Tumagal ng tumagal ay nanatili kaming ganoon pa rin ni Cristoff. Dating. Kissing... And doing some sweet stuffs. Calling each other babe. Our family and friends are okay with us. We also talked about the law in our friendship. That 'bawal taluhin ang tropa' but they said that it was okay if we really like each other. They can't force us to broke up just because of that law. Sinasabi na rin nila na sagutin ko na raw si Cristoff.
Sasagutin ko na nga ba siya?
Napatingin naman ako sa kaniya na ngayon ay nasa harapan ko at nakangiti sa'kin ng sobrang tamis. Hindi na nawala 'yon araw-araw. And it's my happy pill now.
I think I'm falling...
But is that enough to say yes to him?
I never imagined myself being into a guy. I always see myself liking some hot girls with big booties and boobies. Pft. But what should I do now... Love captured me.
Hindi na ata ako makakatakas pa.
Mas lalo ko namang tinitigan ang mukha niya na para bang sinasaulo ang bawat parte ng mukha niya. Ginawa ko iyon habang iniinom ang banana milk ko.
"May dumi ba sa mukha ko? You keep on staring me for about five minutes, babe." Asik nito pero umiling naman ako.
"Guwapo ka pala..." Tatango-tangong saad ko habang tinitigan pa ang mukha niya. Natawa naman ito saka nailing na lang.
"Nakatutok kasi masyado sa labi ko ang paningin mo kaya hindi mo na napansin ang kagandahang lalaki ko, babe." Sagot niya at sinubuan ako ng cheese stick.
"Your lips taste so good." Kibit-balikat na sa saad ko na para bang sapat na rason na iyon.
"You're really addicted to my lips now, huh?" Nakangising tanong niya pa. Wala ang ibang tropa namin dahil bumibili pa at nauna kami.
"Oo naman. Ikaw ba, hindi?" Tanong ko rin sa kaniya at uminom ulit sa banana milk ako at nadilaan na lang ang labi. Nakita ko naman itong lumunok saka nag-iwas ng tingin at tumikhim pa. Natawa na lang ako at tuwang-tuwa dahil sa reaksiyon niya.
"I do. I really like those damn lips." Nakangusong saad niya at sinubuan ulit ako ng cheese stick. "They are really good in kissing."
"Then claim it." Saad ko.
"Later." Nakangising sagot niya.
Nailing na lang ako sa nagpatuloy sa cheese stick na isinusubo niya sa akin. Naubos ko na ang pudding ko kaya wala na akong pagkain ngayon.
Maya-maya ay dumating naman ang mga kaibigan namin at nagbukas ng mga topic at sumasagot naman ako minsan. Alam naman nilang hindi ako masyadong nagsasalita kapag hindi yung makukulit yung kausap ko, eh. Dahil kapag sila ay wala talaga akong magagawa kung hindi sagutin ang mga tanong nila dahil hindi sila titigil kapag hindi ko sinagot ang mga tanong nila na wala namang kuwenta.
Maya-maya pa ay bumalik na kami sa room dahil time na para sa klase. Gaya ng dati ay nasa ballpen lang ang paningin ko dahil wala namang masyadong isinusulat sa board. Discuss lang talaga ng discuss at quiz sa huling mga minuto na natitira ng klase.
Nagpatuloy lang iyon hanggang sa sumunod pang mga klase. Nagpalipat-lipat kami ng ibang room sa ibang subject namin. Malapit na ang panibagong batch ng exam. Next week na iyon. Ang bilis lumipas ng panahon. Pagkatapos ng exam ay sem break na namin. Makakapaghinga rin kahit papaano.
Dumaan pa ang tanghalian at sabay naman kaming lahat ulit na kumain sa cafeteria kagaya kanina. Kulitan at kwentuhan. Mabilis na dumaan ang mga oras hanggang sa hindi na namalayan na uwian na pala.
Masaya ako.
Ngayon ko na balak sagutin si Cristoff...
Mamaya pala. Kapag nakarating na kami sa bahay.
"Tara na?" Aya niya. Tumango lang naman ako saka sumakay na sa sarili kung kotse. Naayos na ang motor ko pero nasa bahay lang iyon. Ayaw ko ng dalhin dahil baka may sumira na naman. Ayaw rin akong payagan ni Cris dahil nagmumukha pa akong maangas kesa sa kaniya.
Nauna ako at nakasunod naman ito sa akin. Hindi masyadong mabilis at hindi rin naman mabagal ang pagpapatakbo ko.
Nakita kung tumatawag si Mommy kaya sinagot ko naman iyon at inilagay sa loud speaker para marinig siya. "Yes, Mom?"
"Papauwi na ba kayo?" Tanong niya.
"Yeah. We're on our way..." Sagot ko.
"Good. I prepared some meryenda. Let's eat it together." Masayang saad nito.
"Okay. I'm kinda hungry na nga, eh. Nakauwi na rin ba si Dad diyan?" Tanong ko.
"Yeah. Kararating niya lang galing school. Sinabi ko na hihintayin na namin kayo para sabay na tayong magmeryenda." Sagot niya pa.
"Sige. Sige---"Natigil ako sa pagsasalita ng biglang isang malakas at mabilis na hangin ang dumaan sa gilid ko mula sa harapan ko. Hindi agad ako nakagalaw at napakurap-kurap na lang. May kung anong bigla na lang natakot sa akin dahil sa bagay na iyon. Nang tuluyang nakabawi ay agad akong tumingin sa likuran habang nanlalaki ang mata. "Cristoff!" Malakas na sigaw ko.
Doon ko lang nakita kung ano ang dumaan sa gilid ko na halos gahibla na lang at masasakop na ang sasakyan ko kanina. 10 wheeler truck iyon! Na siya ngayong papunta na sa gawi ni Cristoff.
Parang nanghina ang mga tuhod ko. Halos hindi na makagalaw ang buo kung katawan habang ang paningin ko ay nandoon pa rin.
Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa gawi ni Cristoff. Parang nanuyo ang lalamunan ko at tinatambol ang dibdib ko. Para akong hindi makahinga ng maayos. Tumutulo na ang luha ko at hindi ko na napigilan pa iyon at nagmadali ng bumaba sa kotse ko nang magkalakas na ulit ang mga binti ko. Para akong pinako sa kinatatayuan ko sa sunod na mga nangyari. "Cristoff!" Malakas na sigaw ko at magkasunod na nahulog ang mga luha ko sa aking pisngi. Tuluyang nawalan ng lakas ang tuhod ko sa pangalawang pagkakataon at napaluhod na lang nang marinig ang malakas na ingay na nanggaling sa gawing iyon. Para akong hihikain dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko. Nanlalabo ang mga mata ko at halos wala ng nakikita dahil napupuno na ng luha ang mga mata ko. Sinikap kung lakasan ang loob ko at itinaas ang paningin sa harapan at doon na tuluyang napahagulhol.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Ficção AdolescentePeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...