18

66 3 0
                                    

"Jane, punta tayo ng café na sinasabi ko sa'yo." Aya ko sa kaniya.

"W-Wala kang pasok?" Tanong niya ng makitang hindi ako naka-uniform.

"Wala." Sagot ko. "So?"

"S-Sige... Magbibihis lang ako." Paalam niya at umakyat sa taas. Nakita ko pa itong may tinawagan pero hindi ko na rin pinansin dahil baka pamilya niya lang iyon. Nagpaalam pa ata sa pamilya niya. Pft. What a cute lady.

Pumunta naman muna ako sa salas at nanood ng TV habang hinihintay siya na bumaba. Biglang nagring naman ang cellphone ko at nakitang si Cris ang tumatawag.

"Oh?"

"Ohblong! Hindi ka papasok?" Tanong nito.

"Tss. Nakalimutan mo na bang suspended ako? Bukas pa ako makakabalik sa school. Bakit? Na-miss mo'ko agad?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Wala na kaming maangas na captain dito." Saad niya naman.

"Gago! Ano sabi ng mga teachers natin?" Tanong ko.

"Tch. Alam na nila yung tungkol sa nangyari. Hindi na rin sila nagtanong, alam na nila atang hindi rin namin sila sasagutin ng maayos, eh." Natatawang saad niya. "Ano palang ginagawa mo diyan ngayon?" Tanong niya.

"May lakad kami ni Jane ngayon. May nalaman kasi akong café kahapon na masasarap yung mga binebenta kaya napagdesiyonan kung dalhin siya ro'n." Sagot ko naman.

Natahimik naman bigla ang kabilang linya kaya napatingin naman ako kung naputol ang tawag pero hindi na man.

"Peach! I miss you. Balik ka na rito!" Biglang sigaw ni Art mula sa kabilang linya.

"Manahimik ka nga! Nakikisabat ka sa usapan ng iba. Kung gusto mo siyang makausap ay tawagan mo rin siya." Singhal naman sa kaniya ni Derk.

Natawa na lang ako sa kanila pero napatigil rin ng magsalita si Cris.

"Dalhin mo rin ako sa café na 'yan sa susunod, ah? Sasakalin kita kapag hindi."

"No prob." Sagot ko naman.

"Peach alis na ba tayo?" Bigla ay tanong ni Jane kaya napatingin naman ako sa gawi niya saka ngumiti.

"Pre, baba ko na muna 'to. Aalis na kami." Saad ko pinatay na ang tawag at pinatay na rin ang TV saka tumayo.

Hindi ko mapigilan na hindi humanga  dahil sa taglay nitong ganda kahit na simple lang ang suot niyang bestida. She looks perfectly fine without make up. "You're beautiful."

"S-Salamat." Nahihiyang saad naman niya.

Dumeritso na kami sa labas at sumakay sa kotse ko at umalis na sa bahay. Natatandaan ko pa naman kung saan iyong café na iyon.

Makaraan ang kalahating oras na biyahe ay narating naman na namin iyon. May mga taong pumapasok na sa loob kaya pumasok na rin kami.

Naupo kami sa isa sa mga table na bakante at tumingin sa menu. Nakita ko namang humaba na naman ang nguso ni Jane kaya natawa naman ako at tumabi sa kaniya. "What's the problem?" Tanong ko.

"Hindi ko na naman maintindihan iyong iba na nakalagay rito." Saad niya turo sa menu.

"Ako na lang bahala. Dito ka lang." Nakangiting saad ko at pinisil ang pisngi niya saka tumayo at pumunta sa may counter.

"What's your order, Miss---oh! Ikaw yung kahapon?" Tanong ng lalaki na binilhan ko rin kahapon.

"Yeah. I bring my girl here. Nagustuhan niya yung mga binili ko kahapon dito." Nakangiting saad ko naman.

"I see... Glad to hear that then." Saad niya naman.

"Oh, I'll order something pala." Asik ko. May nakapila pa kasi sa likod ko. "Meron pa ba kayo ng mga cupcakes na parehas ng kahapon?" Tanong ko.

"Oh... That. Freebies lang po iyon namin within seven days since kakabukas lang ng branch namin dito sa Andromeda. I'm sorry to say but wala na po, eh. Pero meron po kaming ibang cupcakes na binibenta ngayon." Saad  naman niya kaya napatango-tango naman ako.

"I'll order that then." Saad ko. Tumango naman ito at umalis sandali at may tinawag maya-naya ay bumalik naman ang kasama niyang lalaki na matangkad dala-dala yung mga cupcakes na pagpipilian.

Iba't-ibang klase iyon at mas maganda yung disenyo kesa sa kahapon. And the price was pretty too. Pretty expensive.

"I'll try all in the first and last row." Turo sa nagustuhan.

Agad  namang umalis ang matangkad na lalaki para kunin ang order ko habang ang lalaking nasa counter naman ay tinototal yung price ng binili ko.

"4, 000 pesos lahat." Saad niya. Kumuha naman ako ng cash sa wallet saka kinuha rin iyong order ko na kakarating lang. Nagpaalam na ako at bumalik sa table kung nasaan si Jane.

Inilapag ko naman iyong lalagyan kung nasaan ang mga cupcakes saka naupo. Nakita ko namang kuminang ang mga mata niya kaya napangiti na lang ako.

"Let's taste them all." Asik ko at napatingin naman ito sa akin saka tumango at kumuha na ng isa. "Wala pala tayong maiinom. Wait here, bibili lang ako." Tumayo na ako ay bumalik sa counter para mag-order ng inumin. Naghintay pa ako sandali dahil may nakapila rin na ibang costumer.

Kahit bago pa lang yung café nila ay marami ng tao ang pumapasok at bumibili. Well, masasarap naman kasi yung binebenta.

Matapos makapag-order ay agad na akong bumalik sa table namin at kumain na rin habang nakikipagkuwentuhan.

Ang gana-gana niyang kumain. Nakakatatlong cupcakes na siya. Malalaki kasi ang cupcakes at masasarap kaya kahit mahal ay sulit naman.

Pagkatapos naming kumain at manatili pa sa café na iyon ng ilang oras ay napagdesiyonan na rin naming umalis at pumunta sa kung saan masaya. Naisipan kung dalhin na lang siya sa botanical garden na malapit lang since mahilig siya sa mga bulaklak at halaman.

Nakasunod lang ako sa kaniya at tinitingnan ang kasiyahan niya habang naglilibot kami. Dahil sa kalikutan ay ilang beses pa siyang nawala sa paningin ko.

Hanggang sa maghapon ay nasa labas lang kami at nagliliwaliw. Naisipan lang naming umuwi ng maggagabi na.  May dala-dala na itong mga pagkain at damit na binili ko para sa kaniya.

Napatigil naman ako sandali ng biglang magring ang cellphone ko at ng tingnan ay si Cris pala yung tumatawag. "Miss mo'ko ulit?" Natatawang tanong ko.

"Peach... Puwede mo ba akong samahan ngayon?" May kakaiba sa boses niya at alam kung may problema ito. Halatang lasing na rin.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Andito... Sa tambayan natin nila Patricio..."

Napabuntong-hininga na lang ako at natahimik ng ilang sandali bago nagsalita. "Sige. Pupuntahan kita riyan. Hintayin mo ako at huwag kang gumawa ng ikakapahamak mo." Saad ko saka pinatay na ang tawag at pumasok sa loob ng bahay.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon