37

72 4 0
                                    

"Ano kaya ang ganap at pinapapapunta tayo sa inyo?" Tanong ni Cris habang naglalakad kami papuntang sa parking lot.

"Ewan ko." Sagot ko at nag-shoot ng bubble gum sa bibig.

"Meron ka pa?" Tanong niya kaya kumuha naman ako sa bulsa saka binigyan siya. "Bakit kaya ako kasama, no? Baka pagalitan din ako ni Tita, Peach."

"Tss. Hindi yan." Saad ko.

"Paano mo nasigurado?" Tanong niya pa.

"Ako bahala sa'yo." Sagot ko.

Ngiting-ngiti naman ang loko pero hinayaan ko na lang rin. Baka mamaya bigla na namang sapian ng topak ang utak niya. Tss.

"Sabi mo 'yan, ah? Walang bawian. Ikaw bahala sa akin mamaya kapag pinagalitan ako, ha? Ha?." Pangungulit niya pa.

"Hm."

"The best ka talaga." Bigla na lang ako nitong inakbyan pero hindi komportable kasi mas mataas ako kaya humawak na lang sa kamay ko. Natawa na lang ako ng mahina saka napailing.

Daming alam ng kingina.

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at nilaro iyon ng makarating na sa parking lot. Hindi namin kasama ang iba dahil dumeritso sila sa labas ngayon. May gang fight na naman. Kaya naman nila kahit sila lang kaya sila na lang muna.

"Bitaw na." Saad ko kaya napanguso naman ito. Dumeritso na ako pasakay sa kotse ko pero pagpasok na pagpasok ko ay agad ako nitong hinalikan sa pisngi saka pumunta rin sa kotse niya.

Napatingin pa ako sa kaniya ng ilang sandali pero kumindat lang ito saka pinaandar ang kotse niya. Natawa na lang ako saka napailing.

Pft.

Maybe a kiss in the cheeks is not bad at all.

Pinaandar ko na ang kotse ko at naunang umalis at sumunod naman siya sa akin.

Nakakailang halik na sa'kin ang tukmol na 'yon ngayong araw, ah...

Napabuntong-hininga na lang ako saka binilisan ang pagpapatakbo para makarating na agad sa bahay. Para matapos na agad kung ano man yung sasabihin ni Mommy.

Pero hindi ko rin maiwasang isipin kung anong dahilan at pinatawag kami. Kung ako lang kasi sigurado akong pagsasabihan at sesermonan niya lang ako. Pero kasama si Cris...

Napakunot lalo ang noo ko dahil sa isipin na iyon. At nadala ko iyon hanggang sa makarating kami.

Nagkatinginan pa kami sandali ni Cris sandali bago tuluyang pumasok sa loob ng gate at dumeritso na sa loob.

Agad ko namang nakita si Mom na nasa salas at nakatingin na rin sa amin. Kagaya ng dati ay masyado pa rin itong maayos kung manamit at palaging maayos ang itsura.

"Anong ganap?" Tanong ko agad saka naupo sa sofa paharap sa kaniya.

"I heard about the panliligaw thing." Walang alinlangang saad niya.

"T-Tita..." Nabibiglang saad ng kasama ko na halatang nagulat.

"So... Totoong nililigawan mo ang anak ko, Cristoff?" Tanong ni Mommy. Naramdaman ko namang sinisiko niya ako kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Sumagot ka lang kasi. Tss." Saad ko.

"O-Opo Tita."

"Are you sure about her? She's not like the other girls that you know. Maangas. Hindi girly manamit. Hindi maganda ang attitude. Palamura. Maraming maisasaway sa kaniya." Saad pa ni Mommy.

Napangiwi na lang ako pero nagkibit-balikat rin saka napatingin sa inilagay na cake sa harapan namin ng maid. Agad ko namang kinuha ang akin saka kinain.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon