"Peach paki dala nga 'to sa room ko, please." Pakiusap ni Miss Gleia at itinuro ang mga floor wax na nakalagay sa malaking karton. Andito ako sa may COOP at tiyempong ako ang tinawag ng Miss.
Wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit dito. "Ang dami naman ho nito? Kakain niyo?" Tanong ko. Natawa naman ito at binuhat rin iyong isa pang box.
Malalaking karton na may lamang floor wax iyon kaya mabigat. Tss. Nasaan na yung mga estudyante niya? Bubungangaan na naman ako ni Sir mamaya kapag na-late ako.
"Gagamitin 'to ro'n sa buong building three kaya marami. Maglilinis kayo ngayon." Sagot naman niya kaya napatango-tango naman ako. Hindi na rin ako masyadong nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita.
Nang tuluyan kaming nakarating sa building three ay umakyat pa kami papunta sa second floor dahil andoon ang room niya. Pagkapasok namin sa loob ng room ay agad na tumahimik ang mga estudyante.
"Dito mo na lang ilagay." Saad ni Miss at itinuro ang table niya kaya pumunta naman ako ro'n at inilagay ang box sa mesa saka humarap sa mga taong nakatingin lang sa amin.
STEM...
Inisa-isa ko silang tiningnan dahilan para mapataas na lang ang sulok ng labi ko bago tuluyang tinalikuran sila. "I'm leaving." Paalam ko at lumabas na ro'n.
Dumeritso na agad ako pabalik sa room at kagaya ng inaasahan ay binungangaan na naman ako ng teacher namin pero hindi ko naman pinakinggan ang mga sinasabi niya.
Nakakabagot ang history...
Nakinig lang ako sa sinasabi niya habang nilalaro ang ballpen sa daliri ko. Napahikab pa ako ng dalawang beses. Parang pipikit yung mata ko...
Halos nangalay na ang daliri ko kakalaro sa ballpen bago tuluyang matapos ang klase namin sa kaniya. Isa talaga ang history sa nakakaantok na klase. Una dahil sa oras. Pangalawa dahil yung mismong teacher eh parang pagod kung magsalita. Pangatlo, it's no fun at all. Discuss lang ng discuss tapos kapag quiz at exam na ay iba naman ang mga tanong kesa sa pinag-aralan namin. But other people really like history. I don't know why.
Dumating yung Miss para sa panghuling klase para sa araw na 'to. Kagaya kanina ay tahimik lang rin akong nakinig habang nakatitig lang sa ballpen na nilalaro ng nga daliri ko.
Walang akong masyadong gana ngayong araw na making. Halos lahat ng klase ay may free time na kasama dahil daw para makapagpahinga yung utak namin. Masyado rin kaming advance sa mga topics kaya hindi kawalan ang kaunting oras---sabi nila.
Papauwi na kami ngayon at magkakasamang pumunta ng parking lot dahil andodoon ang mga sasakyan namin at iyong iba naman ay dumeritso sa labas dahil nagtataxi o naglalakad sila. Malapit lang ang bahay ng iba kaya hindi na sila masyadong gumagastos at nagdadala ng sasakyan dahil gagastos pa rin sila para sa gasolina. Mga kuripot, eh.
Kaniya-kaniya ng paalaman saka na kami sumakay sa kotse namin at umalis. Nakasunod lang ako kay Cristoff dahil pupunta nga ako ngayon sa bahay nila.
Wala naman akong gagawin sa bahay kaya doon na muna ako. Pamatay oras lang.
Halos kalahating oras ang nakakalipas at nakarating na kami sa bahay nila. Agad ko namang nakita si Crey na kumakaway mula sa pintuan. Siguro ay hinihintay kami na dumating. Mas nauunang natatapos ang klase niya kaya maaga pa siyang nakakauwi sa bahay. Samantalang kami ay halos five o minsan ay six na nakakauwi. Minsan late na nga dahil sa mga project.
"Kuya! Ate!" Masayang bati nito. Agad naman siyang binuhat ng Kuya.
"Where's my kiss?" Tanong ni Cris. Agad namang humagikhik si Crey at hinalikan sa pisngi ang Kuya niya saka agad na humarap sa akin habang nakadipa ang mga braso kaya lumapit naman ako saka kinuha siya mula kay Cris at binuhat. Humalik rin ito sa pisngi ko kaya napangiti naman ako. "Where's mom and dad, Crey?"
"Nasa work pa si Daddy pero he said that he will uwi na here mamaya. Mommy is in the kitchen and cooking some pagkain for us. Baka mamaya pa siya ma-finish sa pag-cook." Sagot ni Crey. Nagkatinginan naman kami ni Cris saka napailing-iling na lang.
"Hintayin na lang natin sila sa living room. Nood na lang muna tayo ng movie." Suhestiyon ni Cristoff at tumango naman ako.
"I'll do my homework pa. Hindi ako makakasama sa inyo." Nakangusong saad naman ni Crey.
"Finish your homework then baba ka dito para makapanood tayo, okay?" Saad ko naman. Agad naman itong ngumiti saka tumango at nagpaalam na sa amin. Nagmamadali pa itong umakyat sa hagdan mabuti na lang at hindi naman siya nalaglag.
"Tara muna ro'n." Aya ni Cris at naunang naglakad kaya sumunod naman ako at agad na inilagay ang bag ko sa sofa sana kinuha ang throw pillows at inilagay iyon sa hita ko at kumuha pa ng isa at nilagay iyon sa likod ko. "Anong gusto mong panoorin? Horror, comedy, action o romance?" Tanong niya pa.
"Action." Sagot ko saka kumuha ng cookies sa plato na nasa table saka iyon ang kinain.
Nagsimula na ang palabas at nanatili lang naman akong tahimik habang nanonood at pagtuloy lang sa pagkain. Halatang seryusong-seryuso naman ang kasama ko at tutok masyado sa palabas. Tumaas naman ang gilid ng labi ko ng may maisip na kalokohan.
"Cris, do you want some cookies?" Saad ko at kumuha saka inilapit iyon sa kaniya.
"Sige, salamat---"
Balak na sana nitong kainin iyon ng ilayo ko ito at pinalitan ng labi ko na siyang inilapit ko sa labi niya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya lalo na ng simulan kung galawin ang labi ko. Napapikit na lang ako ng hawakan nito ang baba ko at unti-unting gumalaw rin ang labi niya at lumalim ng lumalim ang halik na iyon.
Just like what I've said back then... hindi siya marunong humalik. But he's a fast learner. Nasusundan na nito ang galaw ng labi ko. Hindi kagaya ng nakaraan na halik lang ng halik. Pft.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ang labi nito na bumaba papunta sa baba ko at hinalikan ako roon. Napalunok na lang ako.
Dammit!
Hindi ganito ang nasa plano ko...
"Crey, andiyan na ba ang Kuya at Ate mo?" Boses ni Tito na nagmumula sa labas ng pinto.
Agad naman kaming lumayo sa isa't-isa dahil sa gulat. Napatikhim na lang ako saka tumingin sa kaniya pero nakangisi na ito saka dinilaan pa ang gilid ng labi. Napalunok na lang ako saka umiwas ng tingin.
Damn this...
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...