Chapter 13

754 47 17
                                    

Chapter 13

Let's not fall in love, Toper...

Paulit-ulit na sigaw ng aking isipan, tunog-nagmamakaawa na habang tumatagal. Kay Toper ko dapat sinasabi iyon pero hindi ko magawa dahil ayaw na niyang tigilan ang mga labi ko sa kakahalik. Dapat ay turned off na siya sa sinabi ko. Sa halip, parang naging trigger pa iyon para pagbigyan niya ang sarili. Kung kanina ay hirap na hirap siya sa pagpipigil sa panunukso ko, ngayon ay tila wala nang makakapagpahinto sa kanya. Kahit ilang beses ko na ring nakakagat ang labi niya nang hindi sinasadya ay hindi pa rin siya tumitigil.

At unti-unti na rin akong nawawalan ng lakas para awatin siya. My mind wanted us to stop, but my body was saying otherwise. Heck! I couldn't even remember how we got out of that bar. At kung paano kami nakabalik sa kanyang bistro nang hindi napapansin ng mga kasamahan ko at ng mga kapatid niya.

Nagkaroon lang yata ng linaw ang utak ko nang maramdaman ang lamig ng opisina niya. But of course, it didn't last. Because the moment I heard him lock the door of his office, our lips found their way to each other again. Muli kaming tinupok ng apoy na inakala kong huhupa na nang saglit kaming naghiwalay. Nakakaliyo at nakakabaliw. Hindi ko na alam kung saang banda na ako kakapit sa kanya. Kanina pa kami naghahalikan pero parang kulang pa rin. May hinahanap akong hindi ko mawari.

He removed my coat without breaking the kiss. Sa tuwing napapalayo ako ay agad niyang hinahapit ang baywang ko pabalik sa katawan niya. The urgency in our movements was alarming, and yet, it didn't scare me at all.  Paatras kami nang paatras hanggang sa namalayan ko na lang na tumama ako sa lamesa niya.

Habol ang hiningang pinakawalan niya ako para lang buhatin at paupuin sa lamesa. He parted my legs just enough to accommodate his hips.

His eyes were fiery red in lust when he looked at me. Hindi ko alam kung iyon din ang nakikita niya sa mga mata ko pero hindi ko ipagkakailang ganoon nga ang nararamdaman ko ngayon. Pareho kami ng nararamdaman at alam kong huli na para itanggi pa iyon. Nang bahagya kong makita ang pagdadalawang-isip niya ay agad kong pinagkrus ang aking mga binti sa likuran niya para hindi siya makawala.

"Is your office soundproof?" hinihingal na tanong ko.

Mas lalong nag-ibayo ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Napapikit siya agad at nahahapong isinandal sa aking balikat ang kanyang noo. Ilang mura ang pinakawalan niya. "You're driving my imagination wild, Danique."

I chuckled breathily. "Sinisiguro lang. Baka mag-ingay ako."

"Damn it! Stop..." He groaned and then cursed some more.

Nang mag-angat siya ng tingin ay muli akong hinalikan – marahan at masuyo. Taliwas sa mga halik na pinagsaluhan namin kanina. Kahit ang ginawa niyang pagkagat sa pang-ibabang labi ko ay napakarahan din. Ipinirmi niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko sa lamesa at unti-unting nilaliman ang halik. Mabagal pa rin iyon kumpara sa nauna kaya hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang humila sa kanya para mas lalo pang mapalapit sa akin.

His right hand cupped my cheek and a small part of my neck, and that was when his kisses started getting aggressive again.

I gasped when he bit my lower lip again. Nawawala na naman ako sa sarili at hirap nang mag-isip nang maayos. Sunod na namalayan ko na lang ay nakahiga na ako sa lamesa.

I groaned when he distanced himself a bit from me. Nagmulat ako at nang makitang naghubad siya ng damit ay napapikit din kaagad. My hands reached out for his arms, and then I started rubbing myself against him. Damang-dama ko na siya kahit mayroon pa kaming mga saplot. Napakagat-labi ako para pigilan ang sariling mag-ingay lalo na nang kubabawan niya ako't paghahalikan sa dibdib at leeg.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon