21

73 3 0
                                    

"Extra room na raw tayo." Saad ni Derk kaya nagsitayuan naman kami at pumunta na sa extra room. Baka may ipa-pa-welding na naman. Halos ilang araw na rin ata na hindi ako nakakapunta rito.

Naupo lang naman ako sa silyang nandoon na ginawa rin namin. Nanood lang ako sa iba dahil inaantok ako. Mamaya na lang ako mag-we-welding.

Iyong iba naman eh inaayos yung aircon. Nasira raw ng nakaraan yung tatlong aircon doon sa me GAS kaya sa amin dinala. Alam naman naming ayusin basta maaayos pa at hindi masyadong malubha ang sira.

Ang daming itinuro ni Sir sa amin. Lahat ng mga dapat ayusin na puwede pang mapakinabangan. Kami naman eh gusto ding matuto kaya nakikinig at nanonood kami palagi sa kaniya hanggang sa ito at alam na rin namin kung paano gawin iyon.

"Peach gawan mo raw ng ihawan si Mr. Asuares." Saad ni Sir.

"Tinatamad ako, Sir." Sagot ko saka napabuntong-hininga.

"Siguradong magagalit 'yon kapag hindi mo siya ginawan." Dagdag pa niya.

"Parang may magagawa naman ang galit niya. Tss. Hayaan niyo lang siya. Kung gusto niya, siya gumawa. Mang-uutos pa, eh." Asik ko. Narinig ko naman ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Sir.

"Ano bang nangyayari sa iyo?" Biglang tanong ni Cris na nasa gilid ko na pala at binigyan si Ken ng puting bilog-bilog na hindi ko alam ang pangalan. Basta matamis siya na buko at malambot.

"Inaantok ako." Sagot ko.

"Kain ka na lang nito." Biglang may kinuha ito sa bulsa at inilahad sa akin ang mga matatamis na pagkain na bilog-bilog rin.

"You really like sweets that much?" Tanong ko at kinuha iyon sa kamay niya at binuksan saka sumubo ng isa.

"Hm. Ang sarap, eh." Sagot niya at binigyan rin ako ng puting bilog-bilog. Isinubo ko naman iyon saka napatango-tango. Masarap naman kahit papaano.

"Hindi man lang ba pumapait 'yang lalamunan mo? Ilang bars ng chocolate na kinain mo tapos ito na naman." Saad ko. Umiling lang naman siya at sinubuan ako ulit ng mga matatamis na pagkain niya.

"Woi! Baka langgamin na kayong dalawa diyan. Trabaho na kayo! Hindi kayo sineswelduhan para umupo at kumain!" Parang boss na asik ni Art.

"Tss. Oh. Kain ka rin para mawala 'yang topak mo. Puro kayo topakin. Kalalaking tao, eh." Saad ko at ibinigay si Ken at yung matatamis na pagkain sa kaniya.

Nagsuot na ako ng mga protective gears saka nagsimula ng gawin ang lintek na ihawan ni Mr. Asuares. Panay yung utos sa amin parang siya talaga yung nagpapakain sa amin, eh. Ayos lang sana yung isa o dalawa lang yung ipagawa hindi yung halos lahat ng gamit niya ay sa amin niya ipinapagawa. Kulang na lang bahay niya ang ipagawa sa amin, eh.

Lahat ng gamit na gagamitin ay nandito kompleto rin kami sa mga machines, tools at kung ano-ano pa.

Ang dali-dali lang namang gawin ang ihawan. Nilakihan ko na yung ginawa kung ihawan na kasya kahit si Mr. Asuares ang iihawin. Tingnan natin kung magpapagawa pa siya ulit. Sa pagkakaalala ko ay pangatlo na 'tong ipinapagawa niya ngayon. Aanhin niya ang maraming ihawan?! Hayop na 'yan.

Ginawa ko iyon ng mag-isa kaya medyo natagalan pero wala naman iyon sa akin. Iyon nga lang at mainit kaya pawis na pawis ako bago matapos kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hubarin ang suot kung vest at blazer. Parang iniihaw kami rito sa extra room. Tss. Walang aircon dito at halos hindi pumapasok yung hangin dahil masyadong sarado.

Nang tuluyan ng matapos ay napabuntong-hininga na lang ako at hinubad na ang suot kung gloves saka sinunod ang glasses na para sa mata kapag nag-we-welding ka. Noong una naming welding noon ay namaga talaga yung mata namin dahil sa usok at sa baga na tumatalsik at nasisilaw ako.

"Oh tapos na, Sir. Sabihin mo kay Mr. Asuares na magpagawa pa siya ulit at mas malaki pa diyan ang gagawin ko." Saad ko saka pinahiran ang pawis ko.

Tangina ang init.

"That's too rude, Peach." Natatawang saad niya.

"Putcha! Kahit sampung buong manok eh kasya diyan, pre." Natatawang saad ni Cris.

"Magpapahangin muna ako." Paalam ko.

"Te Peach... sama si Ken." Biglang saad naman ng bata kaya napangiwi na lang ako.

"Diyan ka lang. Punong-puno ako ng pawis." Saad ko.

"Sama si Ken." Saad niya pa.

Napabuntong-hininga na lang ako saka lumapit sa kaniya at kinuha siya kay Cris. "Let's go." Saad ko at umalis na doon at pumunta sa labas at naupo sa bench kung saan ay may preskong hangin.

Naupo lang kami ro'n at nagpahangin. Binaklas ko yung pagkabutones ng uniform ko dahil may sando naman ako sa loob. Kahit papaano ay naging presko naman ang pakiramdam ko.

"Te Peach... They are looking at you, oh." Saad ni Ken habang may itinuturo kaya napatingin naman ako doon at nakita yung grupo nila Abby.

"Don't mind them." Nakangiting saad ko pero nagpout naman ito.

"But I'm hungry." Saad niya.

"That's why you noticed them, don't you?" Tanong ko sa kaniya at nanlaki naman ang mata niya saka tumango.

May dala kasing pagkain sila Abby kaya niya napansin.

"Pft. Let's go to the cafeteria then. Bibili tayo ng mas masarap na foods." Aya ko sa kaniya saka ibinutones na ang panloob na uniform saka sinuot ang blazer at coat.

Humawak naman ito sa kamay ko at naglakad na kami papunta sa cafeteria. "What do you want to eat?" Tanong ko sa kaniya.

"Avocado... sip sip." Saad niya naman.

"Avocado shake?" Kompirma ko.

"Yes! Yes! And I want to eat some spaghetti too." Dagdag niya pa. Napatingin naman ako sa oras at doon lang nakita na magtatanghalian na pala. Kaya pala gutom na ang batang 'to.

Nang makarating sa cafeteria ay dumeritso na ako sa pila habang buhat-buhat si Ken. Pero may pisteng bigla sumingit sa harapan ko. Sinipa ko naman ang likod ng tuhod niya dahilan para muntek ng mapaluhod ng ang isang paa niya.

"Problema mo?!" Sigaw niya.

"Cover your ears, Ken." Utos ko sa bata na agad niya namang sinunod.

Tss. Yung pisteng Alladin pala.

"Huwag kang sisingit kapag ako ang nasa pila. Baka ipalunok ko sa'yo ng buo 'yang order mo. Tabi!" Singhal ko sa kaniya.

"Tsh. Ikaw pala, tomboy. Nagugutom na ako, alangan maghintay pa ako." Saad niya pa.

Kilala ko siya pero hindi kami close. Playboy ng HUMSS. Pangit naman... ng ugali.

"Wala akong pakialam sa gutom mo. Alis. Doon ka sa likod at o-order ako." Saad ko kaya napanguso naman siya at pumunta sa likod ko.

"Ang sama-sama ng ugali mo."

"Alam ko. Kaya manahimik ka bago ko pa sirain 'yang mukha mo." Saad ko kaya sinamaan niya naman ako ng tingin pero hindi ko na pinansin.

"Dalawang large size ng avocado shake at dalawang pack ng spaghetti." Order ko. Kinompirma naman ng babae ang order ko at makaraan ang ilang minutong paghihintay ang nakabalik na ito at ibinigay sa akin iyon. Ibinigay ko naman ang card ko para magbayad.

"Kapatid mo ba 'yan, Peach?" Curious na tanong niya at pinisil ang pisngi ng bata.

"Hindi."

"So, anak mo siya? Shek! May anak ka na pala." Saad pa ng alien na nasa likod ko.

"Sampu na nga, eh." Sagot ko sa kaniya at kinuha ang card ko saka umalis na ro'n at dumeritso na sa isang table.

"Yey! Pair tayo, Ate Peach." Saad ni Ken kaya tumango naman ako at binuksan na iyong sa kaniya para makakain na siya saka sinunod ko naman ang akin.

Gutom na ako. Hindi ko namalayan yung oras kung hindi pa nag-aya ang bata.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon