Ngayon ay nagbibihis na ako para sa lakad namin mamaya. Puting t-shirt ang suot ko at pinaresan ko iyon ng itim ng cap at itim na pants. Napagdesiyonan ko na puting sapatos ang suotin ngayon.
"Saan na naman ang punta mo, Peach?" Agad na tanong ni Daddy nang makababa ako.
"Punta po kami sa bar, Dad." Sagot ko at umupo sa tabi niya at kumuha ng mansanas sa lamesa.
"Hindi ka pa rin tumitigil diyan, Peach? Hay! Ano bang gagawin ko sayo." Naiiling na saad nito.
"Wala po. Huwag ho kayong mag-alala. Kaya ko naman pong ipaglaban ang sarili ko at hindi rin naman ako umiinom ng hindi ko kaya. Don't worry about me, Dad. Uuwi rin naman ako mamaya." Sagot ko at nahiga sa balikat niya habang kumakain ng mansanas.
"Dapat lang. May pasok ka pa bukas." Sagot nito.
"Hm. Hindi pa po ba umuuwi si Mom?" Tanong ko.
"Hindi pa. Sabi niya baka m-alate raw siya." Sagot naman nito.
Tumayo naman na ako saka bumuntong-hininga. "Huwag niyo na siyang hintayin. Matulog na lang po kayo dahil baka mamaya pa 'yon darating." Saad ko saka humalik sa pisngi niya. "Alis na po ako." Paalam ko saka tumalikod na.
"Mag-iingat ka." Habilin pa nito.
"Opo." Sigaw ko pa saka kinuha na ang susi ko at tuluyan ng lumabas at pumunta sa garahe para kunin ang big bike ko.
Sumakay na ako ro'n at pinaharurot na iyon papunta sa bar kung nasaan ang iba kung kasama.
Hindi naman masyadong kalayuan ang bar na sinabi ng mga tukmol kaya nakarating agad ako. Bumaba na ako sa motor ko at agad na inilagay ang helmet doon at kinuha ang susi at inilagay iyon sa bulsa bago tuluyang pumasok sa loob.
"Peach, dito!" Sigaw ni Derk dahilan para mapunta ang paningin ko sa gawi nila. Dumeritso na ako ro'n at naupo sa isang sofa.
"Nasaan ang iba?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa lugar. Si Art, Derk at Eron pa lang ang nandirito.
"Paparating na raw." Sagot ni Art kaya napatango na man lang ako saka nagbukas ng isang bote ng beer na nasa mesa at agad na lumaghok.
Maya-maya ay dumating naman iyong iba pa naming kasama at huling dumating si Cris na may kasamang bagong babae. Eva Demenez ng STEM. Daming babae ng gagong 'to sa STEM, eh. Ang tinik ng lintek sa mga babae.
Maganda, sexy at ang lakas ng sex appeal. Napasipol naman kami ng maupo na ang mga ito sa sofa.
Nakita ko namang napatingin sa akin ang babae pero ngumisi lang ako saka lumaghok sa hawak kung beer.
Nagsimula naman kaming uminom at nagsimula na rin na pumunta sa kabilang mga table ang mga kasama namin dahil andodoon ang mga natitipuhang babae na costumer din dito sa bar.
Nagsimula namang maging mainit yung nasa kabilang sofa. Nagsisimula na silang maghalikang dalawa.
Masakit makita na ang taong gusto mo ay nakikipaghalikan sa iba... pero sanay na ako sa gano'n.
At nilalabanan ko rin iyon.
"Peach..." Tawag ng babaeng hinihintay ko kanina pa. Ara Xerada. Agad naman itong naupo sa tabi ko habang nakangiti. "Kanina ka pa--" Hindi ko na pinatapos ito sa pagsasalita. Basta ko na lang inangkin ang labi niya at ibinaba ang hawak na beer. Napangisi na lang ako agad ng magsimula na ring gumalaw ang labi nito laban sa akin. Napatingin ako sa gawi ni Cris at nakita kung natigilan ito sa ginagawa at napatingin na lang sa akin. Kaya mas lalo naman akong nagpatuloy. Bumaba ang labi ko papunta sa leeg ni Ara at pumasok na ang kamay ko sa loob ng damit nito.
Wala eh... Wasakan na 'to ng mga puso. Kung gusto kung makuha ang pagmamahal niya ay kailangan muna niyang sumuko.
"Peach..." Daing ng babae habang nakapikit ang mga mata.
Napangisi naman ako saka tumigil sa ginagawa at tumungga ulit ng beer. "Am I that good for you to moan my name, hm?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang galing mo pa ring humalik." Bulong nito sa tenga ko kaya mahina naman akong natawa saka napatingin kay Cristoff.
"Enjoy?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman itong ngumiti sa akin.
"Mamaya na... Kumukuha pa ng buwelo." Sagot niya at lumaghok ng beer.
"Watch and learn how to make your girl crazy, Cris." Saad ko at lumaghok ng beer at agad na hinalikan si Ara at ibinuhos sa bibig nito ang alak. Merong namang kumawalang beer sa labi nito at dumausdos papunta sa leeg niya. Sinunod ko naman iyon gamit ang labi ko dahilan para mapadaing naman ang babae.
Bigla na lang tumayo si Cris at walang sabi-sabing umalis sa loob ng bar dahilan para mapatigil naman ako sa ginagawa saka natawa na lang. "Damn!" Napapikit na lang ako at nahiga ang likod sa likuran ng sofa.
"What's his problem?" Tanong ni Ara na nakaupo na sa hita ko.
"Cristoff wait for me!" Sigaw naman ni Eva at tumakbo pasunod kay Cris.
"Pre, anong nangyari?" Tanong ni Art mula sa kabilang table.
"Ewan ko. Bigla na lang umalis, eh." Sagot ko at lumaghok sa beer na hawak.
"Baka inagaw mo na naman ang babae niya?" Natatawang tanong ni Lix.
"Meron na ako. Hindi ko na kailangan ng sa kaniya." Sagot ko kaya nagsitawanan naman ang mga gago.
Maya-maya ay bumalik naman ito kaya napangisi naman ako at nahiga sa balikat ni Ara. "Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla kang umalis?" Natatawang tanong ko.
"Sumama lang yung pakiramdam ko." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako, kunwari naniniwala sa palusot niya.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko.
"Ah... oo. Ayos na ako." Nakangiting saad nito at nagpatuloy sa paglaghok ng beer.
"Nasaan na si Eva? Gusto ko pa naman sanang ipakilala si Ara sa kaniya." Saad ko.
"Umuwi na. May importanteng gagawin pa raw." Seryusong sagot nito.
Napatango-tango na lang ako saka nagpatuloy sa paglaghok ng beer na hawak at ng maubos ang laman nun ay dahan-dahan ko namang idinikit ang bibig ng bote sa hita ni Ara dahilan para lalong humigpit naman ang kapit nito sa akin at nakagat na ang sariling labi. "You're so excited, honey." Bulong ko rito at sinimulang halikan ang leeg niya.
"Peach... uwi na tayo." Aya ni Cris dahilan para matigil naman ako sa ginagawa at napatingin ako sa kaniya.
"Akala ko ba ayos ka lang?" Tanong ko pero agad na napabangon at nahawakan ang balikat nito ng matutumba na sana ito. Napatingin ako sa mga bote ng beer sa mesa at napamura na lang dahil halos nasa anim na iyon. Ginawang tubig ng kingina yung beer.
Tsk. Nagpapakamatay ata 'to.
Kumuha naman ako ng pera sa wallet ko saka inilapag sa mesa iyon at balak na sanang umalis ng kumapit bigla si Ara sa braso ko.
"Aalis ka na agad? We're still enjoying the night, Peach." Tanong niya.
"Yeah. Ihahatid ko pa ang kaibigan ko. Let's enjoy next time." Saad ko saka tumalikod na at isinabit ang braso ni Cris sa balikat ko. "Hoy, mga gago. Tara na. Tumba na si Cris." Tawag ko sa mga kasama kaya agad na nagsitayuan ang mga ito.
Sabay-sabay na kaming lumabas na para umuwi na. May kaniya-kaniya naman kaming dala na sasakyan maliban kay Cris na nagtaxi lang siguro kanina..
"Hoy, umayos ka. Kapag tayo nagdisgrasya gagawin talaga kitang double dead." Saad ko at matapos tulungang sumakay si Cris sa likuran ng motor ko.
"Ganito ba?" Tanong nito at bigla na lang yumakap ng mahigpit sa tiyan ko habang bahagyang nakadungaw sa akin. Suminok pa ito bago nagsimulang tumawa. Nababaliw na.
"Tsk." Pinaandar ko na lang ang motor ko at pinaharurot na iyon papunta sa bahay niya. Alam ko kung saan siya nakatira. Napabuntong-hininga na kang ako saka hindi masyadong binilisan ang pagpapatakbo dahil baka mahulog ang baliw na yakap-yakap ako habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...