"Saan yung unang gusto mong puntahan natin?" Tanong niya ng makarating kami sa mall. Dito na lang kami sa Tops dahil ito ang pinakamalapit sa bahay namin. Kapag sa ibang malls kami pupunta ay masyado na kaming mapapalayo.
"Bili muna makakain. Nagugutom na naman ako." Saad ko. Tumango naman ito at itinuro ang pizza parlor na nasa harapan lang namin.
Pagpasok sa loob ay agad naman kaming pinagtinginan ng ibang mga costumer lalo na ang kamay ko na hawak-hawak ni Cristoff. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko mula pa kanina ng bumaba kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan.
Dumeritso na kami sa counter at agad rin na nagtaas ng tingin si Cris sa menu board na nasa taas. Nakita ko naman ang humahangang tingin ng crew at agad na napunta sa akin ang tingin at bumaba sa kamay namin ni Cris ang kamay niya kaya namilog naman ang labi niya na ikinangiwi ko na lang.
Si Cristoff na ang namili ng kung anong klaseng pizza ang kakainin namin. Hindi naman kasi ako mapili sa pizza. Kahit anong klase ay nakakain ko naman. Ganoon rin sa ibang pang pagkain. Wala rin naman akong mga allergy kaya ayos lang kahit anong kainin ko.
Naupo muna kami sa table na nandodoon para kumain. Noong tanghali pa yung huling kain ko kaya nagugutom na naman ako. Nagrice ako kanina pero ewan at kumakalam na naman ang tiyan ko at nanghihingi ng pagkain.
Hawaiian pizza ang binili ni Cristoff at mainit-init pa talaga iyon kaya nakakatakam. Pagkabukas ng box ay agad na akong kumuha at kumain at napatango-tango. Pero bigla rin akong napatigil sandali ng makitang may tumatawag.
Si Mommy pala...
Sinagot ko naman iyon at nilagay sa loud speaker para marinig rin ni Cristoff. "Yes, Mom?"
"Where are you?" Tanong nito.
"I'm with Cristoff at Tops rightnow. We're on a date." Sagot ko. Tumaas naman ang gilid ng labi ko ng makitang ngiting-ngiti naman ang kaharap ko.
"Oh... It's good to hear that you're into dating now." Saad niya kaya natawa naman ako.
"Ayaw kung nalulungkot yung lalaking 'to, eh. Topakin masyado. Baka sumbatan na naman ako kapag hindi ako pumayag." Sagot ko saka kumagat sa pizza ko.
"Uuwi ka ba mamaya?" Tanong niya.
"Oo naman."
"Late?" Tanong niya pa ulit.
"Maybe. Why?" Tanong ko rin.
"Gusto ko sanang sabay tayong magdinner..."
"Oh. Baka magutom kayo kapag hinintay niyo ako. Hm... Why not bukas? It's Saturday bukas, right? Punta tayo kila Tita Cristy tapos isama natin si Dad. Bonding lang. Tita and Tito miss you both." Suhestiyon ko.
"Good idea. Sige, sasabihin ko 'yan sa Daddy mo." Masayang saad nito.
Bahagya naman akong napangiti dahil ramdam kung masaya ito. It feel so good when I make her happy.
"Kasama mo si Daddy ngayon?" Tanong ko pa ulit at kumagat sa pizza ko.
"Yeah. Kakarating niya lang rin."
"You two should rest after you eat your dinner. Masyado kayong pagod dahil sa mga trabaho niyo." Saad ko. Matagal naman siyang natahimik kaya tiningnan ko naman kung nawala na ba siya pero hindi naman. Hinintay ko lang ito na magsalita at maya-maya nga lang ay tumikhim ito.
"You never changed at all." Saad niya.
"Hm..." Iyon lang ang nasabi ko dahil puno pa ang bibig ko matapos ipasok ang natitirang piraso ng pizza sa bibig ko. Natatawang pinunasan naman ni Cris ang gilid ng labi ko na nalagyan ng hot sauce.
"I'll drop the call, Peach. Your dad was calling me na para kaumain. Enjoy your date."
"Sure, I will. Food is enjoyable, mom." Saad ko na ikinatawa naman nito ng ilang sandali bago tuluyan ng nagpapalam at ibinaba na ang tawag.
"You're both talking like the old times but now was more comfortable and happy." Saad ni Cris at inayos ang buhok na bahagyang nakatabon sa mata ko.
"Hm... Eat more, Cris. I will eat your part if you don't---"
"I will eat them." Agad na saad niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Cris, what if I don't like you. What you will do?" Tanong ko dahilan para matigilan siya sandali saka agad na gumuhit na ang matamis na ngiti.
"I will make you like me then." Sagot niya naman.
"What if I like you now?" Tanong ko pa ulit at natigilan naman siya ulit kagaya ng kanina pero gumuhit rin ang sobrang lapad na ngiti sa mga labi niya.
"I will make you like me more." Sagot niya pa ulit.
"What if I don't want like anymore?" Pagpapatuloy ko sa pagtatanong. Kagaya kanina ay natitigilan siya at agad ring ngingiti ng sobrang tamis. It's amusing to see. I really want his smile.
"I will make you fall for me harder and deeper then." Sagot niya pa pangatlong pagkakataon.
"Harder and deeper, huh?" Nakangising tanong ko.
"Yes." Ngiting-ngiti sagot niya rin.
"I like your answers." Saad ko saka nagpatuloy na sa pagkain ko. Siya naman ay sayang-saya na parang bata. "You're acting like a kid." Saad ko at ipinahinga ang baba ko sa palad ko at deritsong nakatingin sa kaniya habang ang isang kamay naman ang nagsusubo sa bibig ko ng pizza.
"But this kid know how to claim your lips." Nakangising sagot niya habang nakatingin sa labi ko. Dinilaan ko naman ang sariling labi saka ngumisi rin.
"Want to claim my lips now?" Tanong ko sa kaniya.
"No! I want it mamaya para mahaba ang kiss." Nakangusong saad niya kaya natawa naman ako ng matunog.
"But I want to kiss you now for being cute." Asik ko kaya ngiting-ngiti naman ulit ito saka isenenyas ang pisngi.
"Kiss me, here."
"Tss. Really? Kiss in the cheeks?" Natatawang tanong ko.
"Just do it." Saad niya at inilapit ang pisngi.
Dumukwang naman ako at hinalikan siya ro'n pero agad ring hinawakan ang baba niya at hinarap ang mukha niya at hinalikan siya sa labi ng mabilis saka ngumisi at kinindatan siya saka sumandal sa upuan ko.
"Are you addicted to my lips now?" Nakangisi ring tanong niya.
"I don't know. It looks like cherry to me so I want to know what it taste like." Sagot ko.
"And what it taste like, hm?"
"Sweet and spicy." Nakangising sagot ko kaya matunog naman itong tumawa. Hindi namin pinansin yung mga matang kanina pa pala kami tinitingnan at kinainggitan. Natawa na lang ako dahil nakakahawa yung tawa niya.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...