23

74 3 0
                                    

"What the hell?!" Galit na sigaw ko at dali-daling lumabas ng kotse at pinuntahan agad si Jane na nasa labas na ng bahay at umiiyak. "Anong ginagawa mo sa kaniya, Mom?" Kunot-noong tanong ko at nagtaas ng tingin sa kaniya.

"She stole my earrings." Kalmadong sagot niya habang nakatingin sa akin.

"P-Pardon?" Tanong ko pa ulit dahil parang biglang nabingi ang tenga ko.

"She stole my earrings. I caught her in my room but she keeps on denying. I'm not an idiot to believe her lies." Sagot niya pa ulit kaya nagpunta naman kay Jane ang paningin ko.

"You did that?" Tanong ko sa kaniya agad naman itong umiling habang umiiyak.

"H-Hindi ko magagawa 'yon. Maniwala ka, Peach. H-Hindi ko kayang gawin 'yon sa inyo." Umiiyak na saad niya.

"I know. I know. Tahan na." Ipinahid ko ang mga luha niya at inayos ang buhok niya dahil nagkalagulo-gulo na iyon.

"You can go, Jane. Hindi ako nagpapatira ng ahas sa pamamahay ko." Saad ni Mommy.

"She will stay here!" Matigas na asik ko.

Tiningnan lang naman niya naman ako saka nagkibit-balikat. "Bahala ka na sa buhay mo. I'll just locked my room and your dad's room and we're fine. Bahala ka ng magpauto riyan sa babaeng 'yan. Total mahilig ka naman sa mga ganiyang klase ng tao." Saad nito at naglakad na pero tumigil rin sandali. "Huwag na huwag ka lang iiyak kapag nalaman mo na ang totoo gamit 'yang mismong mga mata at tainga mo, Peach" Tiningnan pa ako sandali sa nailing. "What a fool." Dagdag pa niya at tuluyang umalis.

Tss.

Naiinis lang kay Jane 'yon dahil ito na ang kakampi at kasama ko ngayon sa bahay.

"Are you okay?" Tanong ko sa kaniya.

"A-Ayos lang ako. P-Pero baka palayasin ako ng Mommy mo... A-Ayaw ko, Peach. Ayaw ko..." Umiiyak sa saad nito kaya agad ko naman siyang niyakap at hinagod ang likod niya.

"It's okay. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon." Saad ko. Ipinasok ko na ulit siya sa loob at pinaupo sa sofa saka kumuha ng first aid at ginamot ang mga gasgas niya sa tuhod.

"Bakit sinabi ni Mommy na nakita ka niya sa kuwarto niya, Jane?" Tanong ko sa kaniya habang ginagamot siya.

"N-Naglilinis kasi ako... Tapos napulot ko yung hikaw niya sa ilalim ng cabinet pero bigla siyang dumating at pinagkamalan akong ninanakaw iyon. T-Tapos kinaladkad niya ako palabas ng bahay..." Pagku-kuwento niya kaya napatango-tango naman ako.

"I'm sorry." Saad ko saka napabuntong-hininga. "Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Momny sa'yo. Siguro nagalit ito sayo dahil naging malapit ka sa akin."

"A-Ayos lang... Naiintindihan ko naman siya, eh. Ayaw niya lang mapalapit ang anak niya sa isang kagaya ko..."

"Kagaya mo?"

"Mahirap... Maid.. Utusan---"

"Tsk. Don't say that. At higit sa lahat ay wala namang masama sa pagiging isang maid. Marangal na trabaho 'yon." Saad ko saka tinapos na ang ginagawa ko. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman ito.

Dinala ko naman siya sa kusina at dahil marami namang pagkain doon ay inihanda ko na lang iyon para sa kaniya at pinanood siyang kumain. Namumula pa rin ang gilid ng mata niya pero hindi na siya umiiyak.

Nang matapos ay dumeritso na kami sa kuwarto at nanood ng palabas para hindi niya na masyadong maalala ang nangyari dahil baka umiyak na naman siya. Pinili ko iyong comedy na palabas kahit ako mahilig doon masyado. Pero okay lang rin dahil tumatawa na siya ulit kagaya ng nakasanayan ko.

Ako yung nasasaktan kapag nakikita siyang umiiyak.

Nanatili lang kami ro'n at hindi na bumaba pa. Baka pag-initan na naman ni Mommy mamaya si Jane kapag nakita niya. Pero baka umalis na rin 'yon. Tss. Ayaw na ayaw n'on na nakikita ako. Mas lalo lang nasisira ang mood niya.

Hindi ko na namalayan ang oras at halos 10 PM na ng tingnan ko sa relo ko. Nakatulog na rin si Jane sa kama ko kahit hindi pa natatapos yung bagong pinapanood namin. Pinatay ko na kang ang TV at hindi na siya ginising pa at hinayaan na lang muna siya na matulog.

Pumunta ako sa baba at kumuha ng isang can ng beer saka naupo sa isang silya. Maya-maya ay biglang nagring yung cellphone ko at ng tingnan ay si Cristoff ang tumatawag. "Oh?"

"Arat inom." Aya niya.

"Umiinom na'ko ngayon." Saad ko kaya natahimik naman siya sandali sa kabilang linya.

"May problema ka ba?" Tanong niya matapos ang mahabang sandali ng katahimikan.

"Si Mom... Sinaktan kanina si Jane at pinagbintangan na magnanakaw." Saad ko saka lumaghok ulit sa beer na hawak.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.

"Nakita raw ni Mommy si Jane sa kuwarto at hawak-hawak yung hikaw niya. Nang tinanong ko naman si Jane kung ano ba talaga ang nangyari ay sinabi niyang naglilinis raw siya sa kuwarto ni Mommy at tyempong nahanap yung hikaw at biglang dumating si Mommy at kinaladkad na si Jane palabas." Kuwento ko sa kaniya at napabuntong-hininga na lang din kinalaunan.

"Problema nga 'yan. Lalo na at pareho silang importante sa 'yo... Pero hindi naman nagsisinungaling si Tita, diba? Base sa personality niya ay hindi siya gagawa ng kuwento. Strict siya pero hindi siya gano'n." Saad ni Cris at napatango-tango naman ako.

"Tama ka. May point ka sa sinabi mo pero kilala ko rin si Jane. Hindi nga makabasag pinggan 'yon, eh. Hindi niya magagawa 'yon. Tss. Ewan. Hindi ko na alam."

"Anong nangyari kay Jane? Pinalayas ba siya ni Tita?" Tanong niya pa.

"Parang hahayaan ko naman na mangyari 'yon. Andito pa rin siya sa bahay ngayon. Ayon at tumahan na rin sa kakaiyak at natutulog na rin." Sagot ko at itinapon sa basurahan ang can na wala ng laman saka tumayo at kumuha ng panibago.

"Mas magiging awkward ang hangin diyan sa bahay niyo ngayon panigurado." Saad niya.

"Hindi naman tumatagal si Mommy rito sa bahay kaya wala naman sigurong magiging problema."

"Balik lang kayo sa dati, gano'n? Parang wala lang nangyari?" Tanong niya pa.

"Magaling ako sa gano'n. Iyong atin nga nabalik ko sa dati. Ito pa kaya. Tss. Bahala na, pre. Basta hindi ko bibitawan si Jane."

Nahanap ko na yung babaeng gusto ko. Hindi ko na hahayaan na may humadlang na naman.

"Sige. Sige. Kita na lang tayo bukas. Huwag ka rin masyadong uminom ng marami. May 100 item quiz tayo bukas sa isang sub." Paalala niya kaya natigilan naman ako saka napabuntong-hininga.

"Hm. Sige. Sige." Iyon na lang ang nasabi ko at naibaba na ang tawag. Inubos ko na lang ang natitirang laman ng can saka itinapon na rin iyon saka napagdesiyonan na umakyat na sa taas.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon