22

74 4 0
                                    

"Wala na pa lang hintayan ngayon?" Angil ni Cris at naupo sa tabi ko.

"Gutom na kami ni Ken, eh. Hindi na namin kayo nadaanan." Sagot ko saka kinuha ang isang burger niya. "Akin na lang 'to. Nagutom ako kaka-welding kanina."

"Sige na. Sige na. Kainin mo na. Mukhang gutom na gutom ka nga, eh." Nakangiwing sabi niya pa at tumabi na sa akin at kumain na rin.

Naubos ko na yung spaghetti ko at nakakalahati ko na yung shake ko pero gutom pa rin ako. Marami ata ang na-burn ko na calories ngayon at nagamit na lakas. Hayyy.

Kumuha naman ako ng tissue saka pinahiran yung bibig ni Ken na napuno na ng sauce ng spaghetti na kinakain.

"Para kayong isang masayang pamilya." Sabi ni Art habang nakatingin sa aming tatlo.

"Oo nga, no?" Segunda ni Lix at nag-fist bump pa silang dalawa.

"Dami niyong alam." Saad ko pero nagkibit-balikat lang naman sila saka bumungisngis. May kasama ng panibagong baliw si Art. Naka-recruit ng panibagong kasamahan.

"Malapit na pala yung exam natin." Pagpapaalala ni Derk.

First exam namin para sa ngayong taon. Siguro nasa dalawang linggo na lang at magsisimula na.

Kailangang maipasa ko lahat ng subjects ko para walang maging problema. Hindi ako naghahangad ng sobrang taas na grades. Basta walang pula at palakol ay okay na sa akin.

Noon ay halos gawin ko lahat para makakuha ng matataas na grades para lang maging proud sa'kin si Mommy pero kahit anong taas ng grades ay balewala sa kaniya. Kaya napagdesiyonan ko na lang na gawin ang gusto ko. Walang stress at walang pilit sa mga iyon. I just give up pleasing her. Nakakapagod rin naman kasi masyado.

"Anong iniisip mo?" Nilingon ko naman ang katabi ko saka napabuntong-hininga.

"Mom." Sagot ko. Natigilan naman ito ng marinig iyon. Alam ni Cris at ng iba na hindi maganda yung samahan namin ni Mommy.

"Magkakaayos rin kayo nun." Saad niya at hinagod pa ang likod ko kaya natawa naman ako.

"Hindi na mangyayari 'yon. Hayaan mo na nga 'yon. Kumain ka na lang diyan." Sabi ko at senenyasan pa ito.

"Kain ka rin para hindi mo na maalala pa 'yon." Saad niya at bigla na lang sinalpakan ng nuggets yung bibig ko. Pinaningkitan ko naman siya ng mata pero tinawanan niya lang ako. Kinain ko na lang iyon saka nagpatuloy na rin sa pagkain ng burger ko.

"Ano ba 'yan?!" Biglang sigaw ng isang babae kaya napunta naman doon ang atensiyon at paningin namin.

"P-Pasensiya na ho..." Hingi ng paumanhin ng isang... cleaner dito sa cafeteria. Sila yung mga naglilinis ng sahig or table kapag tapos na yung kumakain.

"Look at my uniform?! Ang dumi-dumi na! And it's your fault, old man!" Sigaw pa ng babae.

Tss. Walang respeto.

"Pasensiya na ho talaga, Maam. H-Hindi ko po sinasadya." Nasabi na lang ng cleaner habang nakayuko pa rin.

Tatayo na sana ang mga kasama ko pero senenyasan ko lang sila na maupo. "P-Peach..."

"It's fine." Saad ko habang nakatingin pa rin doon.

Natahimik ang lahat ng biglang kunin ng babae ang shake na nasa mesa at balak sanang itapon sa matanda pero bigla na lang siyang pinigilan ng isang babae at sa mismong mukha niya ibinuhos ang shake na iyon. "What the hell... C-Cream." Tila nagugulat na saad ng babaeng walang respeto nang makita ang kaharap.

Cream Feelings Canope from GAS department. Behind that name... she's the boss bitch.

She's a bitch if someone is bitching out on her or in anyone.

Tinulungan nitong tumayo ang cleaner saka sinabihan na umalis na muna at bumalik na lang mamaya saka niya hinarap ang babae. They are both from GAS.

"Because he accidentally spilled the spaghetti on your uniform... you really did that nasty thing, really?" Malditang tanong sa kaniya ni Cream.

"Nadumihan niya yung uniform ko." Rason ng isang babae.

"Kaya pinahiya mo? Naturingan ka pa namang GAS student pero yung ugali mo parang basura. Akala ko matalino ka? Hindi mo ba alam na puwede kang maparusahan dahil sa ginawa mo? Idiot!" Saad pa niya saka inirapan ang babae at tuluyang umalis.

Dahil sa pagkapahiya ng babae ay tumakbo na lang ito paalis para hindi madagdagan ang kahihiyan.

Napailing na lang ako saka nagpatuloy na sa pagkain. Iyong bata naman ay sayang-saya sa pakikinig ng music at sa pagkain na hawak kaya parang wala ng pakialam sa mundo.

Sa lahat ng strand dito sa Andromeda ay iyong GAS yung nangunguna sa may pinakamaraming estudyante na matatalino. Sumunod yung STEM at ABM at ang iba pang mga strand.

"That was one of a scene." Saad ni Cris at nagkibit-balikat naman ako.

"May chemistry tayo mamaya, diba?" Tanong ko at tumango naman siya at sinubuan na naman ako ng cheese stick.

"May chemistry na rin naman tayo ngayon, eh." Saad niya habang deritsong nakatingin sa akin at kinindatan pa ako pagkatapos. Napasipol naman ang iba naming kasama pero nagkibit-balikat lang naman ako.

"Okay." Nasabi ko na lang kaya humaba naman ang nguso niya.

"Ang sama ng ugali mo." Biglang saad niya kaya napakunot naman ang noo ko.

"Ano na namang kasalanan ko?" Nagugulat na tanong ko.

"Wala." Sagot niya.

"Ayan na naman... Tinotopak ka na naman. Kanina ang saya-saya mo tapos ngayon nag-iinarte ka na naman. Pamental ka na, pre. Malala ka na." Saad ko saka napailing.

"Suyuin mo kasi ako." Saad niya pa.

"Gago, bakit ko gagawin 'yon?" Natatawang tanong ko.

"Nagtatampo ako, eh." Saad niya kaya mas lalo naman akong natawa.

"Pake ko?" Tanong ko sa kaniya at natawa ulit dahilan para lalong sumama naman ang mukha niya.

"Ang sama-sama ng ugali mo, Peach." Saad niya pa saka tumalikod sa akin.

"Alam ko. Kumain ka na nga lang diyan. Masyado kang maraming arte, eh." Saad ko at isinubo ang natitirang piraso ng burger ko saka uminom ng shake at napatingin sa cellphone ko pero wala man lang text o tawag.

Tss. Busy ata siya...

Masyadong pinapagod ang sarili eh pinayagan ko naman siyang magpahinga.

Nang matapos na kaming kumain ay dumeritso muna kami sa Narra. May upuan doon sa ilalim at masarap tumambay kapag tanghali. Mamaya pa ang klase namin kaya doon na muna kami. Nakatulog na si Ken at si Art yung nagbabantay. Wala namang ginagawa, eh.

Ipinikit ko naman ang mata ko pero biglang may kumuha sa isang earphones ko pero hindi ko na lang pinansin at umidlip na lang muna ako.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon