Nang makauwi sa bahay ay agad naman ko namang hinubad ang vest at blazer ko saka nahiga sa sofa.
"Gusto niyo po bang kumain, Ma'am Peach?" Tanong ng isang maid namin.
"Gusto kung magpahinga." Sagot ko saka napabuntong-hininga na lang. Rinig na rinig ko iyon dahil sa sobrang tahimik ng bahay. "Hindi pa rin umuuwi si Mommy?" Tanong ko.
"Hindi pa po, Maam Peach. Baka raw gabihin siya ngayon sa pag-uwi." Sagot pa nito kaya mapakla na lang akong natawa.
"Palagi namang 'yon ang rason niya para hindi ako makitaz eh. Masyado pa rin ata siyang galit sa'kin." Mahinang saad ko saka tumayo at kumuha sa bulsa ng sigarilyo at nagsindi.
"M-Maam... hindi po ba kayo magbibihis muna?" Tanong pa nito kaya napatingin naman ako sa suot ko.
Sando at iyong pinakloob na uniform na ngayon ay hindi na nakabutones--ang suot ko sa pang taas. Palda naman sa pang-ibaba.
"Don't worry. Pupunta ako sa kuwarto." Saad ko.
"Ma'am--"
"Yeah. Yeah. Magbibihis ako, Manang."
"Ma'am---"
"Cut it, Manang." Putol ko ulit sa sasabihin nito at nagpatuloy na sa pag-akyat.
Pagkarating sa kuwarto ay agad na akong dumeritso sa shower at nagbabad.
Hindi pa rin nawawala ang galit ni Mommy sa'kin...
Halos noon ay kung alagaan ako nito ay oras-oras na parang ayaw ako nitong masaktan o masugatan man lang. Masyado niya akong mahal noon....
Pero noon 'yon...
Simula ng malaman nito na nagkakagusto ako sa mga babaeng kaklase ko ay nagsimula ng lumayo ang loob niya. Ayaw niya sa ganoong klase. Ayaw niya ng hindi perpekto...
Para sa kaniya ay isang malaking kasalanan ang ginawa ko. Hindi ko dapat binabago kung anong kasarian ang meron ako.
Hindi ko naman ginustong lumiwas ng biyahe. Pero anong magagawa ko eh sa ito na talaga ako.
Mula ng sampung taon ako ay hindi ko na ulit naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Halos hindi ko na rin siya nakikita dito sa bahay. Parang wala na nga siyang pakialam sa'kin.
Lahat ng bagay ginawa ko na noon para maibalik lang ang pagmamahal niya. Naging babae ako para maipakitang perpekto na ulit ako kagaya ng gusto niya. Pero kahit anong tago at pagpapanggap ang gawin ko ay bumabalik talaga ako.
Wala akong magawa...
Hindi ko na ulit nakitang ngumiti sa harapan ko ang mommy ko. Paminsan-minsan pa rin naman siyang dumadalo sa espesyal na mga araw ng buhay ko pero hindi ko pa rin makuhang magsaya
Alam kung ginagawa niya lang iyon dahil pinipilit siya ni Daddy.
Siguro kaya mas lalong tumigas ang ulo ko. At mas naging masamang anak dahil iyon ang nakikita niya sa'kin. At ako naman 'tong si gago ay pinatunayan nga.
Siguro dahil hindi rin naman ako bato. Nasasaktan rin naman ako kagaya ng ibang tao...
Kaya ng ma-realize na parang wala ng patutunguhan ang paghahabol at pagkuha ko sa atensiyon niya ay tumigil na ako. Hindi ko na rin siya kinausap. Hindi ko na siya hinabol. Hindi na ako nanlimos ng kahit katiting ng atensiyon niya.
Pagod na kasi akong gawin iyon.
Mabuti na lang ay andiyan si Daddy. Magtitiis at hinahayaan na lang ako para hindi ako lalong masakal. Alam kung awang-awa na ito sa sitwasyon ko kaya kahit papaano ay hinahayaan na lang ako nito sa mga gusto ko.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...