43

91 3 0
                                    

"Cristoff..." Humagulhol na usal ko habang nakakuyom ang sariling mga palad na nasa hita ko. Nakaupo na ako sa mismong daan ngayon at patuloy pa rin sa pag-iyak.

Nahihilo at nakalutang na lang ako sa hangin ngayon. Para bang hindi ko na alam ang gagawin. Parang hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa panginginig at panlalamig.

Pero dalawang maiinit na braso ang yumakap sa akin dahilan para mas lalo akong napahagulhol lalo. Walang pakialam kung magiging kawawa na ang mukha ko ngayon. Walang pakialam kung maraming nakakakita sa akin na umiyak.

"I'm fine. Don't cry so hard, babe." Malambing na boses nito at pinahiran ang mga luha ko saka nginitian ako. Agad ko siyang nayakap ng mahigpit na mahigpit. Nanginginig ang mga braso ko at buong katawan ko ngayon dahil sa sobrang takot. Hinagod naman niya ng hinagod ang likod ko hanggang sa kumalma na ako. Doon ko na lang rin namalayan na may mga police na at ibang taong nakikiusyuso sa paligid. Halos mabingi na ako at hindi na naririnig ang mga boses nila. Para pa rin akong nakalutang sa hangin.

Napatingin ako sa kaniya at nag-aalala itong nakatingin sa akin at nginitian ako. Ngiting para bang sinasabi na na ayos lang ang lahat.

"N-Natatakot ako, Cris." Saad ko habang nakatitig sa kaniya at mahigpit na nakahawak sa braso niya.

"It will be fine. We are both safe now. We both safe... Let's go to the ambulance first. Sasabihan ko muna sila na i-oxygen ka pansamantala." Saad niya at inakay ako papunta sa ambulance. Buong ingat na nakaalalay sa akin.

Buong buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito ka tindi. Nagulat dahil ng nakaraang mga minuto ay halos nasa isang porsyento na lang at sa langit na talaga kami dederitso.

Habang naka-oxygen ay hindi ko maiwasang hindi maalala kung anong nangyari kanina. Nayakap na lang ako ng mahigpit ni Cris ng makitang umiiyak na naman ako.

Nang mga minutong 'yon...

Masyadong mabilis ang pangyayari. Isang iglap ay bigla na lang lumiko yung 10 wheeler sa lane namin at halos gahiblang-gahibla na lang ay masasalpok na nito ang sasakyan ko. Para bang milagro dahil sa isang kisap mata ko ay nakaligtas pa ako. Halos huminto at ang puso ko sa pagtibok. Para akong kinuryente at hindi nakagalaw.

Then...

Naalala ko na hindi lang ako ang nasa lane na iyon. There's Cristoff behind me. Parang huminto na naman ang puso ko sa pagtibok ng ilang sandali at nag-slow motion ang lahat sa paningin ko. Masyadong nakakagulat at nakakatakot pero nakakamangha ang nangyari.

Nasa harapan na rin ni Cristoff ang 10 wheeler na iyon nang mga oras na lumingon ako. Nakakatakot dahil parang isang segundo at sasalpukin na ng truck yung sasakyan ni Cristoff na labis kung kinakatakot sa lahat. Pero nakakagulat dahil isang kisap mata lang at lumiwas na naman ang truck. Para bang kamatayan na sana pero masyado kaming suwerte at 'yon... Nabuhay pa kami. Masyadong nakakamangha kung isipin...

Walang may namatay sa nangyaring disgrasiya kanina maliban doon sa driver na nasugatan dahil sa pagsalpok ng truck sa poste ng street light. Pero marami ang na-trauma at nagulat rin sa mga nangyari. Isa na ako roon.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari...

"....Peach." Napakurap-kurap naman ako at napatingin sa tumawag sa akin at agad nakita si Mom at Dad na alalang-alala. Agad ko silang nayakap habang umiiyak.

Hindi ako umiiyak ng masyadong matagal at maingay. Pero ngayon... para akong batang nagsusumbong dahil sa paghagulhol ko.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nakaligtas kami ni Cristoff....

Ganoon lang ako hanggang sa tuluyan ng nag-aya na umuwi na sila Mom at Dad. Wala naman akong natamong kahit ano mang gasgas o sugat. Ganoon rin si Cristoff na nasa tabi ko lang at yakap-yakap ako at ipinagsasalamat ko iyon. Naging malaking tulong niyon sa akin.

Nang tuluyang makarating sa bahay ay agad akong pinainom ni Cris ng tubig para tuluyang pakalmahin. Maya-maya ay nagpaalam itong uuwi na kaya agad kung kinuha ang kamay niya at inilingan siya. "Don't leave. Stay with me rightnow. I really need you." Mahinang saad ko, nakikiusap.

Tumingin naman ito kay Mom at Dad at agad siyang tinguan na para bang pinapayagan. Naupo ito sa harapan ko dahilan para magpantay ang paningin naming dalawa. "Okay. Sasamahan kita." Nakangiting saad nito.

Mahina naman akong ngumiti at tumayo. "Gusto ko na ho munang magpahinga." Paalam ko kila Mon at Dad at tumango naman sila pero bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala.

Tinulungan akong umakyat ni Cris papunta sa bagong kuwarto ko na nasa second floor pa rin. Ginawa ng bodega ang dati kung kuwarto.

Nang makahiga sa kama ay yakap-yakap ko na si Cris. Parang ayaw ko na siyang pakawalan dahil baka mangyayari na naman iyon kapag binitawan ko siya. Nakaka-truama.

"Ngayon ko lang na-realize na sa isang iglap pala puwede tayong mawala. Masyadong madali pala mawala ang buhay ng isang tao..." Saad ko at iminulat ang mga mata.

"Hm... Pero sabi nila kapag hindi mo pa suwerte ay hindi ka pa talaga kukunin ng nasa taas. Parang kaya kanina. We both know that it was a miracle ang nangyari kanina. And I'm thanking Lord for that. Masyado akong nagpapasalamat dahil nakaligtas tayong dalawa."

"Me too..." Saad ko. "Kanina parang nag-slow motion na sa paningin ko ng nakitang nasa harapan mo na talaga iyong truck. Masyado akong natakot na baka mawala ka." Pagkukuwento ko.

"Ganoon din ako. Halos kaunting-kaunti na lang talaga ay sasalpukin na n'ong truck ang sasakyan mo pero iyon pala eh dadaan lang. Dadaan sa mismong gilid. It was shocking that I couldn't move my whole body. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko noong mga oras na iyon. Parang nanigas ang buo kung katawan dahilan para hindi ako makagalaw. Pero nagpapasalamat ako at nakahinga ng maluwag dahil pareho tayong nakaligtas. That was really a miracle." Saad niya at hinalikan ako sa noo.

"Maybe God gave me this chance para masabi sa'yo ang totoo. Siguro binigyan niya ako ng pagkakataon para masabi ang plano kung sabihin sa'yo kapag nakarating na tayo rito..." Saad ko at mahinang ngumiti.

Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. "What is it?" Tanong niya.

"I love you." Saad ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya. "That's what I'm planning to tell you kapag nakauwi na tayo, Cris." Dagdag ko pa at tinitigan ang nagugulat na mukha niya. "I love you, Cristoff Reyes."

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon