34

64 3 0
                                    

"Kanina pa ba kayong dalawa nakarating dito?" Tanong ni Tito ng nasa hapag na kami at hinihintay si Tita na matapos sa paghahanda ng mga ulam.

"Hindi naman Dad." Si Cris ang sumagot.

"Baka nabagot na si Peach. Pasensiya na Peach at medyo madami lang ang  gawain." Saad nito Tito habang nakatingin sa akin. Tumaas naman ang sulok ng labi ko at tumingin sa gawi ni Cris.

"Hindi ako nabagot kahit isang segundo. Ayos lang ho 'yon, naiintindihan ko naman ko naman ho." Saad ko dahilan para makagat naman nito ang labi para pigilang mapangiti.

Tss

"Here's the afritada. Let's eat." Masayang saad ni Tita at inilapag ang bowl ng afritada saka naupo na rin.

Nagsimula na nga kaming kumaing lahat. Naging maingay ang buong hapag dahil sa kwentuhan at tawanan.

Marami akong nakain dahil lagay ng lagay si Cris ng pagkain sa plato ko. Mula pa noon ay gawain niya na iyon kapag nandito ako sa kanila. Kaya ng matapos at napunta kami sa living room para manood ng palabas ay busog na busog pa rin ako.

Parang hindi na natapos-tapos 'yung kwentuhan namin. Ayon ang gusto ko sa kanila dahil palagi silang sabik na sabik sa kwento ng buhay ko kahit na hindi naman ganoong kainteresante. Wala namang ganoong ganap. At hindi ko naman sinasabi lahat.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Crey dahil inaantok na ito. Umakyat na ito sa taas para makapagpahinga na kaya naiwan naman kaming apat.

"Kamusta na kayo ng Mommy mo, Peach?" Tanong ni Tita.

Nagkibit-balikat naman ako saka bumuntong-hininga. "Ganoon pa rin ho. We rarely see each other at kung magkita man ay magtatanguan lang. Mas galit nga ata 'yon sa akin 'yun ngayon eh. Sanay naman na ako kaya wala namang bago." Sagot ko.

"Intindihin mo na lang ang mommy mo, Peach." Parang nagpapaunawang saad ni Tita. Ngumiti lang naman ako saka tumango.

"Iyon naman ho ang ginagawa ko mula pa noon kaya nga ho ako nanatiling nakatira sa bahay dahil kahit papaano ay ginagalang ko pa rin siya." Sagot ko.

"Psh! Mahal ka nun. Nagmamatigas lang 'yang si Peah. Ayaw ka lang niyang mapunta sa maling daan." Saad pa ni Tita at nginitian ako.

"Parang napunta naman ho ako sa tamang daan na 'yan. Base kasi sa pagkakaalala ko pagkapanganak pa lang sa'kin eh umiwas na ako sa daang iyon." Pilit lang binabago para maging normal.

Natahimik naman kami pagkatapos noon. Siguro ay pinapakiramdaman nila ako. Pero nagulat na lang ako ng bigla akong bigwasan ni Cris.

"Madrama ka na pala ngayon? Hindi ka si Peach, no?" Tanong niya pa kaya natawa naman ako at mahina siyang siniko sa gilid.

"Baliw." Nasabi ko na lang habang naiiling.

"Hindi madrama 'yung kaibigan ko eh. Malay ko ba kung nagpapanggap ka lang na si Peach. Baka impakto ka pala---aray!"

"Ikaw 'yung impakto dito." Singhal ko sa kaniya matapos batokan. Balak pa sana niyang bumawi pero itinaas ko ang kamao ko kaya nabitin naman ang pag-atake nito.

Tinawanan lang naman kami nina Tita at Tito na nanonood pala sa amin mula pa kanina.

"Kasalanan mo 'to." Pangbibintang ni Cris kaya nanlaki naman ang mata ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Ako pa talaga?" Tanong ko.

"Ang sama ng ugali mo." Saad niya pa.

"Lupet talaga nito!" Turo ko sa kaniya saka kumuha ng unan at inihagis sa kaniya dahil sa inis. "Ikaw 'tong nauuna tapos ako pa may kasalanan. Tuhogin ko kaya 'yang mga mata mo."

"Kita mo na. Kita mo na. Tutuhogin raw ni Peach 'yung mata ko oh." Turo sa akin at nagsusumbong kay Tita na tumatawa lang. "Dapat nga maging mabait ka sa akin kasi nililigawan kita. Hindi 'yung masama ang ugali mo." Dagdag niya pa.

"Abat! Nanunumbat ka? Ikaw 'yung nag-insist na manligaw tapos parang nanunumbat ka pa. Sama rin ng ugali mo." Bawi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ikaw 'yung masama ang ugali. Inaaway mo'ko lagi." Saad niya pa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinapon sa kaniya ang throw pillow na hawak saka agad na tinawanan siya ng masapol ito sa mukha pero agad ring napatigil ng tumama din ang isang throw pillow sa mukha ko. Bumawi naman ako at hinagisan rin siya at nagtuloy-tuloy na iyon at pareho kaming hapong-hapo kinalaunan.

Tss. Isip bata talaga ang kinginang 'to.

Balak ko na sanang itatapon ang throw pillow na hawak ng pigilan ako ni Tita at ganun din ang ginawa ni Tito kay Cristoff.

"P-Pakiulit nga nung sinabi mo, Peach..." Saad ni Tita kaya napakunot naman ang noo ko saka naibaba na ang kamay.

"Alin po dun? Madami-dami ho akong sinabi eh." Saad ko.

"Y-Yung t-tungkol sa anak ko."  Saad niya naman.

"Na masama ho ugali niya?" Patanong na sagot ko.

"Hindi masama ugali ko, ah!" Angil ni Cris.

"H-Hindi 'yon... Yung nanligaw... Oo 'yon!" Saad niya kaya napatango-tango naman ako.

"Manliligaw raw ho 'yung anak niyo sa'kin." Sagot ko naman.

Nanlaki naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Tinanggap mo?" Tanong niya pa.

"Oho---"

Bigla na lang ako nitong niyakap saka nagtititili kaya napakunot naman ang noo ko. Bigla naman itong pumunta sa anak niya.

"Totoo 'yon Cris? Nililigawan mo si Peach?" Tanong ni Tito kay Cris.

"Yes dad." Nakangiting sagot ni Cris.

Anong nangyayari dito? Alam ba nila... Oh.

"Mabuti at naging matapang ka na anak. I'm proud of you." Saad ni Tito.

Biglang lumapit naman si Tita sa akin at tumabi ng upo. "Cristoff likes you since he's young but he just scared to break the rules---"

"Mom stop it!" Pigil ni Cristoff sa sariling ina.

Natawa na lang ako saka napatango-tango habang tinataasan ng isang kilay si Cristoff na medyo namumula na.

Pft.

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin ako dahil maggagabi na. Babalik pa naman ako bukas dito kaya hindi na rin ako pinigilan nila Tito at Tita na sayang-saya dahil sa nalaman.

Inihatid naman ako ni Cristoff papunta sa labas ng gate kung nasaan ang sasakyan ko. Sumandal pa ako doon at tumingin sa kaniya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Uwi na. Uwi. Uwi." Pagtataboy niya sa akin.

"So... Gusto mo rin ako dati pa, huh?" Nakangising tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya saka ngumuso.

"Ikaw din naman, ah!" Bawi niya.

"Pft. Para kang bata." Natatawang saad ko.

Pero nabigla na lang ako ng dumukwang ito at hinawakan ang bewang ko gamit ang parehong kamay at inangkin na lang bigla ang labi ko. Agad ko naman iyong pinalalim habang nanatiling nakasandal sa kotse. Nang tumigil ito ay napamulat naman ang mata ko at nakitang nakangisi na ito sa akin.

"But this kid knows how to shut you up, Peach." Bulong nito at hinalikan ako sa pisngi saka lumayo na. "It's getting late. Uwi ka na." Saad nito.

"Tss. Kiss in the cheeks is just for kids, Cris." Saad ko saka pumasok na sa kotse ko.

"Pero sisiguraduhin kung hahanap-hanapin mo." Saad niya pa kaya nailing na lang ako saka pinaandar na ang kotse.

"Alis na ako." Paalam ko saka pinaharurot na paalis ang kotse matapos bumusina ng dalawang beses.

You'll never cease to amuse me...

Let's see what will happen to us then.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon