Chapter 26
Wala sa sariling nakatitig lang ako sa harap ng computer habang inaalala ang appointment na pinuntahan namin ni Loey kanina.
Evidently, I was six weeks pregnant. Two red lines had appeared on that stupid stick! Kaya pinilit ako ng kaibigan kong magpatingin na kaagad sa doctor. Natagalan kami sa pagpipilit pa lang niya sa akin. Kahit kinakabahan na ako ay iginiit ko pa rin na hindi naman kailangan dahil baka sira lang ang kit na binili niya. Hindi ako naniniwalang buntis ako. Nag-ingat kami ni Toper kaya imposible.
But then her OB-gynecologist of a cousin, Ate Olive, confirmed that I was really six weeks pregnant. We did a transvaginal ultrasound and I saw from the printed result what the developing embryo inside me looked like – tiny and fragile and helpless. Now what else do I need to finally believe? Hindi ko alam.
Loey had to skip her examination para lang masamahan ako sa appointment na iyon. Sa SGH niya ako dinala at wala naman daw maghihinala dahil madalas naman daw kaming makita roon.
Siya pa ang mas emosyonal nang ipahayag ng pinsan niya ang kalagayan ko. She was already crying hard when we saw the tiny embryo on the screen of the ultrasound machine. Masyado pang maaga at hindi pa iyon hugis sanggol pero may nakikita na ngang namumuo.
Mugto na ang mga mata niya nang makabalik kami sa parking lot. "Nahulaan ko, 'di ba? Kahit maaga pa, napansin ko na. Ang ibig sabihin ba ay magiging magaling na doctor ako?" emosyonal na tanong niya.
Tinapik ko siya sa balikat. "Of course, you will, Loey. Kaya ba't ka nag-skip sa exam mo para lang dito?"
"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Inaanak ko na 'yang dala mo. Magiging ninang na ako!"
I gnawed on my lower lip. She was just too emotional about this habang ako ay hindi alam kung ano'ng dapat maramdaman. Wala akong maramdaman. Hindi pa yata napoproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari.
"Si Mico ang papa, 'di ba?"
Napairap ako sa kawalan bago napabuntong hininga. Of course, siya lang naman ang lagi kong kasama. Ang lagi kong...
Marahas na paghinga ang ginawa ko. Namumuo na naman ang iritasyon sa dibdib ko para sa lalaking iyon. Sino pa ba ang magiging ama ng dinadala ko kung hindi siya?
Halos magdugo na ang ibabang labi ko sa diin ng kagat ko roon. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tahimik sa labas ng kotse ko, hindi alintana ang sikat ng araw. Hindi ko na magawang tingnan nang diretso ang kaibigan ko. Hinayaan naman niya akong mag-isip at manahimik nang ilang sandali.
The growing irritation I had towards Toper intensified slowly. Mabagal pero bumilis din kinalaunan habang iniisip ko nang paulit-ulit. Hanggang sa namalayan ko na lang ang pangingilid ng mga luha ko. Nang hindi ko na makayanan ay naisubsob ko ang mukha sa aking mga palad.
"Ang sabi ko, mag-iingat siya!" daing ko habang ramdam ang paninikip ng dibdib.
Umiyak ulit si Loey at tuluyan akong niyakap. "Ano na'ng gagawin natin?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam. Napailing na lang ako habang patuloy sa pagluha.
At hanggang ngayong nandito na ako sa opisina, hindi ko pa rin alam kung ano ang susunod na gagawin ko.
Sinuot ko ang aking salamin para hindi gaanong halata ang pamumula ng mga mata ko dahil sa pag-iyak. Mabuti na lang at parehong abala sina Tish at Enzo sa kanya-kanyang trabaho kaya walang nangungulit sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...