"Anong problema?" Agad na tanong ko ng makarating sa rooftop ng isang mataas na building. Kagaya ng inaasahan ay andoon siya sa gilid at nakatingin sa mga ilaw na nagkikislapan sa baba.
Dito kami palaging tumatambay noon kasama si Patricio. Presko at nakakarelax kasi rito. Iyong tipong nakakawala ng problema.
"Andito ka na pala..."
"Hm." Kumuha ako ng isang beer na nasa sahig saka bumukas at tumabi sa kaniya at tumingin rin sa harapan.
Nilamon naman kami ng katahimikan ng ilang sandali. Parehong may hawak na beer at pinagmamasdan ang ganda ng tanawin. Kahit papaano ay gumaganda ang lugar na 'to kapag gabi.
"We broke up." Bigla ay saad nito at bumuntong-hininga ng malakas at lumaghok ulit sa hawak na beer.
"Bakit?" Tanong ko at doon lang tumingin sa kaniya.
"She find someone new. She didn't want me anymore." Sagot niya.
"In short, she dumped you?" Tanong ko. Natahimik naman ito kaya natawa na lang ako saka nailing. "Hanap ka na lang ulit ng bago. Dami naman diyang babae. Iyong iba eh habol pa ng ng habol sayo." Saad ko.
"Tch! I already have someone. Hindi ko na kailangang maghanap ng iba." Asik niya naman at bumukas ulit ng panibagong beer.
"Iyon naman pala, eh. Bakit ka pa nagdadrama?" Natatawang tanong ko.
"Hindi niya ako gusto." Sagot niya.
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya habang pinipigilan na matawa dahil sa sinabi niya.
"Kinginang 'yan. Ang kawawa mo naman, pre. Hindi ka na nga gusto tapos iniwan ka pa ng isa. Masyado kang kawawa." Tumatawang saad ko.
"Makapagsalita ka parang sinagot ka na, ah?" Singhal niya naman. Ngumisi naman ako saka nagkibit-balikat.
"Malay natin. Baka malapit na." Saad ko.
"Tch! Hindi mangyayari 'yan, Peach. Baka sa dreams mo puwede pa." Tumatawang saad niya at umiling-iling pa na parang baliw.
"Panira ka din talaga, eh. Tss. Tama na nga 'yang paglaghok mo ng beer. Ginagawa mong tubig, eh. Ilang can na ba yung nainom mo?" Tanong ko at inagaw sa kaniya ang beer na hawak.
Pero ang gago bigla na lang tumakbo kahit na gumigiwang-giwang na. Naglakad naman ako palapit sa kaniya pero tumakbo na naman palayo ang kingina habang tumatawa.
"Seven cans. Road to eight cans na, Peach." Sigaw niya pa at pinakita ang hawak.
Tangina, saan niya nilagay lahat ng 'yon? Nagpapakamatay ba ang lalaking 'to?!
"Kapag ikaw nalaglag sisiguraduhin kung ako mismo ang maglilibing sa'yo. Para kang bata." Singhal ko sa kaniya.
"Ha? Hakdog na blue HAHAHAHA. Hindi kita marinig, Peach." Sigaw niya pa. Gago din talaga.
Agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya pero ang lintek ang bilis tumakbo kahit lasing.
At naging habulan ang nangyari. Ayaw talagang tumigil ng gago na mukhang energetic at tuwang-tuwa pa sa ginagawa.
Akala ko broken ang hayop na 'to? Bakit sayang-saya pa ata siya? B'wesit na 'yan.
"Tama na 'yan sabi. Wala akong balak na ihatid ka, Cris! May pasok rin tayo bukas." Saad ko.
"Titigil lang ako kapag nahuli mo na ako." Sigaw niya at pumulot ng panibagong beer at uminom na naman.
Tangina.
Tumakbo naman ulit ako at hinabol siya pero parang kiti-kiti ang lintek at hindi ko maabot. Tawang-tawa lang ito habang tumatakbo. Iyong iba sa beer niya ay natatapon na pero parang wala lang pakialam ang kingina. Binilisan ko na lang ang takbo hanggang sa maabotan ko na siya pero bigla na lang itong umiwas kaya hindi ko nahuli kaya naghabulan na namang ulit kami. Hindi ako tumigil sa paghabol sa kaniya hanggang sa tuluyan ko ng maabot ito at hinawakan sa braso para hindi na makatakbo pa. Habol-habol ko naman ang hininga ko habang hawak-hawak siya.
Ang kingina para akong tumakbo ng limang beses sa oval, ah.
Kinuha ko na sa kamay niya ang hawak na beer pero ayaw niyang bitawan kaya pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Tss. Nababaliw ka talaga kapag sobrang dami ng nainom mo. Bitawan mo na."
"Ayaw ko. Uubusin ko 'to." Saad niya.
"Inumin mo pa 'yan at iiwan kita rito mag-isa." Pagbabanta ko sa kaniya.
"Ang sama mo naman. Parang hindi tayo magkaibigan, ah!" Angil niya.
"Tss. Halos pumikit na nga 'yang mata mo tapos iinom ka pa? Bitawan mo na 'yan at uuwi na tayo." Utos ko sa kaniya.
"Ayaw. Uubusin ko'to." Saad niya at bigla na lang naupo sa sahig at ininom ang natitirang beer na hawak.
Napahawak na lang ako sa noo ko saka napabuntong-hininga. "Tatawagan ko si Tito. Ipapasundo na kita---"
"Huwag!" Pigil niya sa akin.
"Tumayo ka na riyan at ako na mag-uuwi sayo. Kingina ang dami mong arte sa buhay." Singhal ko sa kaniya at tinulungan na siyang tumayo.
"Mabuti na lang talaga at may kaibigan akong maaasahan." Saad niya saka humalakhak habang naglalakad kami ng paunti-unti. Parang matutumba kasi.
"Peach. Peach. Peach." Tawag nito sa pangalan ko habang tinutusok 'yung braso ko.
"Oh?"
"Kapag iniwan ka ng babaeng 'yon punta ka lang sa'kin. Ako bahala sa'yo." Saad niya pa.
"Tss. Ano namang gagawin ko sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.
"Edi ako na lang ulit yung gustuhin mo." Walang paligoy-ligoy na saad niya.
"Ni-reject mo na nga ako tapos sa'yo pa ako babalik? Anong mapapala ko? Minsan bobo ka din, eh." Naiiling na saad ko.
"Edi gugustuhin na kita sa pagkakataong 'to." Sagot niya pa.
Natawa na lang ako saka nailing dahil sa pinagsasasabi ng gago. Nasobrahan na ata sa alak at napunta na sa utak niya.
"Ha? Balik ka sa'kin, ah?" Pangungulit niya pa.
"Oo na. Oo na. Kalalaki mong tao ang kulit-kulit mo." Singhal ko sa kaniya.
"Syempre. Kasama kita, eh." Saad niya pa at tinutusok pa gilid ko kaya natawa na lang ako sa kakulitan ng kingina.
Halos isang oras bago kami tuluyang makababa dahil naghagdan lang kami ta's yung kasama ko eh patigil-tigil pa sa pagbaba.
Bago ko siya pinasakay sa kotse ay pinasuka ko muna siya. Mahirap na at baka magkalat pa sa kotse ko. Dinala ko na ito sa bahay nila at mabuti na lang dahil si Tito na ang nag-akyat sa kaniya sa kuwarto niya. Hindi na ako mahihirapan. Minsan mayroon talagang isa sa kaibigan natin na bibigyan tayo ng hirap. At sa kaso ko ay si Cristoff iyon!
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...