Chapter 14

741 43 22
                                    

Chapter 14

Agaran ang pagkurot ng konsensiya sa dibdib ko nang itigil ko ang sasakyan sa labas ng gate namin. It was already ten in the morning at kakauwi ko pa lamang. Nakikinita ko na kung ano'ng isasalubong sa akin ni Mama sa oras na pumasok ako sa bahay.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanya kahapon. Ang alam lang niya ay ang tungkol sa pago-overtime ko sa trabaho. Hindi ko siya nasabihan tungkol sa imbitasyon ni Enzo. Nawala na sa utak ko dahil hindi naman planado ang mga nangyari. Lalo na nang lumabas din ang resulta ng paternity test nang hindi ko inaasahan. Mas lalong naging magulo ang utak ko dahil doon kaya hindi ko nakayanan at nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko.

Hindi ko magawang umuwi nang diretso kaya sa isang bar ako napadpad, umasang mapapawi ng ingay roon ang kaguluhan sa sistema ko. But then, Toper suddenly appeared. Mas lalo akong naguluhan but surprisingly, it was more than enough to divert my attention from the bad news I had received from Loey. Hindi ko lang talaga inasahang buong gabi akong hindi makakauwi.

Napabuntong hininga ako nang muling sumagi sa isipan ko ang mga ginawa namin kagabi. Ayoko nang balikan pero alam kong mahihirapan akong kalimutan iyon. Not when I felt sore all over. Bawat galaw ko ay ramdam ko iyon. Parang gusto ko na lang manatili rito sa sasakyan buong araw.

I took another deep breath before getting out of my car. Kinakabahan ako. Paano bang umakto nang hindi mabibisto na may ginawa akong kababalaghan kagabi? At nahahalata ba iyon? Hindi naman siguro iyon makikita sa mukha, hindi ba? Ewan ko at bahala na. Hihilingin ko na lang na sana ay nasa kuwarto si Mama.

Pero pagkabukas ko ng pinto, parang bulang naglaho ang hiling ko. Muntik ko nang mabitawan ang camera bag nang sabay na napalingon sa akin sina Mama at Loey.

"Aha! Bakit ngayon ka lang?!" tanong niya agad sa nang-aakusang boses. "At saan ka galing?"

Napalunok na lang ako dahil biglang lumipad na naman ang isip ko sa mga ginawa ko kagabi.

"Hindi mo sinabing buong gabi pala ang overtime niyo," kunot-noong dagdag ni Mama habang namamalantsa.

I bit my lower lip in guilt. Kahit hindi niya sabihin, alam kong naghintay siya. Ganoon si Mama kapag nakakalimutan kong magpaalam. Hindi ko man sinadya pero pinaghintay ko pa rin siya. Habang ako naman ay gumagawa ng kamunduhan kasama si Toper. The heck! Nandito na ako sa bahay pero pumapasok pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi.

"Kumain ka na?"

Sa kagustuhan kong matakasan ang mapanuring mga tingin nila, tumango na lang ako para makaakyat sa kuwarto. Kitang-kita ko ang naniningkit na titig ni Loey bago ko sila tinalikuran.

"What have you been doing these days, Danique Emmanuelle?" tanong ni Mama nang nasa tapat na ako ng hagdanan.

Dumiin ang kagat ko sa aking labi. Sa sobrang dami ng mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanya, hindi ko na alam kung saan ba ako mas nakokonsensiya. Sa pagtatrabaho ko sa Lyrica nang hindi niya alam? Sa paghahanap ko sa tatay ko? O sa mga nangyari kagabi? Ni hindi ko pa nasasabi sa kanya na may ugnayan ulit kami ni Toper.

"Masyadong maraming projects sa... XYZ, Ma," pagsisinungaling ko para mapayapa siya.

"Magbihis ka na sa itaas. Baba ka ulit pagkatapos mo para kumain ulit kahit kaunti lang. Masyado mong inaabuso ang katawan mo sa trabaho."

Napahinga ako nang malalim bago tuluyang pumanhik. Pagkapasok ko sa kuwarto, inilapag ko lamang ang mga dala kong bag sa desk bago padapang ibinagsak ang katawan sa kama.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon