"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jane.
"Ah... Nag-aya kasi yung mga kaibigan ko na pumunta sa bar." Sagot ko habang inaayos ang t-shirt ko.
"Bar? Iinom kayo?" Tanong niya.
"Kunti lang iinumin ko."
"Paano kapag nadisgrasiya ka?" Alalang tanong niya.
Ngumiti naman ako saka pinat ang ulo niya. "Hindi ako umiinom ng hindi ko kaya, okay? Don't worry too much. Pangako, buo akong uuwi rito mamaya." Saad ko pa habang nakayuko dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa.
"Oh sige... Huwag kang magpapagabi masyado." Bilin pa niya.
"Wala ba akong kiss diyan?" Tanong ko. Agad naman ako nitong sinimangotan kaya natawa naman ako. "I'm just joking."
"Basta mag-iingat ka, ah."
"Oo nga. Sige na, aalis na muna ako. Baka hinihintay na ako ng mga kasama ko." Saad ko at pinisil pa ang pisngi niya bago tuluyang umalis.
Sumakay ako sa big bike ko at pinaharurot na iyon papunta sa bar na sinabi ng mga tukmol.
Nang makarating ay agad naman akong napatingin sa taong pumapasok. Marami iyon at halos ay ka-edad ko lang yung iba.
Napabuntong-hininga naman lang ako saka kinuha na ang susi ko at naglakad papasok sa loob ng bar.
Maya-maya ay nakita ko naman agad sila Art at ang iba kaya lumapit na ako sa kinaruruunan nila pero pag-upo ko ay napunta kaagad ang paningin ko sa babaeng nasa tabi ni Cris.
Hindi ko kilala. Sino kaya siya?
Pero pinagsawalang bahala ko lang din iyon at nakipag-usap na muna ako sa iba naming kasama. Hinintay pa muna namin iyong iba bago magsimulang uminom.
"Mga pre may sasabihin pala ako." Napatingin naman kami sa kaniya ng sabihin niya iyon.
Nakangiti ito at huminga pa muna ng malalim bago muling nagsalita. "This is Leneth. Siya na yung babaeng seseryusuhin ko." Saad niya dahilan para matahimik naman kaming lahat.
Parang natunaw lahat ng saya sa katawan ko. Parang nawala ang sigla sa mga ugat ko. Biglang nawala lahat at napalitan ng lungkot at kirot.
Bakit...
Sinasabi ko na eh... Iba ang pakiramdaman ko. Nang sabihin niya pa lang na may ipapakilala na ito ay nagduda na ako pero hindi ko na rin inisip pa iyon. Pero ngayon... Alam ko na.
"S-Seryuso ka na ba diyan, pre?" Tanong ni Derk at sinulyapan pa ako.
Alam niya ng may gusto ako kay Cris. Narinig niya kaming nag-uusap noon ni Patricio... matalik rin na kaibigan ko. At kinomperma niya iyon mismo sa akin at sinabi ko naman ang totoo. Halos tatlong taon niya na rin na alam at itinatago sa iba naming tropa ang katotohanan na iyon.
"Oo. Siguradong-sigurado na ako." Sagot pa ni Cristoff.
Natahimik naman ako at hindi na nagbago ang reaksiyon. Nakatingin lang ako sa kaniya.
Pinasaya mo'ko ng ilang sandali tapos sasaktan naman pala ako ulit.
"T-Talaga? Eh, paano yung mga naiwan mo. Haha..." Biro ni Derk at nagsitawanan naman sila.
"Tsh. Wala naman akong seneryuso maski isa ro'n, eh." Sagot nito.
Kaya panatag ang loob ko dahil alam kung wala kang seneryuso kahit isa sa kanila. Pero ngayon... natatakot na ako.
Baka isang iglap ay mawala ka na lang sa akin.
"Dapat ngang e-celebrate yan, pre. Inuman na!" Sigaw ni Art at nagsimula na nga silang mag-inuman.
Parang wala na akong ganang uminom ngayon. Halos hindi ko pa nakakalahati ang beer na hawak.
Nagpatuloy ang inuman at iyong iba ay nasa kabilang table na at nakikipaglandian sa mga babae. Habang ako naman ay nananatiling nasa bracelet lang ang paningin at paminsan-minsan ay lumalaghok ng beer para hindi mapaghalataang walang gana.
"Cr muna ako." Paalam ni Cris at umalis.
Inubos ko naman muna ang laman ng beer ko saka tumayo na rin at sinundan siya.
Naghintay naman ako sa gilid ng banyo habang nakasandal sa pader at nasa bracelet pa rin ang paningin.
Mukhang hindi 'to magtatagal sa kamay ko, ah...
Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya napunta naman doon ang paningin ko. "A-Anong ginagawa mo dito, Peach?" Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ako pero agad din na ngumiti.
"May sasabihin lang ako sa'yo." Saad ko saka umayos ng tayo at tiningnan siya ng seryuso. "Cris... seryuso ka na ba talaga sa kaniya?" Tanong ko dahilan para matigilan naman ito ng ilang sandali pero ngumiti rin kinalaunan.
"Oo naman. Sinabi ko na 'yon kanina---"
"Gusto kita." Seryusong saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. Mas lalo naman itong natigilan kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Mula noon ay gusto na kita. Tinago ko iyon dahil ayaw kung masira yung pagkakaibigan natin. Pero kanina nang marinig kung seseryusuhin mo na ang babaeng iyon ay hindi ko na ata kinaya kaya napagdesiyonan ko ng umamin." Saad ko.
Natahimik naman ito ng ilang sandali saka natawa. "A-Anong biro 'yan, Peach? Lasing ka na ba?" Tanong nito.
"Hindi ako nagbibiro at hindi ako lasing." Seryusong saad ko.
"Hindi... Hindi... Hindi puwede, Peach. Alam mo namang bawal--"
"Alam ko. At handa akong labagin ang batas na 'yon para sa'yo. Sabihin mo lang na gusto mo rin ako---"
"Tama na! Ano bang kahibangan 'to, Peach?!" Sigaw niya dahilan para ako naman yung magulat.
"Sinasabi ko lang ang totoo, Cris. Hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong-gusto kita! Putangina... At ngayon ay sobrang nasasaktan ako dahil may babae ka na namang ipinakilala at sinabi mo pang seseryusuhin mo na. Tangina... Cris, sabihin mo lang yung mga salitang 'yon at ipaglalaban kita."
"Hindi... Hindi puwede." Natigilan naman ako sa naging sagot niya. Basta na lang tumulo yung mga luha ko."Wala akong gusto sa'yo."
Parang bumaon iyon sa puso ko. Para akong nanghina dahil sa sinabi niya. Sunod-sunod na tumulo yung mga luha ko matapos marinig iyon.
Nilakasan ko na ang loob ko at humugot ng isang malalim na hininga at deritsong tumingin sa mga mata niya. "Ulitin mo. Sabihin mo ang mga salitang iyan habang nakatingin ng deritso sa mga mata ko. Kapag nagawa mo, titigilan ko na ang kahibangan na 'to." Seryusong saad ko.
Umiling naman ito. "Peach..."
"Sabihin mo!" Sigaw ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga mata niya.
"H-Hindi... Hindi kita gusto..." Mahinang saad nito pero rinig ko pa rin.
Napatango-tango naman ako saka bumuntong-hininga at pinahid yung mga luha ko. Nang tuluyan ng tumigil ang mga iyon ay saka ako humarap ulit sa kaniya. "Magpanggap ka na lang na walang narinig at walang alam. Ganoon na rin ang gagawin ko. Magpanggap ka na walang nangyari ngayon." Saad ko saka tumalikod at naglakad pero agad ring napatigil at humarap ulit sa kaniya at hinubad ang bracelet na kanina niya lang ibinigay. "Ibabalik ka rin sa'yo 'to. Hindi ko kailangan niyan." Saad ko at inihagis iyon papunta sa kaniya at nasalo niya naman. "Hindi mo ako gusto puwes hindi na rin kita gusto. Bukas na bukas ay wala na 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Kaibigan na lang ang turing ko sa'yo at hinding-hindi na ulit magbabago 'yon kahit ano pang gawin mo."
"Peach..." Narinig ko pang tawag niya sa pangalan ko.
"Huwag kang mag-alala. Walang magbabago sa grupo o sa atin." Saad ko pa at tuluyang umalis at ng makalayo ay agad na akong tumakbo papalabas at sumakay na lang basta sa big bike na dala at hindi na pinansin ang mga tumatawag sa akin.
Minsan ayaw ko talagang maging masaya... Dahil alam kung may lungkot at sakit agad na kapalit ang kasiyahang iyon.
Ahhh! This hurts.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...