10

79 4 0
                                    

Hi! It's me, Derk Hidalgo. I'm Derk but I'm not a jerk. 19 years of existence and I'm still alive and kicking. Naniniwala sa kasabihan na ang oras ay ginto kaya isangla mo. And I... Thankyou!

Dahil nagkaproblema ang dalawa kung tropa ay sa akin muna ang POV na 'to. Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang ako mabigyan ng village---prelige--ay gago... privilege pala.

Oo, tama kayo. Nandoon ako ng mga oras na inamin na ni Peach yung nararamdaman niya para kay Cris.

Alam ko na iyon dati pa noong narinig ko siyang magkuwento sa isa niya ring matalik na kaibigan na si Patricio na nasa ABM. Halos tatlong taon ko na ring alam at sinisekreto sa iba ang katotohanan na iyon. Ayaw ko namang manghimasok sa buhay ng iba kaya nanahimik na lang ako. Issue nila iyon kaya labas na ako kahit sabihin pang kaibigan nila ako.

Kagabi... nalaman na ng lahat yung sekretong 'yon. Andoon kaming lahat noong sabihin ni Peach iyon. Narinig kasi namin ang sigaw niya kaya pumunta kami agad pero nang makita itong kausap si Cris ay pinili na lang naming manahimik at makinig mula sa malayo. Siguro hindi na nakaya ni Peach noong marinig niya na seseryusuhin na ni Cristoff yung babaeng ipinakilala niya.

At ngayon... andito kami sa room. Kompleto kaming lahat. Parang walang pinagbago. Tahimik na dati pa si Peach at minsan lang talaga kung magsalita at ganoon pa rin siya ngayon. Hindi rin malungkot o masaya ang mukha niya na dati ng ganoon.

Habang si Cristoff naman ay ganoon rin. Kagaya pa rin ng dati. Kung titingnan ay parang walang nagbago sa kanilang dalawa.

Pero kakaiba... Hindi ko maipaliwanag. Basta feeling ko ay may kakaiba pa rin talaga.

Parang tinotoo talaga nila yung sinabi ni Peach kagabi.... Walang magbabago sa grupo o sa kanila...

Masyado na silang nagkakasakitang dalawa... Hindi man halata pero iyon ang totoo.

Isang ayaw labagin ang batas ng pagkakaibigan at isang kayang labagin ang batas para makuha ka lang. Magkaiba sila ng ipinaglalaban.

Napabuntong-hininga naman ako at napunta kay Peach ang paningin ko. Hindi ko maiwasang hindi magtaka bakit parang hindi man lang ito nasasaktan o nasaktan man lang. Ganoon ba talaga kapag ang isang Peach Demonteverde ang nasaktan? Parang wala lang. Kagabi ang unang beses na nakita namin siyang umiyak. Unang beses... Hindi ko na ata makakalimutan pa 'yon.

Pero ang weird lang talaga dahil parang wala lang talagang nangyari. Ahh! The silence making me feel so freaking uncomfortable. Damn it.

Nang magrecess ay sama-sama pa rin kami. Nagmamatyag lang kami sa dalawa na naglalakad. Pero biglang nanlaki ang mata namin nang may biglang may bumangga  kay Peach.

"Hoy." Bigla ay tawag ni Peach sa lalaking nakabunggo sa kaniya.

"Bakit?" Maangas na tanong naman ng lalaki.

"Wallet mo." Bigla ay lahad ni Peach sa lalaki ng pitaka.

Nagugulat naman kaming nanood lang sa kanila. Tahimik lang kami. Si Art ay panay tusok ng gilid ko, sarap upakan.

Bigla ay balak na sanang kukunin ng lalaki iyon pero bigla na lang isinampal ni Peach sa pagmumukha niya ang pitaka. "Huwag kang sisiga-siga rito dahil kaya kung ipakain 'yang pitaka mo sa'yo. Kingina." Saad ni Peach at naglakad na ulit at senenyasan kami na sumunod.

Walang pinagbago... Ganoon na gano'n din siya dati, eh.

"Pre... Diba dapat tahimik lang si Peach kasi heartbroken pa siya?" Bulong ni Art sa'kin kaya binatukan ko naman ito.

"Gago! Kapag ikaw narinig niyan bahala ka. Hindi ako a-attend sa burol mo." Saad ko at naunang naglakad.

"Kahit HB siya ay nakakatakot pa rin, no?" Iiling-iling na saad niya naman na nasa tabi ko na ulit.

"Anong HB?" Pabulong na tanong ko.

"Heartbroken. Minsan hindi mo ginagamit 'yang brain mo, Derk. You're so idiot men--aray!" Binatukan ko ulit ang gago. Kahit talaga minsan ay hindi mo talaga makakausap ng maayos ang lintek na Art na to, eh.

"Manahimik ka na nga lang. Nakakaabnoy ka talagang kausap." Singhal ko sa kaniya.

Habang nasa pila ay ako naman iyong nasa likod ni Peach at nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Sa panahong 'to magtatanong...

"A-Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Cris kay Peach. Hindi man lang ito nagulat o nag-iba ng galaw. Kagaya ng dati ay tumingin lang ito kay Cris.

"Ililibre mo ba ako ulit?" Tanong ni Peach sa kaniya.

Halatang nagulat naman si Cris dahil kinausap ito ni Peach at ang mas malala dahil normal na normal ito.

"O-Oo naman." Sagot niya ng makabawi sa pagkagulat.

"Dark chocolate cake at tubig lang. Ayos na ako." Saad naman ni Peach at ibinalik sa cellphone ang paningin.

"S-Sige. Maupo ka na lang do'n sa table..." Sabi pa ni Cris. Tumango naman si Peach at umalis na sa pila. May isang earphone ito sa tenga at panay ang sulyap at kalikot sa cellphone at napapangiti pa.

Ano kayang tinitingnan niya ro'n? Bakit ata masaya siya?

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik ang tingin sa harapan. Nag-order pa si Cristoff ng ilang sandali bago ako sumunod. Hotdogs at soda lang ang inorder ko at saka nagbayad at sumunod ng umalis. Naabotan kung ibinigay na ni Cris yung pagkain kay Peach.

"Peach tabi ako sayo, ah." Naupo ako sa tabi niya at pasimpleng tiningnan ang ginagawa niya sa cellphone niya pero bigla niya iyong pinatay at inilapag.

"Bahala ka. Kahit maglumpasay ka pa diyan ay okay lang." Sagot niya naman kaya natawa naman ako.

"Hindi mo'ko pipigilan?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Bakit naman kita pipigilan?" Tanong niya at humiwa sa cake niya.

"Wala lang hehe." Nagsimula na akong kumain habang palipat-lipat ang tingin  sa kanilang dalawa.

Maya-maya pa ay dumating na ang iba. Nakaramdam naman siguro sila ng awkwardness kaya nanahimik na lang sila at kagaya ko ay nagmamatyag lang rin sila sa dalawa.

"Anong tinitingnan mo diyan, Peach?" Tanong ko ng makitang panay ang tingin nito sa cellphone niya.

"My lock screen." Simpleng sagot nito.

"Kanina ka pa nakatingin diyan, eh." Sabi ko pa.

"Bawal ba?" Natatawang tanong niya.

Napakamot naman ako ng ulo. "Hindi naman... Pwede bang patingin ako?" Nakangiting tanong ko.

"Tss. Bahala ka." Ibinigay naman nito ang cellphone sa'kin kaya agad ko namang kinuha iyon.

"Oh..."

"Nakita mo na? Akin na. Tss. Ang dami mo talagang alam." Saad nito at kinuha sa kamay ko ang cellphone saka tumayo. "Alis muna ako." Paalam nito.

Nang mawala siya ay agad naman akong tinanong ng mga gago. "Anong nakita mo?" Tanong nila.

Nanlalaki naman ang mata ko saka napabuntong-hininga. "Wala. Lock screen lang nakita ko." Sagot ko.

Lockscreen...

Shit!

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon