Chapter 50
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.
My body felt sore all over, but I still felt refreshed when I woke up. Bumawi yata ang katawan ko sa ilang gabing puyat ako.
Ang unang tumambad sa akin pagkamulat ko ay ang puting kurtina na bahagyang inililipad ng hangin mula sa terasa. The room wasn't familiar, but I knew it was Toper's based on the scent enveloping me. Pati yata sa sarili ko ay naaamoy ko na rin siya.
Ang sunod kong namalayan ay ang boses niyang pabulong na tila may kausap. Nilingon ko ang pinanggalingan niyon at nakita ko siyang nakaupo sa coffee table paharap sa kulay-asul na sofa.
Nakatalikod siya sa akin habang may hawak na sunflower sa isang kamay at cellphone naman sa isa. It was a video call at dahil matangkad siya, kahit nakaupo na ay hindi ko pa rin makita kung sino ang kausap niya. He was still topless and was only wearing a black boxer.
Napabuntong hininga ako at muling nahiga. Pagkatapos kong umiyak kanina sa tree house, sinuot lang niya ulit ang kanyang board shorts bago niya ako kinarga papunta rito sa mansiyon.
Umakyat kami sa ikalawang palapag pero hindi ko na nakita kung saang kuwarto niya ako dinala. Lupaypay na ako sa sobrang pagod at antok at halos tulog na rin ako sa kanyang mga bisig.
Nagmulat lang ako ng mga mata nang maramdaman ang lamig sa hita ko nang iupo niya ako sa sink. Namumungay na ang mga mata ko sa sobrang antok nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa noo ko.
"We need to shower, baby. I promise I'll let you sleep after this," masuyong bulong niya bago muling tinanggal ang mga suot ko.
Wala na akong lakas pa para magprotesta kaya hinayaan ko na lang siya. Kahit nang itapat na niya ako sa shower ay nanghihinang napasandal lang ako sa katawan niya. Halos bagsak na rin ang mga talukap ko habang minamasahe niya at nilalagyan ng shampoo ang aking buhok. Siya na ang nagpaligo at nagbihis sa akin.
After drying my hair, he scooped me up again and brought me to the bed. And the moment my back touched his cozy sheets, tuluyan na akong hinila ng antok.
"This isn't for you. This is for my baby."
Nabalik sa kasalukuyan ang iniisip ko nang muli kong marinig na magsalita si Toper. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakita kong iniikot-ikot niya sa kanyang daliri ang hawak na sunflower.
"You and your Mom are my babies."
Sumikdo ang dibdib ko sa narinig. Was he on a video call with our Kristen? Napabangon ako para mas makinig nang mabuti.
"Baby, your Mom is still sleeping," aniyang napatayo na habang nilalaro pa rin ang hawak na bulaklak. "Okay. I love you. See you later."
Pinatay niya ang tawag at ganoon na lamang ang pagguhit ng gulat sa mga mata niya nang malingunan niya akong nakaupo na.
Nilapitan niya ako agad at masuyong hinawakan ang baba ko para patakan ng magaang halik ang mga labi ko. Pagkatapos ay inilagay niya sa kamay ko ang sunflower na hawak niya.
"How's your sleep, baby?"
Napakurap ako pagkatapos niya akong halikan. It was so sudden and unexpected. Awtomatikong naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko nang muling sumagi sa isipan ko ang mga ginawa namin kanina sa tree house.
Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya mahalata ang pagkailang ko. Bumaba iyon sa suot kong oversized black shirt.
"We should eat. I prepared lunch," aniyang nilapitan ang isa pang hindi kalakihang lamesa malapit sa terasa na ngayon ko lang napansin na puno pala ng mga pagkain. "Sandali at iinitin ko lang."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...