Chapter 40

730 47 28
                                    

Chapter 40

"Can you just resign?" biglang tanong ni Toper habang nakasandal sa dingding malapit sa pintuan at nakahalukipkip na nakamasid sa akin.

Naka-pajama na lang siya at puting T-shirt. Kakaligo lamang at nang mahiga sa tabi ko ay saka ako naalimpungatan. Tatlong oras akong nakatulog dito sa kuwarto niya at nang matanto ang orasan ay agad na akong bumangon.

Pasado alas dose na at inaantok pa rin ako. Nakakaengganyo nga namang bumalik na lamang sa pagtulog sa kama niya pero kung hindi ako uuwi ngayong gabi ay hahanapin ako ni Kristen. Kaya kahit mabigat na ang katawan ko sa pagod ay pinilit ko pa ring mag-ayos ng sarili.

Naghilamos ako at naglagay ng concealer para hindi halata ang pamamaga ng aking mga mata. Itinali ko na rin pataas ang buhok ko at habang ginagawa ang mga iyon ay pinagmasdan lamang ako ni Toper.

Halatang inaantok na siya pero nagpumilit pa ring ihahatid niya ako pauwi.

After what happened in XYZ, wala na ako sa sarili kaya sasakyan niya ang ginamit namin pauwi rito. Naiwan ko ang sasakyan ko sa trabaho pero kaya ko pa namang mag-commute. But he stubbornly rejected my idea.

"Just resign, Danique," giit niya nang hindi ako kumibo. "I don't feel comfortable with you working there after what happened tonight. After what you've told me. We can still find your father kahit pa wala ka na roon. Baka makapatay ako sa oras na hawakan ka nila ulit—"

"I wanna go home, Toper," I softly said to pacify him. Tumataas na ang boses niya sa iritasyon pero kumalma naman agad nang sabihin ko iyon.

Isang marahas na hininga ang pinakawalan niya.

Pareho na kaming walang imik hanggang sa maihatid niya ako. Nagtagal pa siya nang kaunti hanggang sa tuluyan akong makapasok sa bahay. Mabuti na lang at pareho nang tulog sina Mama at Kristen. When I opened the lights in my bedroom, he drove away.

The next morning, I went to work as if nothing happened. Sinundo ako ni Toper kahit hindi namin napag-usapan at kahit labag sa kalooban niyang patuloy akong pumasok sa Lyrica ay inihatid pa rin niya ako. Walang fieldwork kaya buong walong oras akong nasa opisina. Ipinagpapasalamat ko na lang na wala ni isa sa mga supervisors namin ang nakasalubong ko. Hindi ko alam kung pumasok sila. Kahit kasi sa 9th Dose ay hindi ko rin sila nakita.

Ganoon lumipas ang sumunod na mga araw. Ang akala ko ay buong linggo ko silang hindi makikita ngunit nagkamali ako.

Araw ng Biyernes nang makita ko silang nagkakape sa pantry. Bago iyon dahil mas madalas sila sa 9th Dose sa tuwing breaktime. Gawa sa salamin ang kalahating dingding ng pantry kaya kitang-kita ko silang tatlo. Kausap nila ang dalawang bagong intern.

Magtitimpla rin sana ako ng kape namin nina Enzo at Letisha pero hindi na lang ako tumuloy.

Pipihit na sana ako pabalik pero mas naunang nag-angat ng tingin ang Sales Supervisor namin. Awtomatiko siyang namutla nang makita ako. Siniko niya ang mga kasama pero tumalikod na ako. Bahala silang kainin ng mga konsensiya nila.

Noong isang araw, nagpaskil ang HR sa bulletin board at sa portal ng kumpanya tungkol sa magaganap na promotion. Nakasaad na sa huling araw ng buwan iaanunsiyo ang mga empleyadong kasali sa promotion kaya halos araw-araw ay iyon ang bukambibig ng mga kasamahan namin.

I was busy re-reading my article about a rookie soloist who debuted three weeks ago when Enzo suddenly put his huge hand on my head. Sabay bulong ng, "Phone call."

Nilingon ko siya at napairap nang itaas-baba niya ang kanyang mga kilay nang paulit-ulit habang pabalik na siya sa kanyang cubicle.

Kunot-noong dinampot ko ang receiver ng telepono para sagutin ang tawag.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon