It's monday today. Back to school again like the old times. Masyadong tahimik ang buong bahay. Wala si Mom at si Dad ay nauna na sa school.
Tahimik lang akong bumaba at nagsalpak ng earphones sa tenga saka lumabas ng bahay.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at binaybay ang maingay ng daan kahit umaga pa lang.
Makaraan ang ilang minutong pagmamaneho ay tuluyan ko ng narating ang parking lot ng school. Bumaba na ako sa sasakyan saka inayos ang suot at kinuha ang bag saka naglakad na habang nakapasok ang isang kamay sa bulsa at ang isa naman ay hawak-hawak ang bag. Marami ng estudyante ang nakikita ko na pumapasok rin sa loob ng school.
Ilang minutong paglalakad pa ay narating ko na ang room namin. Agad na akong pumasok at dumeritso sa upuan ko.
Balak ko na sanang kunin ang earphones ko nang bigla na lang may humalik sa pisngi ko at ng tingnan ay si Cristoff iyon na nakangiti. "Good morning." Bati pa nito. Nanatili naman akong gulat habang nakatingin sa kaniya dahil sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw at nanatili lang nakatingin sa kaniya. Ang iba ay natahimik rin dahil sa ginawa niya.
Nang makabawi ay nailing na lang ako saka natawa. Tss. Ito ba yung sinasabi niya? He will make me fall by this plays? Pft.
"Dapat sa labi na agad. Nahiya ka pa." Saad ko at inilagay ang baba sa palad ko habang nakatingin sa kaniya.
"Tch! Dapat simple lang muna. Hintay ka lang kasi. Atat na ata ka, eh. Gano'n mo na ba kagusto ang labi ko?" Saad niya kaya natawa naman ako ulit pero bumaba pa rin ang paningin sa labi nito at tinitigan iyon.
He is a bad kisser. No doubt. But I still like his lips though. It soft and kinda cute.
"Baliw." Iyon na lang ang nasabi ko at inialis na sa labi niya ang paningin.
"Kamusta ka na? Ayos ka na ba?" Tanong niya pa habang nakatingin sa akin.
"I'm totally fine. I'm used to it." Simpleng sagot ko.
"Mabuti naman." Nakahinga ng maluwag na saad niya pa.
Natahimik naman kami ng biglang makita si Sir na pumasok na pinto. Kagaya ng dati ay agad namang tumakbo si Ken papunta sa akin para humalik at agad na pumunta rin sa iba at sa huli ay bumalik sa akin.
Tahimik lang naman ito at hindi makulit. Nakaupo lang ito sa lap ko at nagsusulat at nag-do-drawing ng mga bagay-bagay sa yellow pad ko kaya hindi rin ako naaabala.
Ibinigay na ni Sir ang naging result ng exam. Out of one hundred ay nakakuha ako ng eighty seven. Kahit papaano ay ayos na rin. Pasado naman na iyon.
Kagaya ng inaasahan ay si Derk iyong pinakamataas at sumunod sa kaniya ang hindi man halata pero matalino rin na si Art. Makukulit ang dalawang 'yan pero may ibabatbat ang utak.
Pareho kami ng nakuhang score ni Cristoff na halatang kontento na rin sa score na nakuha. Hindi naman kasi siya prene-pressure ng pamilya niya. Basta pasado lahat ng scores niya ay ayos na at masaya na sila. Ganoon rin si Daddy sa akin ang kaso lang ay si Mommy... Ang taas ng standards niya.
Sumunod ang ikalawang teacher pa namin at kagaya kanina ay binigay rin sa amin ang papel namin. Out of one hundred ay nakakuha naman ako ng ninety. Mataas na iyon at pasado pa kaya masaya rin ako sa nakuha ko.
Hindi na muna masyadong nagturo ang mga teachers namin. Para naman daw makapahinga ang utak namin. Kaunting review lang at attendance na agad. Kaya mahaba-haba ang break namin ngayon.
"What do you want to eat?" Tanong ni Cris habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"I want cheesecake and juice!" Sagot ni Ken na nakahawak sa daliri ko at nakataas ang tingin kay Cris.
"Okay. I'll buy it for you." Saad ni Cris kaya pumapalakpak naman ang bata. Tumingin naman siya sa akin kaya nag-isip naman muna ako sandali.
"Banana milk and lasagna." Sagot ko naman kaya tumango naman ito saka ngumiti. "Libre mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo. Parang ayaw mo maniwala, ah?" Natatawang tanong niya.
"Naniniwala. Kaya bilhan mo na kami. Hintay na lang kami rito." Nakangiting saad ko saka naupo na sa isang table ng makapasok sa cafeteria. Binuhat at iniupo ko rin si Ken sa tabi ko.
"Yes, madam." Saad niya pa saka umalis na.
Ibinigay ko naman ang earphones at cellphone ko kay Ken dahil alam kung magpapatugtog na naman ito.
"Peach." Tawag ni Art at bigla na lang naupo sa kabilang gilid ko. Kasama niya si Derk. "Kayo na ba ni Cristoff? Bakit ka niya hinalikan, ah? Ah? Kayong dalawa, ah." Tinusok-tusok niya pa ang gilid ko.
"Kayong dalawa talaga yung leader ng pagkatsimoso." Naiiling na saad.
"Ano nga? Kayo na ba?" Tanong ni Derk.
"Tss. Hindi." Sagot ko.
"Bakit hinalikan ka niya kanina? Like what the fudge, pre? Infront of everybody pa talaga. Tapos extra sweet niyo pa ngayong dalawa." Saad pa ni Art.
"Ewan ko ro'n. Kagabi kasi umamin siya na gusto niya raw ako tapos ayon at sinabing manliligaw raw---"
"Panalo ako! Bayad mo, Art." Biglang saad ni Derk at nakita ko namang napakamot ng ulo si Art at nagbigay ng isang libo.
"Sabi ni Cris hindi niya aaminin, eh! Kukutusan ko 'yon mamaya. Sayang wantawsan ko!" Nakangusong saad ni Art na nawalan ng isang libo.
"Tibay! Pinagpustahan talaga kami, eh, no?" Singhal ko sa kanila at inambaan sila na babatukan pero agad naman silang umalis at tumakbo papunta sa iba.
Tss. Mga tsismoso ang mga kingina.
Napailing na lang ako saka bumuntong-hininga at naalala yung nangyari kanina. Tss. Hahalik na nga lang sa pisngi pa.
Parang bata.
"Here." Biglang inilapag nito ang pack ng lasagna at banana milk ko saka iyong cheesecake at juice ng bata.
"Thanks." Saad ko saka agad ng binuksan ang lasagna ko at kinuha yung pork and knife saka kumain na. Binuksan ko na rin yung banana milk ko saka uminom na at agad na napatango-tango. It's still good as ever.
"Try this Peach." Napatingin naman ako doon at nakita ang isang scoop ng ice cream. Isinubo ko naman iyon. "Good?" Tanong niya at tumango naman ako. Nag-scoop naman ito ulit at sinubuan ako kaya agad ko naman iyong ipinasok sa bibig ko. Nagtuloy-tuloy lang iyon at kain lang naman ako ng kain dahil masarap iyon.
"Saan mo binili?" Tanong ko habang nakatingin sa lalagyan ng ice cream. Hindi pamilyar sa'kin.
"Doon din. Bago lang ata 'to. Ngayon ko nga lang din nakita." Saad niya at sumubo rin. Napatango-tango naman ako saka uminom sa banana milk ko. "Punta ka mamaya sa bahay? Magluluto raw si Mommy ng afritada." Saad niya pa.
Paborito kung ulam ang afritada.
"Geh. Wala naman akong gagawin sa bahay, eh." Sagot ko naman at humiwa sa lasagna ko saka isinubo iyon.
Taste good.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Genç KurguPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...