Chapter 33
"I'm so sorry, Deb," kanina pa paulit-ulit na sabi ni Loey simula nang tawagan niya ako hanggang makauwi ako. At kahit nang puntahan ko siya sa kanyang bahay, iyon din agad ang ibinungad niya sa akin.
As soon as I got home and after making sure that Mama and Kristen were both fine, dumiretso na ako rito para masigurong walang ibang makakarinig sa pag-uusapan namin.
"Walang dudang nakita niya kami. Kristen was just too distracted by the bouquet of sunflowers kaya hindi niya napansin si Mico. Natatakpan ng sumbrero ang mukha niya kaya hindi rin nakita nang maayos ni Mico ang hitsura niya."
Tumigil siya sa harap ng kanyang bookshelf na hitik sa medical books. Galing din siya sa trabaho ngunit hindi kagaya ko, nakapagpalit na siya bago sila gumayak ng anak ko palabas.
"Alam kong ang tamang gawin ay hayaan nang magkita ang mag-ama pero kinabahan pa rin ako. I want them to meet but I also respect your wishes as Kristen's mother. Ayokong pangunahan ka."
Sa sobrang kaba ay hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. It had only been a few months since we got back here. At iilang beses na ring muntik magkita ang dalawa. Noong unang araw namin ulit dito sa Maynila at ito naman ngayon.
Alam kong malaki ang Parañaque area pero pati ba naman dito sa banda namin ay napadpad siya? Why can't he just stay in his bistro? Nang sa gayon ay malayang makalabas ang anak ko nang wala akong pangamba. He should just stay out of Parañaque. Puwede naman pero sana ay hanggang XYZ building na lang.
"I'm sorry, Deb. I wanted to eat an ice cream kaya isinama ko na rin si Kristen. Diyan lang kami sa malapit na mall. Hindi ko inaasahan na..." Napabuga siya ng hangin. "I'm sorry. I should've been more careful. Nagkabatian pa kaming dalawa at... He even thought Kristen was my daughter."
I didn't know why I got infuriated because of that, though it wasn't directed at Loey. It was for Toper. It was for myself.
Alam kong hindi pa buo ang desisyon ko tungkol sa mag-ama. Kung ipapakilala ko ba si Kristen sa Papa niya. Kung sasabihin ko ba kay Toper na nagkaanak kami.
Alam kong hindi ko iyon maiiwasan habambuhay. Pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa sa magiging reaksiyon ni Toper. Galit pa siya sa akin ngayon. Pakiramdam ko, madadagdagan lang iyon sa oras na malaman niyang naglihim ako sa loob ng ilang taon.
Hindi pa ako handa sa kaparusahan ng ginawa ko. Napakagulo pa ng buhay ko ngayon. Hindi ko pa alam ang tatay ko at baka ituloy ko ang paghahanap sa kanya ulit. I was going to fix that part of my life first before I'd decide what I would do with Toper and Kristen.
Sa ngayon, hindi ang pagkikita nila ang prayoridad ko. Pero hindi ko pa rin naiwasang mainis nang marinig na hindi niya nakilala agad ang anak namin. If that was me, kahit hindi ko kita ang mukha ni Kristen, likod pa lang niya ay alam ko nang anak ko siya.
But then, Toper had never known. Toper had never seen Kristen. It wasn't his fault if he didn't recognize our daughter at first glance.
But then a large part of me was still mad at that and it didn't want to acknowledge the part of me that understands. Mas lamang ang iritasyon kaysa sa pang-unawa.
Kaya naman kinabukasan din mismo, nagpunta ako sa kanyang bistro kahit wala akong scheduled fieldwork. May gig ang Lyricbeat kahit weekday pero wala namang espesyal na magaganap kaya hindi na iyon kasali sa schedule ko.
Kaunti lang ang tao ngayong gabi kumpara sa aking nakasanayan. Pagpasok ko ay namataan ko agad ang nag-uusap na sina Ardo at Zeldon sa itaas ng stage.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...