Chapter 37

725 46 28
                                    

Chapter 37

I didn't know how I got away from Toper's hold that night. Walang nangyari sa amin, sa laki ng pasasalamat ko. Despite what was happening to him, he really just went inside my room just to make sure I'd eat enough before sleeping the night off.

Tahimik na nagsalo kami sa pagkaing dala niya. Sa unang subo ko ay saka ko lang naramdaman ang gutom. Dahil doon kaya mabilis kaming natapos.

The silence between us wasn't awkward at all. Hindi katulad sa mga nakaraang araw ng pananatili namin dito sa Pangasinan. Kung dahil iyon sa mga sinabi niya, hindi ko alam.

I was still having a hard time processing the fact that he was the owner of this huge property. I didn't know that he liked sunflowers. And I couldn't understand why he had chosen this place. Walang rason para manatili siya rito. Masyadong malayo sa pamilya niya. Masyadong malayo sa mga tao. Hindi bagay sa kanya. Mas sanay akong napapaligiran siya ng maraming tao.

The noise and the crowd were a huge part of his daily life. Peace and quiet didn't really seem to suit him.

Kaya naman pala ang lakas ng loob pumasok sa kuwarto na tinutuluyan ko dahil siya ang may-ari. Kaya naman pala hindi talaga umuwi ng Maynila sa buong durasyon ng project namin.

For the first time since our stay in this castle-like mansion, I slept peacefully. At nang magising kinaumagahan ay magaan din ang pakiramdam ko.

Maaga kaming tutulak papunta sa stadium na paggaganapan ng comeback showcase kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto dala ang mga gamit ko.

Bahagya pa akong natigilan nang pagkasara ko ng pinto ay siyang pagbukas naman ng pintuan sa katapat na kuwarto.

"Good morning," bati agad ni Toper.

Napabuntong hininga ako.

It was still just seven in the morning. I didn't know he'd wake up early today. Tapos naman na ang mga trabaho namin dito at diretso na kaming lahat patungo sa venue. Pagkatapos ay kanya-kanya nang luwas pabalik sa Maynila.

Huwag niyang sabihin na pati sa stadium ay sasama pa rin siya?

Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil paglingon ko ay bihis na bihis na siya.

Nagtama ang mga tingin namin pero wala akong makitang hiya o pagkailang sa mga iyon. Sa halip ay tila proud at confident pa siya sa mga pinagsasasabi niya kagabi.

Parang ngayon lang tuloy ulit nag-sink in nang tuluyan sa utak ko kung ano'ng ibig niyang sabihin. Nailang ako at ako na ang naunang nagbaba ng tingin.

But before that, I saw a ghost of a smile on his lips. Nagkunwari na lang akong abala pa sa bag ko para sana mauna na siyang umalis.

Pero sa halip na iyon ang mangyari ay patay-malisya niyang kinuha ang trolley ko. At bago pa ako makaangal ay naglakad na siya palayo.

Saglit pa akong natulala sa ginawa niya at nakagalaw lang ulit nang mawala na siya sa paningin ko. Bumilis ang mga hakbang ko para maabutan siya. Nasa baba na siya nang marating ko ang puno ng hagdanan.

"Toper!" tawag ko sa kanya habang pababa na rin.

Hindi niya ako narinig dahil may iilang staff ang bumati sa kanya at nagpasalamat. Wala akong nagawa kundi sundan na lang siya.

Open wall ang nasa kusina kaya may mga nakakita rin sa kanya mula roon. Nang tawagin siya nina Zeldon para mag-agahan muna ay napalingon na rin ako.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon