Hindi ata nila napansin ang kotse ko. Napatingin pa ako sa isang kotse na nakaparada. Ito rin yung nakaraan, ah?
Dumeritso silang pumasok sa bahay kaya agad naman akong lumabas sa kotse ko para sundan silang dalawa ng hindi nila napapansin.
Pumasok ako sa bahay ng maramdaman wala na sila sa baba. Agad kung tinawag ang isa sa mga katulong.
"Yes po?"
"Sino ang kasama ni Jane?" Tanong ko.
"Kapatid daw po niya, Ma'am." Sagot nito.
"Is this the first time you saw that guy?" Tanong ko pa.
Umiling naman ito. "Hindi po. Sa katunayan ay palagi nga po siyang nandito, Ma'am. Halos araw-araw po kung tutuusin." Sagot pa nito kaya napatango-tango naman ako.
"Okay. Thankyou. You can go back to your work now." Saad ko at tumango naman ito at umalis na.
Kapatid...
Kaya ba mukhang busy ito ng mga nakaraan at hindi man lang makapag-text sa akin? Kasi andito yung lalaking 'yon?
Inilagay ko sa mesa ang pinamili ko saka umakyat sa taas papunta sa kuwarto ko. Nakita kung sarado iyon. Balak ko na sanang buksan ang pinto ng marinig na may nagsalita mula sa loob.
"Kailan mo pa balak na umalis dito?"
"Kapag nakuha ko na ang mga yaman na nandirito. Sa ngayon ay mananatili muna ako rito para paibigin pa lalo ang tomboy na 'yon. Kapag tuluyan na siyang nahulog sa akin. Doon ko na siya huhuthutan ng maraming pera."
Parang nanginig ang lahat ng kalamnan ko ngayon dahil sa naririnig ko at ang mas malala dahil kilalang-kilala ko kung kaninong boses ang nagsabi ng mga salitang iyon.
Damn. I was so stupid.
So mom is the one who's saying the truth, huh?
Tahimik naman akong naupo sa gilid ng pinto at nagpatuloy lang sa pakikinig sa kanila habang nagpipindot sa cellphone ko.
"Ano bang nangyari ng nakaraan? Akala ko kukunin mo yung mga alahas?" Boses ng isang lalaki.
"Panira yung Nanay, eh. Makukuha ko na sana yung hikaw na gawa sa diamante kaso biglang dumating yung Nanay at nahuli ako. Mabuti na lang at masyadong uto-uto si Peach at pinaniwalaan pa rin ako imbis ang sarili niyang Nanay. Mas lalo ko lang kukunin ang loob niya para pagkatiwalaan pa niya ako lalo. Papaikotin ko siya sa sarili kung mga palad."
"But you said earlier that you like her, hm? Why is that?"
"She can make everyone fall by just her lips, Drew. She's so good at kissing. Mapapaungol ka na lang. Hindi ako nagtataka at maraming babae ang nababaliw sa kaniya. Iyon nga lang... may kulang pa rin. She's not enough."
"Because she can't fuck you like I always do, right?" Saad ng lalaki at nagsimula ng umingay ang buong kuwarto.
Hindi ako umalis. Hindi ko sila ginambala. Nakinig lang ako at naghintay na mawala ang lahat ng ungol na naririnig ko mula sa loob. Nang tuluyan na silang matapos ay agad na akong tumayo at bumuntong-hininga pa sandali at binuksan ang pinto. Kita ko ang gulat sa mga mukha nilang dalawa na kakatapos lang na magbihis. "Tapos na kayo?" Nakangising tanong ko.
"P-Peach..."
Simula pa ng nakaraang mga araw ay may nararamdaman na akong kakaiba sa kaniya. But I ignored everything because I like her. But now? I'll forget that I even like someone like her.
She's not interesting anymore. She's a trash. A dirty little trash that I dumbly put it in my pocket.
Kinuha ko naman ang baseball bat na nasa gilid saka tumingin kay Jane. "Mali ka ng taong niloloko, Jane." Saad ko saka lumapit. "Diyan ka lang muna sa tabi. Huwag mong subukang umalis o ipapakain ko sayo ng buo ang hawak kung 'to." Saad ko saka humarap sa lalaki.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...