"Doon tayo." Turo ko sa store na puro G*cci yung binibenta. From hat, dress, shirts, shoes, and other more stuffs.
I like G*cci.
Pumasok kami ro'n at agad kaming sinalubong ng matamis na ngiti ng sales lady lalo na ng makita ang magkahawak na kamay namin ni Cris. Ayaw niya na talagang bitawan.
Naglibot-libot naman kami ng bigla akong tumigil at pumunta sa kanan pero tumigil din si Cris at pumunta rin sa kaliwa kaya nagkatinginan naman kami.
"I will take a look for the crop top and skirt."
"I will take a look for this pants and the t-shirt."
Magkasabay na saad namin kaya nagkatinginan naman kaming dalawa at napunta sa mga damit na tinuturo namin ang paningin. Iyong tinutukoy niya ay crop top na kulay yellow at checkered na skirt na yellow at itim ang kulay. Habang ang balak ko sana namang tingnan ay iyong puting top na t-shirt na may maliit na tatak ng G*cci sa kanang dibdib. Saka itim na pants na may six packets.
Ngumisi naman kaming dalawa ng malaman ang iniisip ng isa't-isa saka nailing na lang. "Kapag nagkasiya sayo 'yan ay susuotin ko. Ganoon din kapag nagkasiya sa'kin 'tong nakita ko susuotin mo rin." Saad ko.
"Deal." Tatawa-tawang sagot niya naman.
"Saan puwedeng magsukat dito, Miss?" Tanong ni Cris ng makuha na yung damit. Natatawa na agad ako habang nakatingin doon.
"Doon po, Sir." Turo sa pinto.
"Tara." Aya ko sa kaniya kaya napanguso naman siya pero natawa rin.
Dumeritso na kami sa papunta sa kuwartong iyon kung saan puwedeng magpalit. Dalawang pinto na magkatabi iyon. Isa para sa lalaki at isa para sa babae.
Pagpasok ko ay balak ko na sanang isarado ang pinto nang biglang itulak iyon ni Cris at pumasok at agad na inangkin ang labi ko at siya na ang nagsarado ng pinto. Agad naman akong tumugon sa halik na iyon na sa una ay sobrang bagal na pero masyadong nakakapigil hininga na kalaunan ay bumilis hanggang sa tuluyan kaming maghabol ng hininga na dalawa. Magkatinginan naman kami ng ilang sandali habang naghahabol pa rin ng hininga. Wala sa sariling nadilaan ko ang labi ko habang nakatingin sa mga labi niya.
"I like that kiss." Usal ko.
"Then can we do it again?" Tanong nito dahilan para tumaas naman ang gilid ng labi ko.
"Ofcourse. I like kissing---" Saad ko at agad na napapikit at napasandal sa likod ng pinto ng halikan ako nito ulit sa ganoon pa rin klase ng paghalik. Para bang tinutukso ako nito dahil sa sobrang bagal niyon pero patagal ng patagal ay bumibilis ito at lalong lumalalim at natitigil lang kapag nangangailangan na talaga kami ng hangin.
That was amazing.
"I will change now. You too." Naghahabol ang hiningang saad niya habang nakatingin pa rin sa mga labi ko.
"Geh." Iyon lang ang nasabi ko. Umatras naman ito at pinihit ang door knob pero agad ring bumalik at hinalikan pa ulit ang labi ko saka tuluyang umalis.
Nadilaan ko na lang ang sariling labi ko saka napailing na lang at pumasok na sa isang cubicle na naroroon saka doon nagpalit ng damit. Nang matapos ay agad naman akong lumabas sa pintong 'ypn para pumunta sa salamin na malaki na nasa labas. Pero agad na natawa ng makitang andoon na si Cristoff at suot-suot yung crop top at skirt. "HAHAHAH. Bagay sayo, pre." Natatawang saad ko.
"Don't call me, pre." Nakangusong saad niya."
"Eh, ano ba dapat?" Tanong ko at tumabi sa kaniya.
"Babe." Saad niya na may matamis na ngiti.
"Sige, babe." Sagot ko kaya mas lalo namang lumapad ang ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. "Nasasakal ako, babe." Saad ko at mahinang sinampal ang likod nito kaya nabitawan naman ako nito. Nginiwian ko lang siya dahil sayang-saya talaga siya.
Babe? Sound so cliche.
"Bagay sa'yo kaso sa'kin mapupunta 'yan." Nakangising saad niya habang nakatingin sa damit na suot ko.
"Madami na akong ganito." Saad ko saka napatingin sa kaniya saka natawa na naman at mas lalo pang tumawa dahil sa itsura niya. It's cute. Pft. Dammit!
"Huwag mo nga akong tawanan! Kasiya sa'kin kaya bibilhin mo'to at susuotin." Saad niya kaya natigilan naman ako sa pagtawa at siya naman ang tinawanan ako.
"Ang cute niyo pong tingnan na dalawa." Saad ng sales lady na nasa gilid.
"Nakakakilig!" Saad pa ng isa na nakatingin rin sa amin na animo'y kinikilig pa.
"Narinig mo? Narinig mo? Ang cute raw natin, babe." Sayang-saya na saad niya pa.
"Oo na. Oo na. Magbihis na nga tayo ulit. Madami ng nakatingin sa'yo." Saad ko at tinabunan ito dahil nakikita ang taas ng dibdib niya at ang baba ng hita niya.
"Selos ka ba, babe?" Tanong niya naman at tinusok-tusok pa ang gilid ko.
"Hindi, babe! Ang laswa mo lang talagang tingnan. Magpalit ka na ro'n." Napanguso naman siya at sinamaan akong tingnan at alam ko na ang sunod niyang gagawin kaya hindi niya pa man din nasasabi iyon ay hinalikan ko na ang labi niya para patahimikin siya. "Magbihis ka na, babe!" Tinigisan ko talaga ang huling salita. Ayon at ngiting-ngiti na naman siya ulit saka pumasok na sa loob ng pinto.
Napabuntong-hininga na lang ako saka pumasok na rin sa pinto at dumeritso sa cubicle matapos kunin ang damit na suot kanina. Nagpalit na ako saka agad ring lumabas dala-dala yung damit at dinala na iyon sa counter para mabayaran na. Maya-maya ay dumating na rin ang kasama ko at binayaran rin ang damit na dala saka tuluyan ng lumabas doon.
"Uwi na ba tayo?" Tanong ko.
"Oo pero pagkatapos lang nito. Punta muna tayo ro'n." Turo sa isang store kaya tumango naman ako at nakasunod lang sa kaniya. Na-curious naman ako sa kung anong bibilhin niya at ng makitang keychain iyon ay napangiti na lang ako. Tuweng nagmo-mall kaming dalawa ay hindi talaga iyon nawawala. Keychains. Matapos bayaran ay humarap naman ito at iclinip sa buhok ko ang keychain na binili. Double purpose kasi iyon. Puwedeng keychain at puwedeng pang-ipit sa buhok. Nilagyan niya rin ang sarili kaya napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali at agad ring natawa. "It suits you." Saad niya pa habang nakatingin sa akin. Naglalakad na kami palabas ng mall ngayon.
"Tss." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko pero hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti.
Date without label, huh? Pft. It reminds me of friends with benefits back then.
But... I'm happy.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...