"Saan ka galing?" Tanong nito sa akin nang makita akong pumasok sa room. Pati ang iba ay napatingin din sa akin.
"Nag-smoke." Sagot ko at naupo sa upuan ko at nagsuot na earphone.
"Baka maamoy ka mamaya ng teachers natin, pre. Malalagot ka na naman." Saad ni Art.
"Aso ba sila para amuyin ako?" Tanong ko saka napabuntong-hininga at nag-shoot ng bubble gum sa bibig.
"Bad mood ka na naman?" Tanong ni Cris at kinuha ang earphones na suot ko. "Ano 'yan? Bakit namumula 'yang kamao mo?" Kunot-noong tanong nito at hinawakan ang kamay ko. Agad ko namang binawi iyon at inilagay sa bulsa ng vest ko.
"May mga gago akong nakita, eh. Tinuruan ko lang ng kaunting leksiyon." Seryusong sagot ko at pinatunog ang leeg habang deritsong nakatingin sa kaniya.
"Woi! Kaibigan mo'ko, ah? Baka nandidilim pa rin 'yang paningin mo at masuntok mo na lang ako bigla." Natatawang saad nito.
"Ingay mo." Nasabi ko na lang saka kinuha ang earphones ko at sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.
"Anong nangyari rito?" Narinig kung tanong ni Cris sa iba. Wala namang music ang earphones ko kaya rinig na rinig ko sila.
"Binastos nila Gringo. Mukhang masama ata mood ni Peach kaya ayon at pinatulan din yung mga gago." Sagot ni Acy. Kasama ko siyang pumunta kanina sa may lumang room ng GAS kung saan kami naninigarilyo.
Hapon na ngayon at time na namin para sa biology pero wala pa rin ang Miss para magturo sa amin. Malayo kasi ang room ng SMAW kesa sa mga ibang building kung nasaan ang ibang strand. Kaya medyo malayong-malayo pa ang lalakaran ng mga teachers bago makarating dito pero kapag mula naman sila sa cafeteria ay mabilis lang dahil magkalapit lang.
At hindi dumating ang biology teacher namin kaya tunganga lang kaming lahat hanggang sa dumating ang sunod na teacher namin.
Kahit papaano ay naaliw naman ako sa pakikinig. Masyadong boring ang buhay ko mula pa kaninang umaga. Tsk. May malas pa akong nakita. Nakakainis.
Napatingin naman ako sa gawi ni Cris at nakita ko itong nakahiga sa braso niya habang nakatitig sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero nginitian lang ako nito at nagpatuloy sa pagtitig kaya mas pinili ko na lang na ibalik ang paningin sa ko sa harapan at hindi na siya pinansin pa.
Hindi man halata pero matatalino rin ang nasa SMAW. Iyon nga lang at medyo matitigas ang ulo.
Nang mag-uwian na ay agad na kaming lumabas sa room. Masyadong agaw atensiyon lagi ang strand namin kapag dumadaan. Palibhasa ay magkakasama kaming lahat.
Dumeritso na kaming lumabas ng school. May gang fight kami ngayon sa low street sa east. Kalaban namin iyong mga gago sa XX University.
Gusto kung manuntok ngayong araw. Masyadong masama yung loob ko.
Halos labing limang minuto ang nakalipas ay narating na nga namin ang lugar. Sa ilalim iyon ng tulay. Kagaya ng inaasahan ay andito na rin ang kabilang grupo. Marami sila kesa sa amin. Merong tatlong babae at ang iba ay puro na lalaki.
"Ano na? Natakot na ba ang iba niyong kasama kaya kayo na lang ang natira?" Natatawang sigaw ng lalaki na nasa gitna.
Tall, dark and ugly. Ayan ang puwede kung description para sa kaniya.
Alam kung masakit akong magsalita pero nagsasabi lang ako ng totoo.
"Sige! Upukan na 'yan." Sigaw ni Cris at agad ng sumugod sa kalaban at agad naman sumunod ang iba.
Napataas naman ang gilid ng labi ko nang makitang napapalibotan na ako ng tatlong babae. Biglang sumugod ang nasa likuran ko kaya agad naman akong umiwas at sinalag ang sipang pinakawalan niya at hinawakan ito sa braso at sinuntok sa tiyan. "Ang tatapang niyong hamunin kami tapos ito lang ang kaya niyo?" Nakangising tanong ko at yumuko ng sumipa ang isang babae. Sinalag ko naman ang suntok ng isa at pabato siyang binitawan papunta sa kasama niya at agad akong umikot at sinipa silang dalawa. "Wala akong panahon sa mga kagaya niyo." Saad ko at iniwan silang tatlo doon at agad na tumakbo at sinipa ang isang lalaki na balak sanang hampasin ng tabla sa likod si Cris.
"Salamat."
"Huwag kang tatanga-tanga. Baka mamatay ka, pre." Saad ko at narinig ko naman ang matunog na pagtawa nito.
Kinuha ko iyong tabla at iwinasiwas sa ere na parang nag-go-golf habang deritsong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko pero bigla na lang itong nawala ng biglang sipain ni Art. "Wataa! Flying kick!"
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Kung maiinis ba ako kasi sinira niya yung maangas na part ko o matatawa na lang dahil sa ginawa niya.
"Yon na 'yon?" Tanong pa ni Derk matapos tadyakan yung isang lalaki.
Napalibot naman ako ng tingin at nakitang nasa lupa na lahat ng kalaban. Merong gasgas ang iba kung kasama pero masyadong malayo sa bituka kaya mabubuhay pa naman sila.
Ang tindi manghamon ang mga lintek tapos maski ako ay hindi man lang nila magasgasan. Tss.
"Miyembro ng frat 'tong mga 'to, hindi ba?" Tanong ko.
"Oo." Sagot ni Lix.
"Nice. Nice. Meron silang pinagpipilian kapag papasok sa frat, diba?" Tanong ko at tumango naman sila ulit. "Gagawin natin 'yon." Tatango-tangong saad ko pa.
"O-Oy pre... May babae diyan, eh. Akala ko ba tuturuan lang natin ng kaunti?" Bulong ni Cris.
"At alam ko. Hindi ako gumagalaw ng nagalaw na ng iba. At tuturuan naman talaga natin sila. Magsisimula tayo ngayon." Saad ko at pumunta sa isang lalaki at sinipa ito.
"Tuwad." Utos ko.
"Ha?"
"Bingi ka? Gusto mo bang butasan ko ulit 'yang tenga mo?" Tanong ko kaya agad naman nitong sinunod ang utos ko. "Kayong lahat. Gawin niyo ang utos ko dahil kapag hindi ay ipapakain ko sa inyo ang tablang hawak ko. Tuwad!" Sigaw ko dahilan para magsituwad naman ang mga gago. "Isa lang ang itatanong ko sa inyong lahat. At alam kung alam niyo na 'to." Saad ko at hinawakan ng mahigpit ang tabla. "Hirap o sarap?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan.
"H-Hirap..."
Matapos marinig iyon ay agad kung pinalo ng malakas ang hita nito at agad na pumunta sa sunod. "Hindi ko na uulitin ang tanong." Saad ko.
"Hirap!"
Sagot rin nito kaya pinalo ko rin ng malakas ang hita nito dahilan para mapahiyaw naman ito. At nagtuloy-tuloy pa ang pagpapalong ginawa ko dahil puro hirap ang pinili nila.
At nang makarating na sa tatlong babae ay nakita ko ang panginginig nila.
Tss. Papasok-pasok sa gulong hindi naman pala kaya. Fraternity? Anong makukuha nila ro'n? Tss. Kung nag-aral na lang sana sila ng mabuti ay may mapapala pa sila.
"Sagot."
"S-Sarap..."
Sagot ng babae na halatang kabado at sobrang higpit ng kapit sa palda na suot.
"Sige. Makakaalis ka na." Saad ko at senenyasan itong umalis.
"H-Ha?" Gulat na tanong niya.
"Anong ha? Hakdog? Sabi ko alis ka na. Gusto mo rin na paluin? Puwede naman kitang pagbigyan." Saad ko. Taranta naman itong tumakbo paalis.
"Ikaw. Sagot." Utos ko sa isang babae.
"S-Sarap..."
"Sige. Alis ka na din." Saad ko kaya agad rin itong tumakbo paalis.
"Ikaw?"
"S-Sarap..."
"Hm. Alis ka na rin. Pero kapag nakita ko pa 'yang mukha niyo na kasama ang mga gagong 'to. Ipapatikim ko sa inyo ang tunay na sarap. Maliwanag?"
"O-Oo." Sagot nito at agad na tumakbo.
Napatingin naman ako sa mga naiwan at dama-dama ang mga hita nila. "At dahil masyado kayong bobong lahat ay indahin niyo ang sakit. Pinapili na kayo't lahat pinili niyo pa talaga ang hirap. Sino sa tingin niyo ang gagalaw sa inyo? Ang pangit niyo para tikman, pinapaalala ko lang." Napangiwi na lang ako at binitiwan ang tablang hawak at nagpagpag ng damit. "Huwag niyo na ulit kaming hahamunin kung 'yan lang ang kaya niyo." Saad ko saka tumalikod na. Inihagis naman ni Cris ang bag ko kaya agad ko naman iyong sinalo.
"Kinabahan ako kanina, ah. Akala ko kung ano ng gagawin mo sa kanila." Saad niya.
"Tss. Tinuruan ko lang ng leksiyon ang mga gagong 'yon. Bahala na sila kung ayaw nilang madala."
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...