39

67 3 0
                                    

"Good morning." Bati ni Cris na kakarating lang at humalik agad sa pisngi ko na nakasanayan niya ng gawin. Kasiyahan niya na 'yon. Tss. Hinayaan ko na lang rin dahil baka topakin na naman.

"Morning." Sagot ko naman at habang nasa cellphone ang paningin.

"Anong tinitingnan mo?" Usisa pa niya.

"Babae." Sagot ko dahilan para matigilan naman ito at masamang tiningnan ako.

"Bakit mo tinitingnan?" Naiinis na tanong niya.

"Kasi maganda." Sagot ko rin kaya mas lalo namang sumama ang tingin niya.

"Ang sama-sama ng ugali mo." Saad niya kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Kingina---Bakit na naman?" Tanong ko sa kaniya pero ayon at kunwaring busy na naman ito sa ginagawa niya. Lintek talaga ang mood swing ng lalaking 'to. "Si Mommy ang tinitingnan ko, Cris. Oh! Tingnan mo. Kingina ka." Singhal ko sa kaniya at pinakita ang litrato ni Mom na tinitingnan ko.

Halatang nagulat naman ito saka ngumuso at ngumiti rin habang napakamot ng sariling ulo. "Akala ko kasi ibang babae na naman ang tintingnan mo, eh. Masyado ka pa namang babaero, naninigurado lang ako."

"Nagsalita yung kinginang bente yung babae. Tss." Asik ko saka napabuntong-hininga na lang at nahilot ang sariling ulo.

"Hehe akala ko kasi kung sino na, eh. Si Tita ko pa lang pala na maganda." Dahilan niya pa saka ngumiti ng malapad. Napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali saka umiwas ng tingin at tumukhim.

Damn it. That's cute.

"Para kayong mag-asawang nag-aaway." Biglang saad ni Derk na may nanunuksong mga tingin. Umungol rin iyong iba na para bang sumasang-ayon.

"Ninong ako, ah? Huwag niyo akong kalimutan na imbitahin." Saad pa ni Art na baliw.

"Sige ba. Sige ba. Kapag kinasal kami dapat magsasabit kayo ng ten tawsan sa damit namin, ah. Ang hindi walang shanghai na iuuwi." Pagsasabay rin ni Cris na sayang-saya pa rin.

Napahilot na lang ako sa ulo ko saka napatingin sa katabi ko na sayang-saya pa rin sa pakikipag-usap sa iba naming tropa. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa kaniya ng ilang sandali. Masyadong maaliwalas ang mukha niya. Yung ngiti eh animo'y nanalo sa lotto. Kumakinang yung nga mata kapag titingin sa akin.

Tss. May diamond ata mata nito.

Napangiti naman ako saka nagpatuloy lang sa pagtitig sa mga reaksiyon sa mukha niya. Masyadong nakakaaliw panoorin iyon. Pinapahanga ako ng masayang reaksiyon niya at ngiting abot na hanggang tenga. He's cute when he smiles like that... Lalo na kapag napupunta ang tingin nito sa akin at nginitian ako na halos hindi na makita yung mga mata at labas talaga yung mapuputing ngipin niya.

Natigil lang kami nung dumating na ang teacher namin para magturo. Pero iyong katabi patuloy pa rin ang ngiti sa akin pero hindi naman nahuhuli kapag tinatanong ng teacher. Ewan ko sa trip niya pero hinayaan ko na lang rin. Naaaliw rin ako naman ako sa mga ngiti niya.

Dumaan pa ang ilang oras at umalis kami sa room at pumunta sa isang teacher namin. Dalawa ang klase namin sa chemistry at magkaibang teachers din and also different days also. Like today sa isang   type kami ng chemistry tapos bukas ay sa isang type naman. Kapag raw nag college ay dadami pa iyon pero liliit naman ang oras for one type. Sa pagkakaalam ko ay ganoon rin sa ibang pang subs? I'm not sure tho...

Tss. Hindi ko naman masyadong pinapansin pa 'yon. Importante mataas grades ko sa bawat subs at pasado lahat.

Pagdating ng recess ay magkasama na naman kaming pumunta sa cafeteria. Dating gawi pa rin, nilibre na naman ako ni Cris at siya na rin ang bumili ng pagkain ko.

Banana milk at banana bread. Iyon ang napili kung kainin ngayon. Tatlong slice ng banana bread at isang  bottle ng banana milk. I like to eat and drink these two. Kahit pa araw-araw kung kainin at inumin iyon ay hindi ako nagsasawa.

Makaraan ang ilang sandali ay inilapag na nito ang pagkain ko saka naupo sa tabi ko. "Thanks. Oh, you buy some ice cream, again?" Tanong ko ng may makitang vanilla at banana flavored ice cream na kasama yung pagkain na inilagay niya sa mesa na nasa harapan ko.

"Yeah. You like them so I buy some, again. Nakita kung may banana na flavor din kaya iyon ang binili ko. Paborito mo ang saging, right?" Natatawang tanong niya sa huli.

"Yeah. Nakakaganda ng mood 'yan. Subukan mo. Baka umayos din mood mo." Sagot ko saka inilabas ang kalahati ng isang slice ng banana bread ko saka kumagat. Mabuti at hindi narinig ang huli kung sinabi dahil pabulong iyon. Tiyak na hindi ako nito titigilan kung narinig niya iyon.

"Is that good?" Tanong niya habang nakaturo sa tinapay ko.

"Hindi ka pa ba nakakatikim nito?" Tanong ko.

"Hindi pa." Sagot niya.

"Here. Try it." Saad ko at iniumang iyon sa kaniya. Kumagat naman ito saka ngumuya pa habang naghihintay ay kumagat rin ako saka napangiti. "It taste really good."

"Yeah, it taste sweet and smell so good." Nakangiting saad niya.

"Hm... How about you? What do you have there?" Tanong ko habang tinitingnan ang pagkain niya.

"Carbonara and juice." Sagot niya at sinubuan ako ng carbonara at kinain ko naman iyon. Hindi ako tumatanggi sa grasiya.

"Nilalanggam na kami rito mga pre. Baka magka-highblood si Art dahil sa inyo." Natatawang saad ni Lix at itinuro si Art na walang kamalay-malay na kumakain.

"Puwede niyo akong maging anak." Saad ni Art kaya napakunot naman ang noo naming lahat dahil ang layo ng sinabi niya sa sinabi ni Lix.

"Anong maging anak?" Natatawang tanong ni Derk sa kaniya.

"Si Peach at Cristoff, wala pa silang anak eh kaya ako na lang muna hehe. Give Art some love, mommy and daddy." Saad niya pa kaya nagtawanan naman kami dahil sa kabaliwan niya.

Si Art kasi ang pinakabunso sa aming lahat. Though hindi naman masyadong magkakalayo ang mga edad naming lahat. Buwan lang din o araw yung kinatanda namin sa isa't-isa. Si Art lang yung sadyang halos isang taon ang agwat sa amin kaya ayan at siya na ang naging bunso ng tropa. Halos nineteen na kaming lahat at iilan na lang yung eighteen na magtuturn rin naman kapag nagbirthday na sa mga susunod na buwan. Samantalang si Art ay kaka-eighteen pa lang talaga. Pero kahit bunso namin 'yan ang daming napatumbang siraulo na niyan at napaiyak na babae dahil may pagkaloko rin minsan.

"What's on your mind?" Napakurap-kurap naman ako at napatingin sa nagtanong at nakita ko si Cris na nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Art. I just remember our bunso." Saad ko.

"Our bunso, huh?" Nakangising tanong niya na para bang double meaning ang sinabi ko. Ngumisi rin ako saka sumandal sa upuan ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Want to make a true one?" Tanong ko. Napaungol naman ang mga kasama namin kaya napatingin sa table namin ang ibang mga strand. Pero nanatili lang ang tingin ko sa kaniya ng makitang tumawa ito na animo'y aliw na aliw.

It's amusing to see...

"Soon, Peach. Soon. We'll make a basketball team." Saad niya naman kaya ako naman ang natawa saka napapailing na lang.

"Tss." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko habang nakangiti pa rin.

"Want to go on a date with me mamaya?" Tanong niya kaya napunta naman ulit sa kaniya ang paningin ko saka nagkibit-balikat.

"Sure." Simpleng sagot ko.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon