"Pre, lakad tayo mamaya. May bagong bar daw diyan sa may XX street." Aya ni Art.
"Call!" Sigaw ni Derk.
Pati iyong iba ay gusto rin na sumama.
"Sama rin ako." Sagot ni Cristoff.
Napatingin lang naman ako sa screen ng cellphone ko pero napataas din ng ng tingin ng maramdaman na nakatingin sila sa akin.
"Silence means yes? Gustong-gusto mo naman lagi---"
"Pass ako." Nakangiting sagot ko.
Nanlaki naman ang mga mata nilang lahat at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Sasama si Cristoff, Peach." Saad ni Derk habang nakaturo sa lalaking tinutukoy.
"I know." Sagot ko.
"Tapos ayaw mong sumama?" Tanong nito na parang hindi makapaniwala.
"Ayaw. Pass muna ako." Natatawang sagot ko at ibinalik ang paningin sa screen ng cellphone ko.
"Ikaw ba talaga 'yan, Peach? Is that really you? Hindi pa tumanggi ang isang Peach sa inuman lalo na kapag kasama si Cris." Saad ni Derk.
"Pass muna ako." Pag-uulit ko pa ng sagot ko.
"Sumama ka na, Peach. Sige na. May ipapakilala rin ako sa'yo mamaya." Biglang saad ni Cristoff.
"Pero---"
"Sige na..." Pangungulit pa niya.
Bumuntong-hininga naman ako at pumayag na lang dahil tiyak na hindi talaga nila ako titigilan kapag hindi ako pumayag. "Tss. Sige. Pero hindi rin ako magtatagal." Sagot ko.
"Nice. Hindi masaya kapag wala ka, eh." Saad nito at inakbayan pa ako habang naglalakad.
May kung ano namang sumaya sa puso ko dahil sa simpleng galaw niyang iyon.
Mas lalong naging maganda ang mood ko ngayong araw.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong pa niya sa akin.
"Ililibre mo ba ako?" Tanong ko.
"Oo ba." Nakangiting saad niya.
"Daming pera, ah? Lasagna, corndog at cokefloat. Ikaw na rin pumila." Demand ko.
"Sige. Maupo ka na lang do'n. Ako bahala." Saad niya at kumindat pa.
Natawa naman lang ako saka umalis na sa pila at naghanap ng puwedeng maupuan. Naupo ako sa isang upuan na bakante saka inilagay ang paa ko sa isa pang upuan. P.E. namin ngayon kaya puwede kung itaas ang paa ko ng hindi nakikitaan.
Inopen ko naman ang cellphone ko at nagpipipindot doon habang naghihintay sa iba na bumalik.
I'm texting Jane. She's so fun. Plus she's so kind and pretty. And damn her balloons. They're really huge!
Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang nagkakakalikot doon.
"...Peach."
"Ha?" Nakangiti akong nagtaas ng tingin at nakita si Cris na nakakunot ang noo.
"Wow! Ano 'yang ginagawa mo at nakita ko 'yang ngiti mo. First time na ngumiti ka ng tinawag kita, ah?" Natatawang saad nito.
Agad ko namang pinatay ang cellphone ko. "Wala." Saad ko saka kinuha ang pagkain ko sa kaniya. "Salamat dito, ah?"
"Tss. Parang ngayon lang kita nilibre, ah? Tandaan mo palagi kitang nililibre kaya huwag kang ngumiti na parang walang bukas. Hindi ako sanay." Saad nito kaya natawa naman ako.
"Baliw. Bawal bang maging masaya?" Tanong ko at kumagat sa corndog matapos isawsaw iyon sa hot sauce.
"Nakakapanibago lang. Iyong Peach kasi na kilala namin eh palaging straight face lang at parang manununtok lagi." Saad niya kaya natawa naman ako ulit.
"Ganun?" Tanong ko.
Sabay naman silang pumitik na lahat. "Ganun!" At sabay pa nilang saad kaya napatango-tango naman ako.
"Alam mo... nakakapanibago ka talaga eh. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Cris.
"Wala naman. Hindi ba pwedeng maging masaya dahil nilibre mo'ko?" Tanong ko.
"Tsh. Ayaw kung maniwala." Saad niya at piningot ang ilong ko kaya agad ko naman siyang inambaan na susuntokin. "Kiss mo nga ako kung talagang masaya ka." Saad pa niya.
"Gago. Kumain ka na lang diyan. Gutom lang 'yan." Saad ko kaya natawa naman ito.
Hindi ko namang maiwasang hindi hangaan ang mga tawa nito. Pero agad rin naman akong nag-iwas at kumain na lang.
Hanggang sa bumalik kami sa room ay masaya pa rin ako. Si Cris ay hindi naman na umalis sa tabi ko at palaging nagbibiro kaya hindi ko naman maiwasang hindi matawa.
Minsan nakakabaliw din ang kakulitan niya eh.
Hanggang sa tanghalian ay magkasama pa rin kami at nagtatawanan kasama 'yung mga tropa. Ang mga lintek parang hindi nauubusan ng biro.
Natigil lang ako ng biglang makita si Cris na may kausap na babae sa may cafeteria. Lumapit naman ako at tinawag siya. "Cris."
Agad naman itong napatingin sa gawi ko pero agad ring ibinalik ang tingin sa babaeng kausap. Napabuntong-hininga na lang ako saka tumalikod at naglakad paalis.
Pero nagulat nang bigla na lang ako nitong akbayan habang nakangiti. "Bakit hindi mo'ko hinintay?" Tanong niya.
"Nag-uusap pa kayo eh." Sagot ko.
"Tss. Wala ka pa rin talagang pasensiya." Naiiling na saad niya.
Parang lulundag naman ang puso ko dahil sa saya. Dahil pinili niyang ewan ang babaeng iyo at piniling sundan ako.
Nadala ko naman ang sayang iyon hanggang sa mga oras ng klase. Lahat ng tanong ay sinasagot ko. Para akong inspired na inspired dahil sa sayang nararamdaman.
Para akong hinihili sa ulap ng mga oras na iyon. Kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya ay malaking bagay na iyon para sa akin.
"Peach, akin na kamay mo." Saad nito ng nasa room kami. Free time namin ngayon sa isang sub.
"Bakit?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Basta. Bigay mo na lang kasi." Saad niya kaya ibinigay ko naman ang kaliwang kamay ko sa kaniya.
Bigla naman itong may kinuha sa bulsa at isinuot sa kamay ko. Bracelet iyon na itim.
"Ano 'to?" Tanong ko.
"Bracelet." Natatawang saad niya kaya inambaan ko naman siya ng suntok.
"Para saan 'to, tanga! Bakit mo'ko binibigyan ng ganito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Bakit? Bawal bang bigyan kita niyan? Gusto ko lang ibigay sayo. 'Yon lang." Sagot niya.
"Akin na 'to?" Tanong ko pa ulit.
"Oo." Saad niya naman at ngumiti.
Sumikdo naman ang puso ko lalo. Ang lakas ng tibok niyon. Dahil baka marinig nito ay agad ko naman siyang itinulak palayo. "Salamat. Bumalik ka na sa upuan mo. Andiyan na si Miss." Saad ko.
Wala naman itong nagawa kung hindi bumalik sa upuan niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Napatingin naman ako ulit sa bracelet na nasa kamay ko. Palihim na lang akong napangiti. Parang ayaw ko ng hubarin...
Doon lang napako ang paningin ko sa buong oras. Parang ayaw ng umalis ng mata ko doon.
Ito ang unang bagay na ibinigay niya s akin na ganito ang naramdaman ko. Masyadong kakaiba kesa sa mga dati ng bigyan na rin ako ng mga bagay.
Nang akalain ko ay magiging masaya na ang buong araw ko ay doon pala ako nagkakamali... Tama ang sinabi nila. Kapag masyado kang naging masaya ay may kapalit rin iyon.
At hindi ko inaasahan na magiging masakit pala ang magiging kapalit...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...