"Peach may problema na naman ba kayo ni Cristoff? Nahahalata namin nitong nakaraang araw na palagi siyang tahimik." Tanong ni Lix nang umalis si Cris para magbanyo.
Simula noong pumunta siya sa bahay ay hindi na ulit kami nagkausap. Palaging siyang tahimik o hindi kaya ay umiiwas sa akin.
Tss.
"Wala naman. Siya na lang ang tanungin niyo tutal ay siya naman ang nagbago, eh." Saad ko at kumagat sa burger na hawak.
"Ano kaya problema n'on? Nang nakaraang mga araw noong magkita kami ay may pasa rin siya sa mukha." Saad pa ni Derk.
Natahimik lang naman ako dahil sa sinabi ni Derk. Pansin ko rin ang sulyap nito sa akin pero nanatili akong tahimik.
Wala ako sa lugar para magsabi ng nangyari. Baka mas lalong magalit ang mo'kong na 'yon.
"Baka binalikan ng mga kalaban niya, pre? Tapos hindi siya nailigtas ng powerpuff girls." Biglang saad ni Art kaya natahimik naman kaming lahat. Sinabi niya iyon sa seryusong boses. Baliw talaga ang isang 'to.
Nailing na lang ako ng marinig itong humiyaw matapos batukan ni Derk.
Wala talagang kuwentang kausap, eh.
Maya-maya ay natahimik naman sila nang makitang papunta na sa gawi namin si Cris. Napakunot naman ang noo ko at napatigil sa pagkain at sinipa ang mesa mula sa ilalim dahilan para mapatingin naman ito pati na rin ang iba naming kasama sa akin.
"Bakit amoy sigarilyo ka?" Tanong ko dahilan para matigilan naman ito.
"W-Wala 'to..."
"Huwag mo ng uulitin." Nagpatuloy na ako sa ginagawa matapos sabihin iyon.
"P-Peach... Puwede ba kitang makausap sandali?" Tanong niya.
"Sige lang." Saad ko at sumandal sa upuan ko.
"Huwag dito..."
"Kumakain pa ako. Mamaya na lang."
"S-Sige..."
"Huwag ka ngang mautal. Kingina! Ang sagwa pakinggan, Cris." Hindi ko mapigilang masabi. Utal ng utal, eh.
"HAHAHAHA. Parang goldfish." Saad ni Art at humaglakpak ng tawa. Nagulat naman kaming napatingin sa kaniya at hindi mapigilang matawa rin.
Natigil lang kami sa pagtawa nang makita si Cal na lumapit sa mesa namin habang naghahabol ng hininga. Maski ang iba ay napatigil din at natahimik bigla.
"Anong ganap at hingal na hingal ka?" Tanong ni Derk sa kaniya.
"Y-Yung... Yung motor ni Peach... Tinumba nila Brandon sa parking lot..."
Nawala ang ngiti sa labi ko at nailapag ang burger na kinakain at seryusong nagtaas ng tingin sa kaniya.
"Brandon Styles?" Tanong ko.
"O-Oo..."
Tumayo ako at agad na naglakad paalis sa cafeteria pero bago tuluyang makalabas ay kinuha ko muna ang baseball bat ng isa sa mga players na nadaanan ko.
Maraming estudyante ang napapatingin sa akin pero maski sa kanila ay hindi ko pinagtuunan ng pansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ang isang pulang sasakyan, sports car. Bago at kumikinang pa.
Lumapit naman ako ro'n at walang alinlangang hinampas ng bat ang salamin ng kotse nito. Hampas lang ako ng hampas dahilan para mabasag ang salamin at mayupi ang ilang bahagi ng sasakyan niya.
"What the fuck!" Bigla ay sigaw ng isang lalaki dahilan para mapunta sa kaniya ang paningin ko.
"Galit ka?" Tanong ko at itinutok sa kaniya ang bat na hawak. "Lapit at lulumpuhin kita. Kingina mo!" Galit na sigaw ko habang pinanlilisikan ito ng mata.
"Anong bang problema mo?!" Sigaw nito.
"Huwag ka ng magmaang-
maangan pa, bobo! Kingina. Pinapaalala ko sa'yo. Mahal pa yung motor ko kesa diyan sa walang kuwentang sasakyan mo!" Sigaw ko. Nakita ko namang natigilan pero agad rin na ngumisi."Paano ba 'yan, eh, nasira na? Wala ng halaga yung motor mo ngayon." Nakangising tanong niya.
Walang ano-ano ay binitawan ko ang bat na hawak at sinugod siya. Sinuntok ko ang mukha ng gago. Dinakma ko pa ang kuwelyo nito at sinuntok ng sinuntok ang mukha niya at natigil lang nang may humawak sa akin sa braso. "Atleast nasira ko naman ang kotse at mukha mo, kingina mo!" Sigaw ko.
"Peach, tama na." Awat ni Cris na siyang pumigil sa akin.
"Putangina, bitawan mo'ko o lulumpuhin din kita." Galit na sigaw ko at pinanlisikan ito ng mata dahilan bitawan ako nito.
Alam nitong hindi ako mapipigilan kapag nagalit ako. Masyadong mahalaga ang motor na 'yon sa akin. Galawin na nila ang iba huwag lang 'yon. Pero ang kingina ang tibay rin.
"Ano! Mayabang ka, diba? Kingina, nasaan na yung yabang mo? Para ka namang tuta kapag kaharap ako." Singhal ko sa kaniya at kinuha ang bat saka lumapit sa sasakyan niya. "Pinagmamalaki mo 'to, diba? Tingnan natin kung maipagmamalaki mo pa." Sunod-sunod kung hinampas ang sasakyan niya dahilan para mas lalong magkandayupi-yupi ito at magkalabasag ang salamin. Walang pumigil o lumapit sa akin. Alam nilang madadamay sila sa galit ko kapag sinubukan nila.
"Peach!"
Umalingawngaw bigla ang isang pamilyar na boses dahilan para mapatigil ako sa ginagawa. Nagtaas pa muna ako ng tingin sa kalangitan at hinabol ang hininga bago tuluyang nilingon ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"D-Dean..." Naiusal ng iba.
"What do you think you're doing?" Kunot ang noong tanong nito habang deritsong nakatingin sa akin.
Itinuro ko naman ang hayop na nasa lupa gamit ang hawak na bat habang deritsong nakatingin sa Dean. "Sinira niya ang motor ko. Sinira ko ang kotse at mukha niya, amanos na kami." Sagot ko.
"Go to the Dean's Office, Ms. Demonteverde. You too Mr. Styles and Mr. Reyes. Now!" Utos nito at nagpaunang maglakad.
Tss.
Napatingin ako sa gawi ng hayop na nakataas ang tingin sa akin habang hawak-hawak ang ilong. "Galawin mo pa ulit ang motor ko at kukunin ko na 'yang kanang paa mo." Seryusong saad ko at naglakad pasunod sa Dean.
Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa saka pinahiran ang dugo na nasa kamay ko dahil sa pasuntok ko kanina sa mukha ng hinayupak na 'yon. Maraming nagbubulungan sa paligid ko. Hindi na nahiya at ipinarinig pa talaga. Tss.
"Ayos ka lang?" Biglang tanong ng nasa tabi ko.
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Malamang hindi." Sagot ko kay Cris.
"Bakit hindi yung baseball bat ang ginamit mo? Nasugatan ka tuloy." Saad pa niya.
"Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa'yo, gago. Isa ka ring bangag, eh. Bakit ka lumapit? Edi nadamay ka pa." Naiiling na saad ko.
"Ayaw ko lang na nasasaktan ka." Nakangusong saad niya.
"Wow! Sa'yo pa talaga nanggaling na pinaiyak ako? Tss. Tara na nga." Saad ko at walang katok-katok na pumasok sa Dean's Office.
At nagsimula na naman ang tanungan na para bang hahatulan na kami. Tanong dito, tanong doon. Sagot dito, sagot doon. Sinabi ko lang naman ang totoong nangyari. Alam kung may kasalanan ako pero hindi ko naman magagawa ang kasalanan na iyon kung hindi sinimulan ng gago.
Pero sa huli ay sinabi pa rin ng Dean na papuntahin ang mga magulang bukas para maayos na ang problema at malaman din ng mga ito ang nangyari. At kagaya ng dati ay kakampi ko na naman ang sarili ko. Alam ko na kasing walang dadalo para sa akin. Daddy ko ang mismong Dean na bawal pumanig sa akin dahil magiging unfair iyon sa kabilang panig at si Mommy naman ay hinding-hindi pupunta. Tss. Mahihiya lang 'yon dahil may anak siyang basagulera.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...