Chapter 18
"I thought you had ditched me again. Nang magising akong wala ka sa tabi ko, inisip kong iiwasan mo na naman ako sa susunod na mga buwan."
Ilang beses din akong napakurap pagkatapos niyang sabihin iyon. Kaya siya nagmadali at hindi man lang nag-abalang magbihis?
I sipped my coffee again and let my eyes travel down his body. From his defined pectorals to his well-grooved abs. I was never a fan of abs pero ang guwapo pala talagang tingnan sa malapitan, ano? Natutukso na naman ang mga kamay kong maglakbay patungo roon. Tanging kulay asul na boxers lamang ang suot niya at ni walang suot na tsinelas. Inangat ko ulit ang paningin at napansing basa pa ang buhok niya at may mga tubig pang tumutulo pababa sa kanyang dibdib. May maliit na puting tuwalya na nakasabit sa kanyang balikat.
Inilapag ko ang tasa ng kape sa tabi ng coffee maker. Hindi ko pa rin alam kung ano'ng isasagot ko sa huling sinabi niya kaya kinuha ko ang tuwalya niya at sinimulang punasan ang kanyang buhok.
Napahinga siya nang malalim. Patuloy pa rin sa pagtahip ang dibdib niya at nakita ko pang napalunok. Humakbang siya palapit at hinayaan ako sa ginagawa. Bahagya pa siyang yumuko para mas maabot ko siya, sabay lagay ng kanyang kanang kamay sa dingding sa likod ko.
I could feel his eyes glued on me kaya mas lalo ko siyang hindi tiningnan. "Uuwi na ako," marahang sabi ko pagkatapos ng ilang sandali.
"Will I see you tomorrow?" pabulong naman na tanong niya.
Tumaas agad ang kilay ko sa tanong niya. Lalo na nang tingnan ko siya't makitang lumalamlam na naman ang mga mata niya. "What for?"
He bit his lower lip. I almost rolled my eyes when his gaze transferred to my lips. Tumigil ako sa pagpupunas ng buhok niya at ibinaba na ang kamay.
"By the way, napaayos mo na ang laptop mo?" tanong ko para mawala ang atensiyon niya sa mga labi ko. "Magkano ang nagastos mo? I'll pay you. Unti-unti."
"No need, Danique," he answered in a husky voice.
"Bakit? Ako naman ang may kasalanan," giit ko nang ibalik ko sa kanya ang tingin.
"My fault too." A glint of desire flashed through his eyes.
Naningkit ang mga mata ko. "At ngayon, inaalala mo na naman kung bakit at paano nangyari iyon," akusa ko sa kanya.
He chuckled. Halatang nahuli pero walang balak tumakas.
"Babayaran pa rin kita," giit ko.
"I said, no nee—"
"Unti-unti kong babayaran. Give me your bank details and I'll pay you every month. Unti-unti nga lang dahil may mga hulugan pa ako at—"
Napabuga siya ng hangin, tila naaaliw pa sa kakulitan ko. "Fine, Danique. Kung iyan ang gusto mo, but no need to hand me cash. Think of it as my payment for 'Danique's Baby.'"
Tumagal ang titig ko sa kanya.
Masuyo siyang ngumiti. "So... are you..."
I raised my right eyebrow and waited for his question.
"My girlfriend now?"
Ako naman ang natawa nang tapusin niya iyon. "No, of course not." Isinabit ko ulit sa kanyang leeg ang tuwalya.
Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang mariin. Bahagyang kumunot ang noo. Clearly, it was not the answer he had expected from me.
"Why not?"
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...