12

78 3 0
                                    

Sa wakas at uwian na!

Agad ko namang kinuha ang bag ko saka tumayo at balak na sanang maglakad paalis pero napatigil din ng biglang may humawak sa braso ko. "Oh, may kailangan ka, Art?" Tanong ko sa lalaking pumigil sa akin.

"May lakad mamaya ang tropa. Pupunta ka ba?" Tanong niya kaya agad naman akong umiling.

"Hindi, eh. May importante akong gagawin mamaya. Next time na lang." Nakangiting sagot ko at tinapik ang balikat niya.

"Hindi ka pupunta?" Narinig kung tanong ni Cris kaya napatigil naman ako at tumingin sa kaniya.

"Hindi, eh. Kayo na lang muna." Saad ko.

"Kahit pilitin kita hindi ka talaga sasama?" Tanong niya pa.

Natawa naman ako saka umiling. "Hindi talaga puwede. Babawi na lang talaga ako next time. Alis na ako, pre." Paalam ko saka tumalikod na at naglakad.

Kinuha ko naman iyong cellphone ko at napangiti na lang at ibinalik iyon sa loob ng bulsa ko at kinuha naman ang susi ng bike ko.

Dumeritso ako sa parking lot at pinaandar yung bike ko at pinaharurot na iyon paalis ng school.

Habang nasa biyahe ay nagpalinga-linga naman ako sa mga nadadaanan ko at natuwa nang makitang may bakery na nagtitinda ng cake.

Ipinarada ko naman muna ang bike bago tuluyang pumunta ro'n. "Miss?" Tawag ko sa babaeng nagtitinda. 

"Yes po, Ma'am?" Nakangiting tanong nito.

"May binibenta po ba kayong yema cake?" Tanong ko.

"Yes, Ma'am. Meron po." Sagot nito.

"One yema cake, please."

"Would you like to add some dedications, Ma'am?"

"Oh! Yeah. Please write happy birthday, Jane." Saad ko pa at tumango naman ito at kinuha na iyong cake at nilagyan ng pangalan.

Naghintay naman ako ng ilang sandali pa bago tuluyang bumalik ang babae. Iniabot na nito sa akin ang box kaya kinuha ko naman iyon at binayaran.

Umalis na ako matapos makuha ang sukli at sumakay ulit sa bike ko pero napatigil naman ulit sa isang drive thru na nakita. Bumili rin ako ng pagkain doon bago tuluyang dumeritso sa bahay.

Ipinarada ko lang ang bike sa harapan ng bahay at agad ng pumasok sa loob ng bahay. Nakita kung tahimik pa rin ang bahay. Marahil ay wala pa si Daddy. Si Mom naman ay siguradong mamayang gabi pa uuwi. Yung mga maids naman ay busy rin sa mga ginagawa.

Agad akong umakyat sa taas at dumeritso sa kuwarto at doon muna inalagay ang mga pinamili.

Nagbihis na muna ako bago inayos ang mga iyon. Inilagay ko ang mga pagkain sa mismong kama ko. Nasa box pa rin naman ang mga iyon. Binuksan ko lang. Ang drinks ay inilagay ko sa mesa. Nang makitang maayos na ay agad na akong lumabas at hinanap siya.

"Manang." Tawag ko sa isang maid. Agad naman itong lumapit sa akin.

"Ano po 'yon, Ma'am Peach?" Tanong nito.

"Nasaan si Jane?" Tanong ko.

"Andoon po sa stockroom at naglilinis po, ma'am."

"Okay. Puwede na ho kayong bumalik sa ginagawa niyo." Saad ko saka tinungo na ang stock room na nasa baba.

Agad ko naman siyang hinanap doon at nakita itong nag-aayos ng mga unan.

Lumapit ako sa kaniya ng walang ingay saka niyakap siya mula sa likuran. "Huli ka."

"Waaaah!" Bigla itong napatili dahil sa gulat kaya natawa naman ako at sinalag ang hampas niya. "Ang sama mo." Angil nito at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi ba puwedeng na-miss lang kita?" Natatawang tanong ko at inilagay ang kamay sa bewang niya.

"Akala ko kung sino na, eh." Saad niya.

Hindi naman ako nakasagot agad at bumaba lang ang tingin ko sa dibdib niya. Nabaklas ang pagkakabutones ng isa sa taas kaya kitang-kita ko ang mayayaman nitong dibdib mula sa posisyon ko.

"Bastos ka!" Sigaw nito at agad na isinampal ng buo ang palad sa mukha ko kaya napahiga naman ako sa mga unan sa sahig habang hawak-hawak ang mukha ko.

"Baka wala na akong ilong nito." Natatawang saad ko.

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin." Namumulang saad niya.

"Bakit? Bawal ko bang tingnan yung dibdib mo? Kasalanan niyang malalaking bundok na 'yan dahil kinukuha nila parati yung atensiyon ko." Sabi ko kaya napanguso naman ito.

"Ikaw kaya ang tingin ng tingin." Saad niya pa. Bumangon naman ako saka hinawakan ang kamay niya.

"Binibiro lang kita. Tara... May surpresa ako sa'yo." Nakangiting saad ko.

"Ano naman 'yon?" Tanong niya at sumunod sa akin. Excited ito at bakas na bakas sa mukha niya iyon.

"Surpresa nga, eh." Natatawang saad ko.

Dumeritso na kami kaagad sa taas papunta sa kuwarto ko at binuksan ang pinto saka pumasok.

Napangiti na lamang ako nang makita ang pagkagulat sa mukha niya habang nakatingin sa kama.

"P-Paano mo nalaman?" Tanong niya at unti-unting lumapit doon.

"Nakita ko yung kaledaryo mo sa kuwarto. May nakalagay ro'n na birthday sa isang number na may bilog. Pasensiya na at 'yan lang. Hindi ko naman kasi alam paano ang gagawin kapag may birthday. Binibilhan rin lang naman ako ni Daddy ng cake at pagkain at nag-ce-celebrate kaming dalawa. Kaya naisip ko na iyon rin ang gawin ngayon." Nakamot ko na lang ang leeg pero ngumiti rin kinalaunan. "Happy birthday, Jane." Bati ko rito.

Nagulat naman ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. "Salamat. Hindi ko pa naranasan yung ganito. Hindi ko pa naranasan na isorpresa ng ibang tao." Saad nito. Pinahiran ko naman ang luha niya na dumadaloy papunta sa pisngi niya.

"Pinaiyak na naman kita." Saad ko saka bumuntong-hininga. Agad naman nitong pinahiran mismo ang sariling mga luha saka ngumiti sa akin ng sobrang tamis.

"Masaya lang ako." At bakas iyon sa boses mo...

"Edi magcelebrate na tayong dalawa." Sambit ko saka hinigit siya papunta sa kama.

Nagsimula naman kaming kumain na dalawa ng mga binili kung pagkain. Dalawa lang kami pero ang saya naman kahit papaano.

Natatawa ako lagi kapag naiinis ko siya. Ang sayang tingnan yung maganda niyang mukha na hindi nawawalan ng matamis na ngiti.

Iyong soda ang ginawa naming beer at nagcheers pa talaga kaming dalawa saka sabay na natawa. Naglagayan rin kami ng icing sa mukha. Iyon at tawang-tawa naman siya na parang bata.

"Tama na. Tama na. Ang sakit na ng tiyan ko." Saad niya habang nakahawak sa tiyan at naiiyak na sa sobrang kakatawa.

Pero nagulat ako ng muntek na itong mahulog sa kama kaya agad ko naman siyang hinigit dahilan para mapayakap ito sa akin.

"Be careful." Saad ko habang nakatingin sa mukha niya na sobrang lapit sa akin.

Pero mas lalo akong nagulat nang bigla na lang nitong inilapit ang labi sa labi ko habang nakapikit ang mga mata. Nang makabawi sa pagkagulat ay napangisi ako at agad rin na iginalaw ang labi ko habang marahan siyang inihiga sa kama at pinalalim lalo ang halik.

Damn! I really like her lips.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon