Chapter 10

789 45 2
                                    

Chapter 10

I was doing an artist profile on Zodiac – a new rock band who had just debuted yesterday – when Enzo suddenly whispered behind me.

"Pinapatawag ka ni Dad."

Napatayo siya nang tuwid nang lingunin ko siya't samaan ng tingin. Napatikhim siya sabay iwas ng tingin. "Pinapatawag ka ni Sir Pereira, Miss Beltran."

Kumunot ang noo ko sa sapilitan niyang pagpormal. He laughed when I gently elbowed his stomach. Muntik ko pa siyang hampasin sa lakas ng tawa niya. Ang ibang staff na malapit sa cubicle ko ay napasulyap sa amin dahil sa ingay niya.

"Bakit daw?"

Bigla naman akong kinabahan doon. Kahit palagi naming nakakahalubilo ang CEO ng Lyrica, bihira lang iyon magpatawag ng empleyado sa kanyang opisina. Napaisip tuloy ako kung may nagawa ba akong mali sa nakaraang projects ko. Was it about the Panglao Island photoshoot? O sa dinaluhan kong debut showcase ng Zodiac kahapon? Wala namang nabanggit sa akin si Tish. Kung may problema naman sa mga articles ko ay agad niyang ipinapaalam sa akin.

Nagkibit-balikat siya bago bumulong ulit habang ang kanang kamay ay nasa dibdib. "Napag-utusan lamang ang hamak na anak."

I couldn't help but roll my eyes at that. Mukha siyang tanga. Bakit pa kasi kailangang ilihim niya sa lahat ang tungkol doon? Hindi naman siya anak sa labas na kailangang itago. Kung anu-ano pa ang nalalaman.

"Mai-report ko ngang buntot nang buntot sa akin ang anak niya," parinig ko nang bumalik na siya sa kanyang cubicle.

He just made a face kaya napairap na lang din ako.

Inayos ko ang kuwelyo ng aking turtle neck bago tumayo at namulsa sa suot kong manipis na coat.

Our floor was quite busy today than usual. Paroo't parito ang mga empleyado. Nasa iisang palapag kasi kami at ng audio room ng XYZ Records at marami ring tao sa banda nila. Iilang tao ang nakasalubong ko habang patungo sa elevator.

Tatlong elevator ang magkakatabi at lahat ay okupado. Pumuwesto na ako sa pinakauna dahil nakita kong pababa na iyon. Bumukas bigla ang pangalawang elevator at papunta na sana ako roon kung hindi lang bumukas din ang nasa tapat ko. It was fully occupied. Iilang empleyado ang lumabas na may kanya-kanyang bitbit na kape. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ako natinag sa puwesto ko.

Nanatiling bukas ang pintuan niyon kahit nakalabas na ang lahat ng empleyadong nagtatrabaho sa palapag namin. As if waiting for me to step inside.

But I couldn't.

There were still a few people inside. Most of them were from XYZ, but the three in front were from our company.

"Hindi ka sasakay, Deb?" tanong ni Sir Ryan, ang aming printing supervisor, sa palakaibigang tono. Beside him was the other two supervisors from sale and art department.

Naikuyom ko ang aking mga palad sa loob ng suot na coat para pigilan ang sariling mapaatras. They all smiled at me, but those greetings were not enough to ease my discomfort. I was nervous and alert at the same time. One suspicious move from them, and I was ready to attack in any way possible. Regardless of the place and the situation we were in.

Ganoon katindi ang poot na namamayani sa dibdib ko para mawalan na rin ng pakialam kung mawalan man ako ng trabaho ngayong araw. Sa sobrang galit na biglaang tumupok sa pagkatao ko, ni hindi ko magawang magkunwaring ayos lang ako o kahit ngumiti man lang nang peke.

How could I fake a smile when these three middle-aged men were included in my hunt list? I couldn't trust them. I couldn't afford to be in the same space with them.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon