Chapter 6

769 47 9
                                    

Chapter 6

Hinahamon mo ba ako, Suarez?

I wanted to erase his smirk. The competitive in me did not like that. I pulled up my sleeves and flicked my fingers to warm them up. "Of course, Toper."

Kapag ganitong hinahamon niya ako, kahit hindi ko kaya ay pipilitin ko pa rin ang sarili kong kayanin. I wouldn't back down even if I knew that we were partners in this game.

Bumalik sa lamesa ang tingin ko at kinuha ang mixer. I heard Toper chuckle beside me kaya paasik na nilingon ko siya ulit.

"We only have thirty minutes, Danique," nangingiting paalala niya habang nagsisimula na ring magtrabaho.

I watched him prepare the vodka glass and fill it up with ice cubes. Kalmado niyang kinuha ang Grey Goose vodka at pomegranate juice. He then picked up a freshly squeezed grape fruit and mixed them all together and the result was a beautiful ruby red drink.

Tumaas ang kilay niya at nag-angat ng tingin sa akin nang mapansing hindi pa rin ako gumagalaw.

"Thirty minutes, Danique," he reminded me.

Napanguso ako sabay kunot ng noo. Fine. Hindi ko talaga alam kung paano magsisimula. He made it seem so easy but I can't do it. Malakas lang akong uminom pero wala akong alam sa paghahalo ng mga inumin. Hindi pa ako nakagawa ng sarili kong inumin. Dapat ay isang oras ang binigay nila sa amin. How the hell would they expect us to mix and stir our own recipe of cocktails in just half an hour? Three different cocktails in just a short period of time. Sariling recipe namin kaya dapat ay binigyan sana kami ng tamang oras para makapag-isip. Malay ko kung mag-lasang daga na pala ang mga ihahalo ko rito?

I bit my lower lip as I picked up the bottle of Charles Heidsieck 1981, 'Champagne Charlie.' Hindi pa ako nakakatikim ng ganitong klase ng champagne kaya nagsalin ako sa plastic cup para tikman muna iyon. I pursed my lips when I tasted a slight hint of mango.

Napatitig ako sa hawak na bote bago nagsalin sa hawak kong flute. Bahala na.

Grape juice ang kinuha ni Toper kanina kaya orange juice naman ang pinili ko. Hindi na ako nag-isip at walang pag-aalinlangan na inihalo ko na iyon sa champagne. I also picked up an apricot purée. Pinaghalo ko ang mga iyon at... bahala na.

Maganda naman ang kinalabasan ng kulay. Sparkling golden orange ang dating. Hindi nga lang ako sigurado sa lasa.

Lakas-loob na nagsalin ako nang kaunti sa plastic cup para tikman iyon. Hindi pa ako nakakabawi nang biglang kinuha ni Toper ang cup mula sa kamay ko at tinikman din iyon.

Napaawang na lang ako nang makitang naubos niya ang laman niyon. Bahagya akong binalot ng kaba nang hindi siya nag-react kaagad. He took his goddamn time to evaluate the taste of my creation.

I sighed in frustration. Pupuwede naman niyang laitin. Sabihin na lang niya kung masarap ba o hindi. Para sa akin ay mukhang okay naman. The sweetness of the apricot and the citric taste of the orange juice blended well with the mango aftertaste of the champagne. Okay naman ang lasa. Ba't parang nag-iisip pa siya diyan?

"You can name your drink, Danique," sabi niya pagkatapos ng ilang sandali.

"Huh?"

"Ikaw ang gumawa. You can name it. Is it okay to launch this at my bistro?"

"Huh? Bakit?" Medyo tumaas ang boses ko sa gulat.

Masuyo siyang ngumiti sa reaksiyon ko. "This is the best cocktail I've ever tasted from a newbie. Better than my own mixes."

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon