Chapter 43
Mama did not say anything. She did not even get mad at me, and that made me feel worse. Parang mas gusto kong magalit na lang siya at kumprontahin ako tungkol sa nakita niyang papel.
It was the result of the paternity test, and I had no idea how she found it. Itinago ko iyon pero sa dami ng mga iniisip ko ay hindi ko na maalala kung saan ko inilagay. Laking pasasalamat ko na lang at walang pangalang nakasaad doon at akin lamang.
I cried so hard when I saw her holding it. I didn't know how to explain, and I wanted to explain, but Mama just hugged me. Loey left to give us privacy, but she still did not say anything. At kahit nang kumalma ako ay hindi pa rin siya nagsalita.
We never talked until the end of the day.
Until the next day.
Until now.
"Hindi niyo pa rin ba pinag-uusapan?" Loey sounded frustrated and, at the same time, worried.
Maging ako ay ganoon din ang nararamdaman. Sa nakalipas na dalawang araw ay para akong nangangapa sa dilim. Naghihintay kung kailan sasabog ang liwanag ng galit ni Mama.
Alam kong galit siya. Hindi puwedeng hindi dahil matagal kong inilihim ang lahat sa kanya. Imposibleng hindi siya galit.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Gusto ko na ring magtanong kung ano'ng nangyari. Did I get so busy that I did not notice you were having a hard time? I don't want to ask Kuya about that result. I want to hear everything from you. But you should talk to Tita first. Sinasayang mo ang oras mo. Dalawang araw ka nang hindi pumapasok."
I bit my lower lip. "I resigned already. Bakit ako papasok?"
Mula sa pagkakahiga sa kama namin ni Kristen ay napabangon siya agad pagkarinig sa sinabi ko. "What the hell?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.
Nagkibit-balikat ako at muling pumapak ng dried chili.
I already submitted my resignation letter along with the unsigned contract directly to Mr. Alfonzo Pereira. When I decided that I should talk to him, buo na rin sa isipan kong umalis sa trabaho.
Nahanap ko na siya. Kilala ko na siya. Wala na akong dahilan pa para manatili sa Lyrica.
Pero bago ko naman ginawa iyon, tinapos ko ang lahat ng trabaho ko. I polished all my articles at lahat ng kailangan ni Tish ay inihanda ko. Sinigurado ko namang maayos ang mga assignment na ibinigay sa akin kaya hindi ko na kailangan pang bumalik.
At isa pa, hindi ko rin alam kung paano haharapin sina Enzo at Letisha nang hindi sinasabi ang mga nangyari. I might lose my shit if I see Enzo. I asked his father not to tell him about me. At hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng guilt sa ginawa ko. Ngangatngatin lang ako ng konsensiya ko kapag nakita ko siya. Ni hindi ko magawang sagutin ang mga tawag nila, ang makipagkita pa kaya?
"Stop eating that! Hindi ko mapigilang isiping buntis ka ulit," saway niya sa akin.
I glared at her.
Nanlaki ang mga mata niya. "Don't tell me!" Pagkatapos ay napatayo na siya at nagparoo't parito na parang hindi mapakali. "Oh, my God! I can't believe Mico! Ano ito? Mag-iipon kayo ng mga anak at hindi mo na naman sasabihin sa kanya?"
Binato ko siya ng isang piraso ng sili. "Tigilan mo nga ako riyan sa kaka-Korean drama mo. Kung anu-ano ang naiisip mo. Hindi ako buntis, Cornelia!"
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...