28

68 3 1
                                    

Last day of exam na ngayong araw. Dalawang teachers na lang ang magbibigay ng exam at pagkatapos nun ay balik na ulit sa dati na hindi na masyadong stress.

Kasalukuyan kami ngayong sumasagot sa una naming exam para sa ngayong araw. Kagaya ng nakasanayan ay tahimik na naman ang buong room. Walang lingunan o tanungan man lang.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 9:00 AM pa lang. 8:00 AM pa lang kanina ay nagsimula na kami. Pagdating ng ten o'clock mamaya ay may dadating na panibagong teacher para magbigay ng exam. Sunod-sunod  ngayong araw yung exam. Mabuti dahil mamayang hapon ay wala na kaming sasagutan. Ang masama dahil hindi pa nakakapaghinga ang utak mo ay may isa na naman.

Kasalukuyan na ako ngayong nasa last part na ng exam at matatapos na ako.  Nilaro-laro ko na lang muna ang ballpen ko gamit ang daliri habang nakatingin sa problem.

Nagsimula naman akong magsolve sa papel gamit ang formula na naiisip kung tama at napabuntong-hininga ng mali iyon. Umulit ako sa panibagong papel at sinolve gamit ang isa pang formula ba itinuro rin sa amin at sa pagkakataong ito ay nakuha ko naman ang sagot matapos isolve ang isang problem na kasya sa dalawang papel. Wews.

Sa ikalawang problem ay ibang formula na naman ang kinakailangan kaya ginamit ko naman iyong itinuro rin ng nakaraan at nakuha ko rin ang sagot.

Nagtuloy-tuloy na iyon hanggang sa makarating ako sa last problem na hindi ko talaga makuha ang  formula kahit na ginamit ko na yung mga formula na naiisip ko.

Nilaro ko pa ulit sa daliri ko ang ballpen at saka napabuntong-hininga ng maalala yung pinakaunang formula na itinuro ng Miss dati. Muntek ko ng makalimutan dahil matagal na rin iyon. Tss.

Nang tuluyan matapos ay tumayo na ako at pumunta sa harapan para ipasa yung papel ko saka bumalik sa upuan para kunin na ang gamit ko at dumeritso na muna sa labas sa may bench.

Hindi na kami puwedeng umalis dahil maya-maya lang ay may panibagong exam pa kaming kukunin. Hindi na makakakuha ang late. Isa iyon sa rules.

Nasa bench na si Derk at Art na siyang naunang natapos. Naupo na rin ako saka isinandal ang likod doon.

"May pupuntahan ka ba mamaya, pre?" Tanong ni Art at binigyan ako ng chichirya.

"Bakit?" Tanong ko naman habang nakapikit pa rin ang mata.

"Arat inom." Aya niya.

"Pass ako. Sa susunod na lang." Saad ko.

"Palagi ka na lang sa susunod, Peach. Hindi ka na sumasama sa amin simula nung nag-ano kayo ni Cris. May lihim pa rin ba kayong tampuhan?" Tanong niya pa.

"Dami mo talagang alam. Wala kaming lihim na tampuhan, okay? Sa susunod talaga. Ako mismo tatawag para uminom." Saad ko.

"Totoo 'yan, ah?" Paninigurado pa niya.

"Oo nga. Tss."

"Naninigurado lang. Baka hindi ka na sumama ulit sa amin, eh."

"Bakit naman hindi ako sasama sa inyo?" Natatawang tanong ko.

"Baka kasi umiiwas ka kay Cris."

"Pft. Dami mo talagang alam. Kumain ka na nga lang. Ayang si Derk yung inisin mo. Magpapahinga muna ako." Saad ko at ipinikit ulit ang mata at isinubo ang huling chichiryang hawak.

Nagsalpak ako ng earphones sa tenga saka umidlip na muna para maipahinga ang utak ko. Sumasakit yung utak ko kapag nagagamit masyado.

Nakaidlip nga ako pero agad rin na napamulat ng mata nang maramdamang may gumagalaw sa tabi ko. Nang tingnan ay nasa gilid ko na si Cris at nakikipagharutan kay Art na isa ring makulit.

Kinuha ko naman ang earphones ko saka humikab at napatingin sa oras. Magte-ten na...

"Pahingi ako nito." Saad ko saka kumagat sa hawak ni Cris na chocolate. Palaging kumakain ng chocolate 'to eh lalo na kapag ganitong may exam.

"Kamusta tulog?" Natatawang tanong niya.

"Idlip lang 'yon." Saad ko at kumagat ulit sa chocolate niya.

"Halos kalahating oras din 'yon. Tulog na 'yon." Saad niya pa.

"Idlip."

"Tulog!" Matigas na saad niya. Balak ko sanang kumagat ulit pero inilayo niya iyon kaya napabuntong-hininga ako.

"Tulog nga. Ano ba sabi ko?" Ayon at inilapit niya naman ulit ang chocolate sa akin. Masyadong topakin talaga. Tss.

Uminom na ako ng tubig ng makitang paparating na ang Miss na magbibigay ng sunod na exam. Nagsibalikan na kami sa loob ng room  at hinintay siya na makapasok. Kagaya kanina ay natahimik naman na kaming lahat at hindi na nakapag-usap pa ng magsimula na ang exam. Kaniya-kaniyang sagot na ulit.

Hindi kagaya kanina ay mas madali na lang itong ikalawang exam na kinukuha namin ngayon.  Kaya tuloy-tuloy lang ang pagsagot ko. At wala na ring mga problem na ico-compute mo pa.

Mabilis na lumipas ang mga oras habang sumasagot ako. Hindi ko na rin namalayan at patapos na ako.

Sa pagkakataong 'to ay nauna na akong natapos kaya tumayo na ako at agad ng kinuha ang mga gamit ko sa upuan ko saka dumeritso sa labas.

Hihintayin ko muna sila bago umuwi para makapagpaalam.

Naupo ulit ako sa bench at tiningnan ang cellphone pero wala pa ring tawag. Busy na naman ata...

Mas pinili ko na lang na manatili doon at nag-sound trip na lang muna habang wala pa sila at napapatingin sa mga teachers na dumadaan.

Maya-maya pa ay nakita kung lumabas na rin si Derk. Ang isang 'to grabi talaga sa bilis, eh. Nag-usap naman muna kami dalawa para hindi mabagot. Sa ganoong paraan lang namin pinalipas ang oras hanggang sa tuluyan na ngang makalabas ang lahat. Walang iwanan dito, eh.

Dahil wala naman na kaming gagawin dito ay dumeritso na kami agad sa parking lot para umuwi na rin. Nagsipaalaman pa sandali bago kami tuluyang umalis isa-isa.

Ako naman ay agad ng dumeritso sa café kagaya na ng nakasanayan. Halos araw-araw ko ng ginagawa 'yon kaya kilala na ako ng may-ari.

Dark Forest naman ngayon ang binili ko para sa kaniya at chocolate na milktea. Tiyak ba magugustuhan niya iyon.

Masayang itinigil ko naman ang sasakyan ko at balak na sanang lumabas ng biglang makita si Jane dahilan para matigilan ako at mapako na lang sa kinauupuan ko.

Mahigit sampung metro ang layo ko mula sa kaniya pero alam kung siya 'yon.

She's with a guy.

They're kissing.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon