BEHIND THE PAGES

1.1K 53 84
                                    

Draft started: November 28, 2020
Draft finished: April 11, 2021
Posted: July 8, 2021
Finished: December 28, 2021

I only have one reason why I write. Or at least, kapag may nagtatanong, ito lang ang sagot ko.

To let go. Always.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing magsasara ako ng libro, sa halip na gumaan ang dibdib ko, mas bumibigat. Kahit pakiramdam ko ay ibinuhos ko na ang lahat, parang may kulang pa rin. May hindi pa rin ako nasasabi. Marami pa rin akong gustong sabihin. Marami pa akong gustong ikuwento.

And so I will continue to write until there's nothing left to say, until there's no tears left to shed, until there's no wound left to bleed, until there's no heart left to beat...

Charot.

Charot na half-meant.

Hopefully, hindi ko kainin 'tong mga salita ko. Baka mamaya niyan bigla na naman akong mawala kasi pine-pressure ko lagi sarili ko. Pinakamahirap pa naman na pressure na i-handle ay ang pressure mula sa sarili.

One of the reasons kung bakit one book ahead ako lagi. I don't post a story unless its draft is finished. Napi-pressure ako kapag literal na on-going. Kaya saludo ako sa mga writers dito na kayang gawin iyon. Ang galing-galing!

Tinapos ko muna talaga ang draft ng RH bago ko siya inilapag dito sa Wattpad. And when I started posting about Jed, sinusulat ko naman no'n si Czeila. And during the process, Mico's story finally presented itself to me. Hindi pa complete pero finally, may ideya na ako kung bakit ayon kay Rhyne, para siyang may sariling mundo at ng cellphone nito (mababasa ito sa Chapter 4 ng RH at Chapter 1 naman ng GWTR).

Ang original plot nito, walang Kristen. Ang tanging conflict lang noong una ay ang tungkol sa tatay ni Deb at ang rumor na kumalat noong high school days nila ni Mico/Toper.

Pero to be honest, bothered ako na iyon lang ang conflict. Hindi pa ako kuntento at "too weak" pa rin ito for me. Hindi ko matanggap na parang si Deb lang ang masasaktan nang bongga. I needed something that would make Mico crumble. Tingin ko kasi, hindi sapat ang rumor na iyon. Matagal na silang magkaibigan. Hindi ganoon karupok ang faith ni Mico kay Deb na basta-bastang matitibag dahil lang sa isang tsismis.

Sabi ko, paano ko ba sasaktan 'tong si Mico? Ano'ng gagawin ko? Ilang araw kong inisip iyon kahit nasa work ako. At kahit sa tuwing sinusulat ko si Czeila nang time na iyon, hindi pa rin mawala sa isip ko.

Sa kaka-overthink ko, napunta na ang utak ko sa kung paano mari-realize ni Deb na in love siya kay Mico. Alam niyo naman na siguro na kuripot ako sa I love you (sa part ng heroine) kaya pinag-isipan ko rin iyon nang todo. Paano ko mapapa-I love you si Deb na mas mataas pa ang pride kaysa sa akin? Hahahaha.

I was getting frustrated already when suddenly, out of the blue, habang nagpapaligo ako sa pasyente ko, parang pelikulang pumasok sa isip ko ang scene na inayos ni Mico ang sintas ng sapatos ni Deb. The scene was so vivid in my head na aakalain mong parang flashback ng buhay ko kahit wala naman akong Mico.

Hindi iyon ganoon kabongga pero ang nagustuhan ko sa scene na iyon, sobrang sakit na ng dibdib ni Deb at hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Doon pumasok ang isa pang flashback (this time ay flashback na ni Deb), isang batang babae naman ang nakahawak din sa sapatos niya.

Thus, Kristen was born.

Pakiramdam ko, sinapian ako ni Deb nang time na iyon. Literal na parang broken hearted din ako the rest of my shift. Pagkauwi ko ng midnight, sa daan pa lang ay umiiyak na ako. And when I say iyak, literal na iyak na may kasamang hikbi pa. Hahahaha.

Hindi ko iyon makalimutan hanggang ngayon. Wala naman akong anak na itatago pero bakit masyado akong invested emotionally? Sabi ko, "Sheeeet. Akala ko, wala nang mas sasakit pa sa pinagdaanan nina Jed at Rhyne at sa magkakasunod na feelings of betrayal na dinanas ni Czeila. Pero mukhang magiging bias wrecker ko yata itong si Mico. Why naman gano'n?" Hahahaha.

Isa ang sapatos scene na iyon sa mga paborito ko. Gusto ko rin 'yong umiyak silang dalawa under the basketball ring at 'yong lumuhod si Mico kay Kristen.

Kayo, ano'ng paborito niyong scene, chapter at dialogue? At maliban sa tatlo, sino pa ang paborito niyong character?

At ang pinaka-importante, what part of this story made you cry the hardest? 'Yong pinakamasakit po, ha. Magkakaiba tayo ng emotional pain tolerance kaya alam kong iba-iba rin kayo ng favorites. Let me know para mahigitan ko pa. Hahahaha. Charot lang. Pahinga muna tayo sa heavy drama. Pag-usapan lang natin.✌🏼

Thank you, as always. Thank you for finding me when I thought I'd be lost forever.

Akala ko talaga, hindi na ako makakapagsulat ulit. And even when I started posting again here on Wattpad, ang dami ko pa ring fears noon. Halos lahat, ino-overthink ko. Paano kung wala namang magbabasa? Paano kung pangit pala at wala naman akong mabibigay na aral kung sakali mang may mapadpad sa works ko? Paano kung hindi ko pala naipaliwanag nang maayos ang gusto kong iparating? Paano kung hindi nila maintindihan ang ugali ng mga characters ko? Paano kung sa kalagitnaan ng series, mawalan na naman ako ng amor sa pagsusulat at biglang ititigil na naman? Ang dami kong what ifs. At sa bawat what if, may mga anak pang what ifs! Huhu. Sana all, nanganganak. Pambihirang what ifs.

Kaya salamat. Kung nandito ka pa rin, maraming salamat sa tiwala at sa suporta at sa pag-iintindi.

May you all find someone who would stay with you amidst the storm, someone who would see the good in you when you think you are the meanest, someone who would make you feel that you, too, deserve to love and be loved, no matter what your past made you think of yourself.

May you all find someone who will make you stay.

Until the next book. xoxo

Happy reading. Enjoy reading... and let's finally fall in love. 🥺♥️

Living behind the pages,
Binger S. ♥️

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon