. Nagsuot na rin ako dahil baka ma-heatstroke pa ako kung pati rito sa isla ay turtleneck pa rin ang gagamitin ko. One piece naman iyon na kulay itim at pinatungan ko na lang ng itim din na cover up dress.
With my hair tied up in a messy bun and with my camera hanging around my neck, I got busy documenting and taking pictures of the on-going photoshoot. Hinihintay na namin ang paglubog ng araw para sa gustong scene ng photographer. Habang hinihintay iyon ay kinuhanan na muna niya ng iba't ibang pose ang banda.
Right now, they are all enjoying and having fun while Maddison is trying to balance herself on her bandmates' hands. Ang apat na lalaki ay nakalahad ang mga kamay at doon nakatayo ang nag-iisang babaeng miyembro ng banda. Naglolokohan sina Ardo at Asher, parehong may bahid ng buhangin ang mga katawan. Nakangiti lang nang tipid si Zeldon habang nakahawak sa paa ni Maddison upang suportahan ito. At si Troy naman ay kunot lang ang noo habang nakatingin sa kung saan.
The boys were all wearing board shorts in different colors while Maddison was wearing a floral ruffles crop top and shorts in peach color. Sa pagbibiruan nina Ardo at Asher ay muntik nang mahulog si Maddison kaya napakapit siya sa buhok ni Zeldon. Tumawa nang malakas si Ardo at tila tinutukso pa ang dalawa.
Napailing na lang ako. Ardo never really changed. He was still playful as ever. Lahat ng puwedeng gawan ng lovelife ay tinutukso niya. Naging malapit din ako sa kanila noon ni Zeldon dahil silang dalawa ang madalas na kasama ni Toper sa school.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...