Chapter 22

697 41 2
                                    

Chapter 22

"Let's go," nakairap na aya ko sa kanya pagkatapos niyang uminom ng tubig.

Tumayo na ako at bago pa ako tuluyang tumalikod ay nakita ko pa ang matagumpay na ngiti niya. Siya itong kanina ko pa sinisinghalan pero bakit parang ako ang talo?

Nauna na akong bumaba. Nasa counter ulit si Kuya Iñigo kaya nauna na rin akong nagpaalam sa kanya. Tumango siya pero halata ring natutuwa siya na bad trip ako ngayon sa kapatid niya. Parang ang sarap tuloy pag-untugin ang mga ulo ng magkapatid na 'to!

"Ayos iyan, Deb. Pahirapan mo muna," nangingiting sabi niya.

Napairap ako sa kawalan. "Kuya, magkaibigan lang talaga kami," giit ko sabay abot ng bayad para sa kinain namin.

Tinanggihan niya iyon pero wala ring nagawa nang ipilit ko iyon sa kanya. Ayokong magkaroon ng utang-na-loob at literal na utang sa kasama ko. Bago pa kami maabutan ni Toper, nagpaalam na ako ulit at lumabas na ng restaurant.

Dahil sa anghang ng kinain namin, mas dumoble ang init na naramdaman ko paglabas. Nagtungo na ako agad sa kotse para buksan ang aircon niyon. Pagkatapos ay bumalik din sa silong ng entrance ng restaurant para hintayin si Toper. Sumilip ako sa loob at namataang may kung anong sinasabi na naman sa kanya ang Kuya niya. Inaasar siguro siya dahil nakita ko ang pagsimangot niya.

Paglabas niya ay agad ko siyang sinimangutan. "Ang tagal mo. Male-late na ako."

"Why did you pay, Danique? I should've been the one to—"

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko na siya pinatapos at dumiretso na ako agad sa aking sasakyan. Nakahinga ako nang maluwang nang salubungin ako ng lamig ng aircon. I started my engine as I watched Toper climb up into his car.

After positioning himself in front of the steering wheel, he honked his car once. I honked back twice. Hindi ko alam kung nagkaintindihan kami. Pero hudyat ko iyon na sasama ako sa kanya patungo sa ospital. Pinauna ko siya bago ako sumunod.

He honked once again. Ang kulit! I honked back twice. Again.

Binalot ng pait ang dibdib ko pagkapasok namin sa outdoor parking area ng SGH, naaalala ang huling punta ko rito kasama si Loey. Parang nagsisi tuloy ako bigla kung bakit pa ako sumama. When I looked at my wristwatch, may tatlumpung minuto pa ako bago matapos ang lunch break namin. Alam kong male-late na ako pabalik kaya hindi ko maintindihan kung bakit sumama pa ako. Dahil lang nasaling ang pride ko kanina at ayaw kong magpatalo? Nag-effort pa ako para lang doon? Wala rin namang saysay dahil pakiramdam ko, ako ang talo kasi ako itong napipikon sa kanya ngayon.

Natigilan ako sa pag-iisip nang may kumatok sa bintana sa gilid ko. Hindi na ako nagulat na si Toper iyon pero bahagya akong nabahala na sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko man lang napansin ang paglapit niya. Aburido na naman tuloy ako nang makita nang malinaw ang pagmumukha niya. Iritadong binaba ko ang bintana. Sumenyas pa siya na ibaba ko iyon nang todo. Halos mapudpod ko ang window switch sa diin ng pindot ko. Nanggigigil ako sa inis!

"Ba't nandito ka pa? Ihatid mo na ang dapat mong ihatid," naiimbiyernang taboy ko sa kanya.

"Hindi ka sasama?"

"What for?"

"Mainit dito. Mas lalong iinit 'yang ulo mo." Ngumisi siya.

"Bilisan mo na lang!" singhal ko sa kanya.

Napanguso siya. Kapagkuwan ay mas lalong dumukwang para dampian ng halik ang mga labi ko.

Naestatwa ako sa ginawa niya. Dinaig ko pa ang tuod nang tumayo siya ulit nang tuwid. He just kissed me in an open space like this! Kahit pa sabihing nasa loob ako ng sasakyan, nasa outdoor parking lot pa rin kami. Maraming napapadaan at kahit sino'ng makakita sa amin ay malalaman agad kung ano'ng ginawa niya.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon