Chapter 29
"Tita!"
Paglabas pa lang namin ng arrival area ay agad nang sumigaw si Kristen. At ang magaling ko namang kaibigan ay dramatikong kumaway pa at sumigaw din ng "inaanak" bago lumuhod para salubungin ng yakap ang anak kong patakbo na sa kanya.
Mama chuckled at the sight. She was beside me on her wheelchair while I was slowly pushing our baggage cart, matching my pace with her. Palapit na kami sa dalawang nagyayakapan habang pasimple kong iginala ang paningin sa paligid at sa bawat taong nakakasalubong.
Bumalik lang ang tingin ko sa kaibigan nang marinig kong may ibinubulong siya kay Kristen.
"Tingnan mo ang Mama mo, may hinahanap." Tumawa siya at tuluyan nang tumayo nang pandilatan ko ng mga mata.
Lumipat ang tingin ko sa anak kong yumakap sa binti niya. She just pouted and looked away. Mukhang hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin. Pinapansin naman na niya ako pero halata kong may tampo pa rin nang kaunti.
"Sino'ng hinahanap mo, Mama?" dagdag na pang-aasar pa sa akin ni Loey sabay hawak sa kamay ni Kristen.
Napairap na ako lalo na nang muling tumawa si Mama.
"Welcome back po, Tita! Mami-miss ko po ang Orazon," nakangusong sabi niya bago pumuwesto sa likuran nito. "Ako na po rito. Relax lang kayo at damhin ang polusyon ng Maynila."
Sabay silang nagtawanan.
Si Kristen naman ay tumabi na sa gitna namin, ang isang kamay ay nakakapit sa damit ni Loey.
I offered my right hand so that she could hold onto it. Pero sa halip na tanggapin iyon ay kumapit din siya sa dulo ng damit ko, kagaya ng ginawa niya kay Loey, nakanguso pa rin at kunot ang noo.
Napakagat-labi ako para pigilan ang ngiti. At least, I know now that she is slowly warming up to me again. Kasi kung hindi, baka kahit kapit sa damit ko ay hindi niya gagawin. So far, ito yata ang pinakamatagal na pagtatampo niya. At... naiintindihan ko naman.
Naglalakad na kami palabas ng airport habang nagkukuwentuhan sina Mama at Loey nang madaanan namin ang isang katamtaman ang laki na digital advertising billboard.
Promotional ad yata ng Lyricbeat at isa-isang ipinakita ang bawat miyembro ng banda. At the end of the video ad, Czeila was shown in her usual braided hair sitting behind the drums. Pagkatapos niyon ay ang logo ng banda.
"Ba't wala si Asher?" kunot-noong tanong ko.
When I turned to look at Loey, nasa unahan na sila at ilang hakbang na ang layo mula sa akin. Mabilis na sumunod ako.
"Umalis ba ng banda si Asher, Loey?"
Wala na akong balita noon tungkol sa kanila mula nang magsimula si Mama sa kanyang therapy. Sa sobrang abala at gulo ng utak ko noon, hindi na sumagi sa isip ko ang tungkol sa naiwang trabaho at hindi na rin ako nagkaroon pa ng oras para makibalita sa banda.
"I saw the ad," sabay turo ko sa nadaanan namin kanina. "Si Czeila ang nagda-drums."
"He was on hiatus. Hindi mo ba alam? Pinanganak daw kasi sa South Korea kaya required na mag-enlist sa military. Hindi na-revoke ang citizenship kaya ganoon. It's amazing to know na may kakilala akong talagang nag-enlist. Sa Kdrama ko lang 'to napapanood. Kahit pala half lang, required pa rin na mag-enlist basta pinanganak doon at kapag hindi na-revoke ang citizenship. That's interesting. Paano naman kaya kung purong Pinoy at doon ipinanganak?"
"Tita!"
Sabay kaming napalingon sa anak ko. Pagkatapos ay lumipat naman agad sa itinuro niya.
It was another digital ad board, placed just beside the exit of the airport.
"Sun... Sunf..." aniyang nakaturo pa rin doon.
What caught Kristen's attention was the sunflower theme of the ad. Harmless kung tutuusin. Pero binalot pa rin ako ng ibayong kaba nang matanto ko kung tungkol saan ang ad na iyon.
It was a cocktail culture annual event that will be held here in Manila for the first time next month. Alam ko ang event na ito. Ito 'yong World Class Finals kung saan nanalo si Toper sa ibang bansa noon. Taun-taon ay ginaganap ito sa iba't ibang panig ng mundo kung saan nagtitipun-tipon ang mga magagaling na bartender at mixologist para koronahan ang pinakamagaling. Ngayong taon ay dito sa Pilipinas gaganapin.
Toper, being a former conqueror of the title, will be at the said event, of course. Along with the other winners in the past. At siya ang huling ipinakita sa ad kaya agad kong hinawakan si Kristen sa kamay para mabaling sa akin ang atensiyon niya.
Parang sasabog yata ang puso ko nang ibalik niya ang tingin doon. Mabuti na lang at mabilis ang flash niyon at saktong kakatapos lang ng ad kaya hindi niya naabutan ang hitsura ng Papa niya.
Alam kong bata pa siya at kahit makita niya man iyon ay hindi pa rin naman niya malalaman ang koneksiyon nila. Pero kinabahan pa rin ako.
Matalinong bata si Kristen. Paano kung nakita niya at naisip na may pagkakahawig sila? At hindi lang simpleng pagkakahawig, kamukhang-kamukha. I sometimes have no idea how my baby's mind works. I couldn't risk it. Hanggang ngayon, hindi ko pa napag-iisipang mabuti kung ano ang isasagot ko sa susunod na maisip niyang magtanong ulit.
Siniko ako ni Loey pagkalabas namin. "Hindi talaga maipagkakaila, ano? Kahit sino'ng makakita sa anak mo na kilala kayong dalawa, malalaman agad. Damn the resemblance, Deb," pabulong na sabi niya nang mapansing napatingin sa amin ang anak ko.
"Nakakahiya sa lahi ng mga Suarez. Parang kinopya lang ang mukha." Nginisihan niya ako nang samaan ko siya ng tingin.
"Eh 'di alam mo na rin kung ano'ng hitsura ng magiging anak ninyo ni Miguel," ganti ko sa kanya.
"Deb!" Sabay takip sa magkabilang tainga ng anak ko. "Don't say bad words. Naririnig ka ng bata!"
"Bad words, eh patay na patay ka roon noon," nakairap na sabi ko.
Huwag niya akong lokohin. Halos buong populasyon ng university – mapa-high school man, senior high at college – alam kung gaano siya kabaliw noon kay Miguel. Ilang taon din iyon. Hindi ako naniniwalang limot na niya ang lahat. Mahirap kalimutan ang kahibangan niya noon.
"Mag-ingat ka at baka kainin mo 'yang bad words na iyan."
"Mag-ingat ka rin at baka mahuli ka ng tatay ng anak mo," pabulong na ganti niya.
After loading our things into the trunk of her car, inalalayan ko na si Mama sa pagpasok at pag-upo niya sa shotgun seat at saka ipinasok ang kanyang wheelchair sa likod. Sa backseat kami pumuwesto ng anak ko.
Kristen couldn't hide her excitement as I put her in the baby seat. Nang masiguro kong okay na ang strap ay saka ako pumasok at tumabi sa kanya.
"Mama," she called me unconsciously in amazement as Loey drove away from the airport. Ang mga mata niya'y halos magningning sa tuwa habang hinahabol ng tingin ang mga malalaking gusaling nadadaanan namin.
"Ang ganda, baby, ano?" malambing na sabi ni Loey. "Welcome to Manila, Kristenuelle!"
"Kung saan ka nabuo," siraulong dagdag pa nito sa mahinang boses na tinawanan kaagad ni Mama.
My daughter giggled in excitement as we drove through a number of billboards. Manghang tiningnan niya ang mga iyon. May mga billboards din naman sa Orazon pero hindi kasinlaki ng mga nandito sa siyudad.
Nangingiti na ako sa mga reaksiyon niya pero bigla na namang humirit si Loey. Itinuro nito ang pinakamalaking billboard. "Iyon, baby, oh! Tito mo 'yang singkit na iyan!"
Nahigit ko ang aking hininga nang makita kung ano ang itinuro niya. It was a billboard of Lyricbeat. Dumako agad ang tingin ko kay Kristen pero tingin ko ay hindi naman niya naabutan. Sinubukan niyang sundan ng tingin pero natabunan na agad ng iba pang mga gusali.
"Kapatid?" kaswal na tanong ni Mama.
"Ni Mico po, opo." Nginisihan niya ako mula sa rearview mirror. "Bunsong lalaki iyan ng mga Suarez. Pangatlo si Mico, Tita."
Naningkit ang mga mata ko. "At pangalawa, Ma. 'Yong kinababaliwan niya noon."
"Sige na, titigilan ko na!" pairap na sabi niya.
Umirap din ako at pasimpleng ibinalik ang tingin sa katabi ko. Hindi naman na siya nagpumilit pang sundan ng tingin ang billboard na itinuro ni Loey kanina. Pero nanatili ang tingin niya sa labas na parang nag-iisip. I just wished she wouldn't understand a thing yet about our topic right now. Hindi naman siguro halatang tatay niya ang pinag-uusapan namin, 'di ba? It did sound like we were just talking about some random family. Pero dahil guilty ako, hindi ko maiwasang mabahala.
"Ang lakas ng hitsura nila sa..." Mama trailed off.
Bumalik ang tingin ko sa harap dahil sa komento niya at nagtama agad ang tingin namin sa rearview mirror. Ngumiti siya nang masuyo bago ibinaling ulit sa labas ang tingin. Mahina lamang ang pagkakasabi niya sa huling tinuran para hindi marinig ni Kristen, pero nahimigan ko ang tuwa sa boses niya.
"Oo, Tita. Kapag nakita niyo si Mico, naku! Xerox copy!"
But Loey couldn't seem to shut up.
Nailing na lamang ako. Gutom na ako pero dahil nawiwili pa si Kristen sa joyride ay pinagbigyan muna ni Loey. Inikot namin ang mga lugar na madalas naming puntahan noon.
Sa pagpaparoo't parito, nadaanan namin ang SGH, XYZ building at kahit ang bistro ni Toper. Nahahalata ko nang sinasadya ng kaibigan kong daanan ang mga iyon para mang-asar. Napapairap na lang ako sa kawalan.
Naaalala kong parati ko ngang nakakasalubong noon si Toper kung saan-saan. Sa trabaho man o kahit sa labas. Pakiramdam ko tuloy, nasa paligid lang siya at nakamasid. Until now, I could feel his presence in every corner of Metro Manila. Kahit saan ko ibaling ang aking tingin, pakiramdam ko, anumang oras ay bigla ulit siyang magpapakita.
"Nakaka-miss ang Orazon," komento ni Mama pagkatigil ni Loey ng kanyang sasakyan sa tapat ng isang Japanese restaurant.
Bumaba na kami agad ni Loey pagkatapos niyang sang-ayunan ang sinabi ni Mama. Siya na ang kumuha kay Kristen na tuwang-tuwang yumakap sa kanya habang ako ay kinuha at inihanda na ang wheelchair para kay Mama.
After making sure that she was well-seated and comfortable, I pushed the wheelchair for her. Kaya naman na niyang mag-isa pero alam kong pagod na siya mula sa biyahe.
Walang gaanong tao pagpasok namin sa restaurant dahil maaga pa sa regular lunch time. Pumuwesto kami malapit sa counter para hindi mahirapan si Mama sa pagpili ng makakain. Mabuti na lang din at may available silang high chair para sa mga bata. Sa tabi ko ipinuwesto si Kristen at nasa tapat naman namin sina Mama at Loey.
Dahil naglilikot pa siya sa kakatitig sa kabuuan ng restaurant, hinayaan na ako ni Loey at siya na ang um-order.
Matagal siya sa counter pero nang bumalik ay nakangisi na. Kasunod niya ang waiter na dala na ang mga pagkain namin.
Mula sa pagkakabit ng sunflower bib sa leeg ni Kristen ay hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Nagtaka pa ako noong una sa dahilan ng pagngisi niya.
Pero agad ko ring nahulaan ang tumatakbo sa isipan niya nang ilapag ng waiter sa harap ko ang malaking bowl ng ramen at isang platito ng dried chili. Ramdam ko agad ang pag-init ng pisngi ko. Letse talaga 'to! Unang araw pa lang namin ulit sa Maynila, puro throwback na ang pinaggagawa!
"Paano si Kristen?" tanong ni Mama nang ilapag ni Loey ang miso soup sa harap niya.
"May kiddie meals sila, Tita," sagot nito sabay kuha ng isang maliit na pinggan mula sa tray na hawak ng waiter. Nilapag nito iyon sa harap ng aking anak. "Oyakodon. More on chicken and eggs pero may kanin din naman."
"Thank you," nangingiting sambit ni Kristen habang hindi na maalis ang titig sa pagkain sa harap niya.
"You're welcome, baby. Gusto mo nito?" Sabay turo ng letse sa dried chili. "Dito ka ipinaglihi, mahal kong inaanak."
"Kanina ka pa, Chloe Cornelia," nakairap na bara ko sa kanya.
"Lihi?" inosenteng tanong naman ng anak ko.
Sinapo ko ang likod nito at sinamaan ng tingin ang kaibigan ko.
Humalakhak siya samantalang si Mama ay nangingiti. "Hindi ba, Tita? May mga garapon pa iyan noon. Nag-stock sa kuwarto. Diyos ko!"
My mother tried to hide her smile by digging into her soup. "I remember her being grumpy over the littlest things."
"Totoo pala talaga na babae ang anak kapag masungit habang nagbubuntis." Nginisihan niya ako. "Masungit din tuloy ang bunga. Hindi ba, Kristen? Ano'ng turo ko sa 'yo? Aigoo!"
"Aigoo!" My daughter automatically answered back. Pero kahit ganoon ay nasa pagkain na ang atensiyon niya kaya sinimulan ko nang subuan.
Napailing ako. Kung anu-ano na lang ang tinuturo sa kanya ng kaibigan ko. Ngayon ay idinadamay pa sa kabaliwan nito sa Kdrama. Tinuturuan niya ng mga basic expression ng mga Koreano. Aniya'y kailangan daw iyon dahil may dugo itong Koreano.
Napanguso na lang ako at nagsimula na ring kumain. Eating dried chilis again after so many years brought back a lot of memories. And most of them were me being grumpy towards my kid's father. Kahit sa pinakasimpleng dahilan ay nagagalit ako agad kay Toper. Ultimo makita ko lang ang mukha niya noon, sira na agad ang araw ko. At kapag naman hindi nagpakita, walang pagbabago at sira pa rin ang araw ko.
Naiisip ko tuloy, mukhang bukod sa tuyong sili ay pinaglihian ko rin ang lalaking iyon.
Inabot yata kami ng isang oras kumain dahil nagustuhan ni Kristen ang Oyakodon na in-order ni Loey para sa kanya. Bukod doon ay nawili rin siya sa mga anime na ipinapalabas sa malaking flat screen ng restaurant.
When she finally finished, nagsimula na siyang antukin. Panay na naman ang hawak niya sa kanyang tainga. Lagi niyang ginagawa iyon kapag inaantok na siya.
I offered to scoop her up so that she can rest and sleep on my shoulder but she stubbornly refused. Ang akala ko ay magtatampo na naman pero nang palabas na kami ay hinayaan naman niya akong hawakan ang kamay niya.
It was Loey who opened the door for us. Niluwangan niya iyon para makalabas din si Mama. Pero bigla na lang siyang natigilan at tila naestatwa kaya napaatras ako para hindi bumangga sa kanya si Kristen.
"Mama," my daughter called me as she tilted her head to see what stopped Loey from stepping outside.
Nakisilip na rin ako at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko ang dalawang taong papasok naman ng restaurant. Katulad namin ay natigilan din sila.
"Deb?!" gulat na sambit ni Letisha.
On the other hand, Enzo couldn't utter a word in surprise.
Tahimik na nilapitan ni Loey si Mama at itinulak na ang wheelchair palabas ng kainan. Sabay na bumaba ang tingin nina Enzo at Tish nang tuluyan nilang makita ang anak ko.
Nakaramdam ako ng kaba kaya humigpit ang hawak ko sa maliit na kamay niya.
Bakit ba nawala sa isipan ko na itong restaurant na ito ang madalas naming kainan noon sa tuwing gusto naming mag-lunch out? Alam ko namang harmless ang dalawa ngunit hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
Letisha's eyes watered but she was still smiling at my daughter. "Hi, baby," malumanay na bati niya.
Kristen looked up at me but I couldn't look back. Mula sa gilid ng aking mga mata, kita kong gusto niyang magtanong ngunit hindi magawa dahil nanatili sa mga dating kasamahan ang aking paningin.
Enzo lifted his eyes from my daughter and gently smiled at me. "It's been a while, Deb."
I still couldn't find my voice to speak. I didn't know what to do. Or what to say. Pero nang higpitan ni Kristen ang hawak niya sa akin ay muling bumaba ang tingin ko sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingala sa akin.
"Hello, little Deb," malambing na bati sa kanya ni Enzo.
Tiningnan niya ito pero agad niyang ibinalik sa akin. "Mama..." Her beautiful eyes sparkled with curiosity. She threw another glance towards Enzo. And then she looked up at me again.
"Papa?"
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
Narrativa generaleSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...