Chapter 36
Alam ko ang kantang iyon. It had been all over the internet because of some Tiktok videos that had become viral. Too many covers had been made, and too many stores and establishments had played it to the point that I got sick of it. Kahit sa opisina at team dinner ay palagi kong naririnig iyan.
But Toper's version was nothing like the original or the countless covers.
Matagal ko nang alam na maganda ang boses niya. Suwabe lang at hindi nakakasawang pakinggan. Nasa lahi talaga yata nila ang pagiging magaling sa musika.
Suddenly, my most hated song did not seem so bad anymore.
"It's cold outside. Like when you walked out my life. Why you walk out my life?"
Binawi ko ang tingin at naupo na ako sa tabi ni Maddison. Agad niya akong inabutan ng paper plate. Sandaling pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain sa harap namin bago ako napasulyap ulit sa banda nina Toper.
Nakatingin pa rin siya sa akin kaya nagtama agad ang mga mata namin. Napairap ako at itinuon na lamang ulit ang pansin sa mga pagkain.
"I... get like this every time. On these days that feel like you and me. Heartbreak anniversary..."
Sumipol si Ardo habang kumukuha ng isang stick ng hotdog, sabay sabing, "Nagpaparinig ka ba?" bago kumagat sa hawak.
Tahimik akong kumain. At habang ngumunguya ay saglit na inilagay ko ang aking plato sa binti ko para ihanda ang aking camera.
Agad kong kinuhanan ang bonfire sa harap. Kristen would be delighted to see this. Ang huling campfire na nakita niya ay noong nasa Orazon pa kami. Ilang buwan na rin ang nagdaan.
Nagpatuloy ako sa pangunguha ng mga litrato. Masyadong abala sa pagkukuwentuhan ang mga kasamahan namin kaya wala masyadong nakapansin sa ginagawa ko. Si Ardo lang na epal at agad na nag-peace sign nang mapadako ang anggulo sa puwesto niya. Nakuha rin tuloy sa anggulo si Toper na hanggang ngayon ay tumutugtog pa rin.
Iniwas ko lang ang camera nang mag-angat siya ng tingin. Mga pagkain naman ang kinuhanan ko ng litrato. Pagkatapos ay ang tree house sa tapat namin na nagmistulang haunted dahil sa tama ng ilaw mula sa apoy. Ang mga sunflower naman sa paligid namin ay bahagyang isinasayaw ng hangin at naiilawan ng bilog na buwan.
"Alam ko iyan," dinig kong parang nanunudyong sabi ni Ardo bago muling sumipol.
"Gago, manahimik ka na nga!"
I think it was Troy who said that.
Kahit abala sa pangunguha ng mga litrato ay naririnig ko pa rin ang mga usapan sa paligid ko. Pero hindi ko na ulit narinig ang boses ni Toper at wala na ring tunog ng gitara kaya alam kong tumigil na siya. Kakain na rin siguro.
Or so I thought.
Bahagya akong napaigtad nang biglang may nagpatong ng jacket sa mga balikat ko. Nang tumingala ako ay siya ang nakita ko.
May dala rin siyang tatlong stick ng umuusok pang barbecue at isang maliit na metal bowl na puno ng kanin. Walang pasubaling inilagay niya ang mga iyon sa plato ko.
Nabitin sa ere ang mga kamay kong may hawak na camera at nahigit ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit niya.
Naramdaman niya yata ang reaksiyon ko dahil sinalubong niya ang tingin ko at tinaasan pa ako ng kilay. Mas lalo tuloy nagkalapit ang mga mukha namin at ramdam ko ang mainit na haplos ng bawat hininga niya sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...