14

70 3 0
                                    

"Saan tayo pupunta, Peach?" Tanong niya matapos itong pumasok sa kuwarto ko. Nakapagbihis na siya gaya ng iniutos ko sa kaniya.

"Mall. Magpapagupit ako ta's date tayo." Nakangiting saad ko at isinuot ang relo ko.

"D-Date?" Gulat na tanong niya.

"Yeah. Just a friendly date... for now." Inilapit ko ang mukha sa mukha niya habang deritsong nakatingin sa mga mata niya saka ngumisi at unti-unting ibinaba ang tingin sa labi niya na namumula-mula. Pero hindi ko pa man din nagagawa ang gusto ko ay agad na ako nitong itinulak ng bahagya habang nakaiwas ang mukha.

"A-Ayan ka na naman, eh." Saad niya kaya natawa na lang ako at umayos ng tayo.

"Pasensiya. Masyado kang maganda ngayon. Ang dami kung naiisip na gawin sa'yo." Saad ko kaya nanlaki naman ang mata niya dahil para mapahalakhak ako. "I'm just joking. Let's go." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at tinanggap niya naman iyon.

Bumaba na kami sa baba at iniwan ko muna ito sa harapan ng bahay bago dumeritso sa garahe para kunin ang sasakyan ko. Kotse ngayon ang gagamitin ko dahil naka-dress si Jane. Matapos siyang sunduin ay agad ko ng pinaharurot ang kotse paalis sa bahay.

"Wow! Sa'yo ba ang kotseng 'to?" Humahangang tanong niya.

"Yeah. Regalo ni Dad nung sixteenth birthday ko. Hindi ko na nagagamit masyado dahil yung motor at big bike ang palagi kung dala kapag may lakad." Sagot ko.

"Talaga? Ang ganda..." Nakangiting saad pa niya.

Hinayaan ko lang naman siya at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa isang mall. Matapos makapagparada sa parking lot ay agad na kaming dumeritso papunta sa loob ng mall.

"D-Dapat ba nasa bewang ko talaga yung kamay ko palagi?" Tanong niya.

"Oo naman lalo na ngayon. Many people are looking at you like they want to snatch you away from me. Kaya babakuran na kita. Do you feel uncomfortable?" Saad ko.

"N-Nahihiya ako, eh." Nakangusong saad niya.

"Hm... Eh dito?" Tanong ko at iniakbay ang braso ko sa balikat niya.

"Oo na nga lang." Nakangusong saad niya kaya natawa naman ako ay pinisil ang pisngi niya.

Dumeritso muna kami sa isang barber shop para magpagupit ng buhok. Masyado ng mahaba yung buhok ko dahil hindi na ako nakakapagpagupit nitong nakaraan. Mabuti nga at naalala ko pa, eh. Ipapaikli ko kagaya ng dati. Hindi gano'n kaikli. Yung tama lang.

Pagpasok ay agad kung nakita na maraming lalaki na nagpapagupit rin at lumingon talaga nang makita si Jane.

"Oh Peach... Napadalaw ka?" Tanong ni Miguel ng makita ako. Siya lagi iyong pinapagupitan ko kaya kilala na ako.

"Tss. Ano  bang ginagawa sa barber shop?" Tanong ko kaya natawa naman ito.

"Sino 'yang magandang babae na kasama mo?" Tanong niya pa.

"Matanong ka na pala ngayon." Saad ko kaya tumawa naman ito ulit.

Kumuha ako ng isang upuan at itinabi iyon sa isa pa at senenyasan si Jane na maupo. "Dito ka lang sa tabi ko."

"Okay." Nakangiting sagot naman niya at nanood sa ginagawa ni Miguel na ngayon ay nasa likuran ko.

"Iyong kagaya pa rin ba ng dati? Wolf cut?" Tanong ni Miguel matapos ng maihanda ang lahat ng gagamitin.

"Yeah." Sagot ko.

Pinanood ko naman ang mga reaksiyon ni Jane mula sa salamin sa harap at mukhang aliw na aliw ito habang pinapanood si Miguel.

"Ano ba 'yan! Mas guwapo pa si Hero sa'kin, eh!"

Bigla naman kaming napatigil sa ginagawa at napatingin sa lalaking biglang sumigaw. Nasa kabila ang mga ito at kakatapos lang magpagupit. Isang mataas na... lala--babae? At iyong isa naman ay lalaki.

"Ang ingay mo, Shit. Lynx, alis na kami." Paalam nung mataas at kinaladkad na ang lalaki na nagmamaktol.

"Sino ang mga 'yon?" Tanong ko.

"Iyong mataas ay si Heroine. Suki na rin dito 'yan. Babae 'yan kaso nagmumukhang lalaki dahil sa porma, boses, height at mukha. Iyong lalaki ay hindi ko kilala dahil ngayon niya lang iyon dinala rito." Sagot ni Miguel at nagpatuloy na sa ginagawa.

Napakunot naman ang noo ko dahil parang nakita ko na ito dati sa kung saan. Hindi ko lang maaalala kung...

"Siya yung underground champion, diba?" Gulat na tanong ko ng maalala kung saan ko siya nakita.

Dati ay napadalaw kami sa underground para manood ng laban at nakita ko siya ro'n. Wala pang nakakatalo sa kaniya.

She's a beast.

"Oo, siya nga 'yon." Sagot ni Miguel kaya napatango-tango naman ako.

"Ano yung underground champion, Peach?" Tanong bigla ni Jane.

"Nothing. Nothing." Nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya.

Underground champions are beasts. They're monster themselves. I don't even have the idea to fight that monster. She's a different league. It's better to be friends with her than to be her enemy.

Makaraan ang halos kalahating oras ay tuluyan na ngang natapos si Miguel sa pagugupit sa akin.

Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin at napangisi na lang. "Nice. I like this way." Saad ko saka ibinigay na ang bayad kay Miguel at umalis na kami ro'n.

"Ang ikli naman masyado niyang buhok mo. Nagmumukha ka tuloy na lalaki." Nakangusong saad niya habang inaayos ang buhok ko.

"Kapag ito ayos na kahit hindi na ako magsuklay. Ang dali rin na itali. Mahaba pa rin naman, eh." Saad ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Natawa naman ito. "Ang tamad mo." Saad niya.

"Hm. By the way, gutom ka na ba? Kumain muna tayo." Aya ko.

"Medyo." Nakangusong saad niya at hinimas ang tiyan.

"Sige, hanap tayo masarap na kainan." Saad ko at hinawakan ang kamay niya at naghanap na ng puwedeng kainan at sa huli ay mas pinili kung pumunta sa Chinese restaurant.

Naupo kami sa isang table saka nag-order na pero nakita kung nakakunot ang noo at nakanguso ang kaharap ko. Naaliw naman ulit akong titigan siya at maya-maya ay naupo na ako sa tabi niya. "Order ka na." Saad ko.

"Ang mamahal naman nito tsaka hindi ko maintindihan yung mga nakalagay rito sa menu." Saad niya habang tinuturo ang mga nasa menu.

"It's fine." Saad ko at tinuruan siya kung ano-ano ang mga nakalagay sa menu para makapili na siya.

Matapos ng ilang sandali ay dumating na nga iyong order naming dalawa kaya nagsimula na kaming kumain. Natatawa na lang ako sa kasama dahil sobrang cute nito habang hinihiwa yung steak. Hindi niya kasi iyon mahiwa ng maayos dahil iyong kutsara niya iyong hinihiwa niya. She's cute. Kaya sa huli ay ako na ang naghiwa niyon para sa kaniya.

"Washroom lang ako. Dito ka lang." Saad ko saka tumayo at dumeritso sa washroom para maghugas ng kamay.

"Looks like you have a new girl, huh? Are you two dating?" Biglang tanong ng isang pamilyar na boses.

"Sera..."

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon