PROLOGUE

503 8 0
                                    

Marami ng pumapasok na estudyante sa loob ng school. Palibhasa ay first day of school na naman. Madaming bagong mukha ang nakikita ko.

Napabuntong-hininga na lang ako saka inihagis ang natitirang sigarilyo sa sahig at saka inapakan. Pinagpag ko na ang damit ko saka naglagay ng bubble gum sa bibig at pumasok na rin sa loob.

Halos kadalasan ng mata ay napapataas ng tingin sa akin. Masyadong akong nakikita dahil sa taas ko. Pero hindi ko lang rin pinansin ang mga taong 'yun at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating sa gilid ng cafeteria.

Napakunot naman ang noo ko ng makita ang mga lalaki sa likod banda ng room. Naglakad naman muna ako papunta dun at agad napababa ang tingin sa isang babae na nakaupo na sa sahig.

"First day of school at ganiyan agad ang bungad niyo sa babae?" Tanong ko dahilan para mapatingin naman ang mga ito sa gawi ko.

"Oh, Peach, andiyan ka na pala. Anong nangyayari diyan?" Boses ni Art mula sa likuran ko.

"May mga rapist dito, pre." Sagot ko naman.

"Bacteria 'yan pre. Ano, upakan na ba natin?" Sulsol naman ni Derk.

"Bakit ba kayo nakikialam dito, ha! Mind your own business, idiots." Singhal ng isa sa mga lalaki.

Kumuha naman ako ng isang tabla mula sa gilid saka walang alinlangang inihampas iyon sa mukha ng gago. Napatingin naman ako sa ibang kasamahan ng gago at halatang natakot naman bigla ang mga ito. "Dalhin niyo na 'nga 'to. Umagang-umaga eh english ng english. Kingina." Saad ko.

Agad naman nilang binuhat ang kasamang dumugo ang ilong dahil sa paghampas ko ng tabla.

"Goal! HAHAHA." Saad naman ni Art habang umaaktong nag-be-baseball.

Hinayaan ko na lang ang baliw at pinuntahan ang babae at itinayo. "Umalis ka na at ayusin mo na ang sarili mo. May klase ka pa." Saad ko.

Agad naman itong tumango at inayos ang uniform saka kinuha ang bag. "S-Salamat." Pasasalamat pa nito. Tumakbo na ito papalayo kaya napabuntong-hininga na lang ako saka naglakad na papunta sa kuwarto.

"Sabog ata utak ng lalaking 'yon pre." Natatawang saad ni Derk.

"Bobo! Edi namatay 'yon? HAHAHAH." Sagot naman ni Art.

Ang iingay talaga ng mga kingina.

"Mukhang bad mood ata ang prinsesa namin, ah?" Biglang may umakbay sa akin at hindi ko na kailangang lingunin pa para malaman kung sino iyon.

"Ayon at may tinabla na agad HAHAHAHA. Sapol ng 100 percent sa mukha, pre." Pagkukwento ni Derk.

"Ingay niyo." Saad ko at saka kinuha ang pagkakaakbay ng kamay nito sa balikat ko at dumeritso na sa upuan ko.

"Pft. Bad mood ka na naman?" Natatawang tanong ni Cris at naupo sa harapan ng upuan ko.

Cristoff Reyes... best friend ko since elem hanggang ngayon. Magkasama kami lagi at halos kilala niya na ako at alam ang bawat sekreto ko. Maliban sa isa... gusto ko siya.

Wala akong balak ipaalam 'yon sa kaniya dahil kahit malaman niya ay wala naman akong mapapala.

Bawal taluhin ang tropa. Iyan ang unang batas sa pagkakaibigan namin. At lahat ay sinusunod 'yan.

Pero kaya kung sirain ang batas na 'yan kung alam kung may pag-asa... kaso wala.

Kaya mas pinili ko na lang manahimik at magpanggap na wala akong nararamdaman sa kaniya na higit pa sa dapat maramdaman ng isang kaibigan.

"Woi! Nakakatakot kapag masyado kang tahimik." Natatawang saad nito at kinuha ang dalawang kamay ko at iginagalaw-galaw iyon.

Napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali saka napabuntong-hininga at nailing. "Tama na nga. Ang sakit na ng balikat ko. Ang pangit pa ng mukha mo." Saad ko. Napatigil naman ito habang nakaturo sa'kin habang dama-dama ang dibdib niya.

"Mga pre mapanakit na si Peach." Pag-iinarte pa nito.

"Wala pa ba si Sir?" Tanong ko at pinalubo ang bubble gum na nasa bibig.

"Alam mo naman 'yon, palaging late. Kahit first day of school ay late pa rin. Pwede na ngang bigyan ng award, eh." Sagot ni Lix.

"Pre, kain ka. Gutom lang 'yan." Bigay ni Art ng chichirya.

"Dinukot mo na naman sa babaeng dumadaan?" Natatawang tanong ko at kinuha 'yon.

"Syempre. Guwapo tayo, eh." Confident na sagot pa niya at kumuha ng panibago mula sa gilid.

Napatingin naman ako sa loob ng plastic at nakitang isa na lang ang natitira. Agad ko namang kinuha 'yon at binilog ang plastic saka itinapon sa mukha ni Art.

"Magbibigay na nga lang isa pa. Tangina mo, Art." Natatawang asik ko saka tumayo at naglakad papunta sa labas. Timing na dadaan ang grupo nila Abby.

"Hey." Tawag ko sa kaniya kaya napatingin naman ito sa akin at agad na tumakbo papalapit.

Kaklase ko siya dati noong isang taon. May gusto siya sa'kin.

"Hi Peach! Mabuti at tinawag mo'ko hihi. Kumain ka na ba? Bumili kami ng snacks. Baka gusto mo?" Nakita ko naman agad ang maraming chichirya na hawak ng apat niyang alipores.

"Ano naman ang kapalit?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

"K-Kiss hihi. Pakiss ako sa pisngi." Kinikilig na saad nito.

Nagkibit-balikat naman ako. "Halik na." Saad ko. Agad naman itong dumukwang papalapit sa'kin kaya humarap naman ako. Tumaas ang labi ko ng maramdaman dumikit ang labi niya sa labi ko.

Agad namang nanlaki ang mata nito at pinamulahan. "S-Sayo na lang lahat ng 'yan Peach. Bibili na lang ulit kami hihi. Girls, ibigay niyo lahat kay Peach dali." Utos nito kaya ibinigay naman ng mga babae ang lahat ng chichiryang dala.

"Thanks. Pasok na ako. Balik ka ulit." Saad ko saka kinindatan siya dahilan para magtititili naman ito.

Habang naglalakad ay nagbukas naman ako ng isang chichirya at inilapag ang ibang plastic sa mesa at agad namang nagsilapitan ang mga tukmol at nagsikuha.

"Putcha! Tinik mo, pre. Wala sa wamport yung nakuha ko kesa sa dala mo." Saad ni Art na may bitbit na limang chichirya.

Naupo naman ako sa upuan ko saka nagkibit-balikat at nagpatuloy sa pagkain.

"Anong kinuhang kapalit ng babae, pre?" Tanong ni Derk na subo-subo yung cheese stick na chichirya.

"Halik." Nababagot na saad ko at nagshoot sa bibig.

Napatingin naman ako sa gawi ni Cris ng makitang nakatingin din ito sa akin. "Bakit?" Tanong ko.

"May lipstick pa yung labi mo..." Saad niya.

Napangisi na man ako saka deritsong tumingin sa kaniya at nilinis iyon gamit ang sarili kung dila. Nakita ko namang nag-iwas ito ng tingin at kumuha ng chichirya at kumain.

Tss. Parang may pakialam eh.

****

*SMAW is part of TVL (as far as I know) Ito yung napili ko dahil bagay si Peach dito. At hindi ko na sinabi o menention ang ibang pa dahil hindi ko na naman sila gagamitin pa o gagawan ng story. Iyong mga namention lang ang may high possibility na magawan kagaya ng HUMMS, ABM, STEM, GAS at SMAW(TVL)*

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon