25

69 3 0
                                    

Andito kami ngayon sa gym dahil P.E. nga namin. Basketball ngayon ang nilalaro namin. Hindi talaga ako marunong magbasketball noon pero dahil sa kakaturo sa'kin nitong mga tropa ko eh nasanay, natuto at gumaling.

"Pasa." Sigaw ni Cris na nasa kalaban kung grupo. Ako ang babantay sa kaniya.

Napunta naman sa kaniya ang bola kaya agad naman akong dumepensa pero ngumisi lang ito at bigla na lang nag-step back at pumuwesto para tumira. Tumalon naman ako pero huli na at hindi ko na nahawakan ang bola. Napatingin naman ako sa ring at pumasok yung bola. "Galing ko ba?" Tanong niya.

"Tss." Tumakbo na ako ulit at nakasunod naman ito sa akin. Ipinasa naman sa akin ni Derk ang bola kaya napabuntong-hininga naman ako saka napatingin sa harapan ko kung nasaan si Cris ngayon at binabantayan ako. Ngumisi naman ako at agad na gumalaw pasugod sa kaniya at drinibble ng mabilis ang bola at tumakbo pakanan at agad naman akong binakuran ng dalawa pa. Ipapasa ko naman sana kay Derk pabalik yung bola dahilan para doon naman sila pumunta pero tumigil ako sa paggalaw at pasimpleng ipinasa mula sa likod ko ang bola dahilan para mapunta kay Cyx ang bola. Ngumisi naman ako ng makitang pumasok na ang bola sa bunganga ng ring. "Galing ko ba?" Tanong ko kay Cris.

"Tch. Ang daya mo."

"Anong daya ro'n?" Natatawang tanong ko.

"Sama ng ugali mo." Saad niya at iniwan ako.

Tss. Topakin talaga kahit kailan.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalaro at kagaya kanina ay nag-aangasan pa rin ang bawat grupo. Nakikinood na rin iyong ibang strand na walang ginagawa at naghihintay ng teachers nila.

Matapos ang mahigit isang oras na laro ay tuluyan na kaming natapos at parehong naghahabol ng hininga at pawis na pawis na naupo sa sahig dahil mag-che-check pa si Sir ng attendance.

Panalo... sila.

"Galing ko ba? Galing ko ba?" Pangungulit pa ni Cris na nasa tabi ko habang sinusundot pa yung gilid ko. Hindi pa rin maka-move on sa pagkapanalo nila.

"Tss."

"Anong tss? E-congratulate mo'ko!" Pangungulit pa niya at hindi pa nakontento at niyugyog ako.

"Edi congrats! Masaya ka na---" Tanong ko at humarap sa gawi niya pero agad ring napatigil nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't-isa.

"Oo, masaya na ako." Saad pa niya at ngumiti ng sobrang lapad.

"Tss." Ibinalik ko na lang ang tingin sa harap saka uminom ng tubig.

"Ang hot ko ba para mapainom ka talaga ng wotah?" Tanong pa niya kaya hindi ko naman napigilan ang sarili na matawa at tumingin ulit sa kaniya.

"Anong wotah? Tangina, ikaw ba 'yan peppa pig?" Tanong ko rin habang natatawa.

"Sabi ng kapatid ko. Wotah daw talaga 'yon. Ayaw niyang maniwala na water kasi dapat wotah. Sosyal siya, eh." Sagot niya. Natawa naman kami pareho saka napailing-iling na lang.

Masyadong mahilig manood ng peppa pig yung kapatid niyang bunso na babae. Kaya ayon at ginagaya na rin pati yung pananalita ni peppa.

Nang matapos mag-attendance ay dumeritso na kami sa cafeteria para bumili ng makakain.

"Set B- 22." Saad ko kaya agad namang kinuha ng tindera iyon.  Tumingin naman ako sa iba kung kasama. "Bayad niyo?" Tanong ko sa kanila. Napanguso naman sila saka kaniya-kaniyang bigay ng bayad.

Tss. Akala yata ililibre ko na naman. Ang daming pera pero ang kukuripot.

Maya-maya pa ay tig-iisang ibinigay na ng tindera yung order sa akin na ibinibigay ko rin sa iba. Ang panghuli na lang ang kinuha ko saka nagbayad na at umalis na roon.

Dumeritso kami sa room habang dala-dala pa rin ang pagkain namin. Wala pa namang teacher na dumadating at kung meron man... kakain pa rin ako. Gutom ako kaya walang makakapigil sa akin.

Nagtsismisan na naman yung mga tukmol na mga kasama ko habang kumakain. Tungkol pa rin sa mga walang kuwentang bagay kagaya ng dati yung pinag-uusapan nila.

Naglagay lang ako ng earphones sa tenga at kumain lang ng chips na hawak. Tiningnan ko kung may missed calls or messages pero wala maski isa. Napabuntong-hininga na lang ako pinatay na iyon saka nagpatuloy na lang sa pagkain.

Makaraan ang ilan pang minuto ay dumating na yung Miss at nagturo na naman. Recitation na naman. At gano'n lang hanggang sa sumunod pang mga subjects.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng uwian na. Makakauwi at makakapagpahinga na rin.

"Una na'ko." Paalam ko sa iba saka sumakay na sa kotse ko at tuluyan ng umalis doon.

Kagaya ng araw-araw kung ng ginagawa... Tumigil ako sa café para bumili ng cake. Maybe a strawberry for today? Hm...

"Oh, you're here. What cake for today?" Tanong agad ng lalaking siyang may-ari pala nitong café. Siya yung palaging tumatao sa counter.

"Maybe a strawberry one?" Saad ko. Napatango-tango naman siya at itinuro sa akin iyon. Bumili naman ako ng tatlong slice at milktea para kay Jane.

Matapos n'on ay agad na akong umalis at dumeritso sa bahay. Ipinara ko na kaagad ang sasakyan ko saka pumasok na sa loob at agad na hinanap siya at naabotan ko itong naglilinis sa taas.

"Andito ka na pala."

"Hm. Here. Let's eat it." Nakangiting saad ko at hinawakan ang kamay niya at dumeritso na sa kusina.

"Ano ba 'yan?" Tanong niya.

"Food." Saad ko saka kumuha ng plato at inilagay na doon ang cake saka ibinigay sa kaniya ang milktea.

"Wow!" Namamanghang saad niya habang nakatingin doon kaya napangiti naman ako at senenyasan siya na kumain. "Paano ka?"

"I'm full." Sagot ko naman at pinanood lang siya na kumain ng magana.

She's really pretty even she's eating.

"Hala! Ang sarap din nito." Saad niya habang tinuturo ang cake. Ngumiti lang naman ako saka nagpatuloy lang sa pagtitig sa kaniya.

Kahit saang banda siya tingnan ay ang ganda niya. From her eyes, nose, lips and even her eyelashes.

Damn.

"Ang ganda mo..."

"H-Ha?" Gulat na saad niya.

Umuling lang naman ako saka ngumiti. "Nothing. Just continue eating, Jane."

"Pinapataba mo ako na ako, eh." Nakangusong saad niya kaya natawa naman ako at pinisil ang pisngi niya.

"You're still prett though." Saad ko kaya pinamulahan naman siya saka nagpatuloy na lang sa pagkain.

Isn't she adorable?

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon