"Then teach me. I want you to teach me." Seryusong saad ko. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang natigilan dahil sa sinabi ko.
"What the fuck, Cris? You just kissed me and now you want me to teach you how to fucking kiss? What are we? Friends with benefits?" Natatawang tanong niya.
"If that's what you called then it is. Now, teach me." Asik ko habang deritsong nakatingin sa kaniya.
I don't know how to kiss, huh?
"And if I don't want to? What will you do?" Tanong niya.
"Then I will kiss you on my own version." Agad na sagot ko.
"Pft. You're own version, huh? Hindi mo nga mapaungol yung mga babae mo gamit 'yang labi mo. May pa own own version ka pang nalalaman." Natatawang saad nito habang tinuturo ako ng hawak na tinidor. Nanatili lang naman akong seryuso habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"That's why teach me." Saad ko pa.
"Kanino mo ba gagamitin? May bago ka bang chicks kaya gusto mong magpa-impress?" Natatawang tanong niya.
"Sa 'yo." Sagot ko.
Natigilan naman ito at halatang nagulat dahil sa sinabi ko. Sumipol pa ito at bumuka ang bibig pero hindi makapagsalita. Pero maya-maya lang ay tumaas naman ang gilid ng labi niya saka tumitig sa akin ng matagal lalo na sa labi ko saka napatango-tango. "Okay then. I'll teach you." Saad nito at bigla na lang inusog ang upuan niya saka walang ano-ano'y hinalikan ako habang deritsong nakatingin sa mga mata ko.
Ako naman ang nagulat dahil sa ginawa nito dahil hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko inaasahan na tututuhanin talaga nito.
Halos lumabas ang puso ko dahil sa labas ng kabog niyon ngayon.
Ngayon ko lang rin narealize ang ginawa ko! Tangina!
Kaibigan lang dapat, Cris...
Bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo!
Damn it!
And now I and my friend was kissing! Just so fucking nice.
But my mind was now on chaos.
I like kissing Peach... I like her lips moving with mine.
But I need to stop...
Bawal taluhin ang tropa...
But... she's too good in kissing. Dammit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gustong gumalaw ng mga labi ko.
Hinawakan nito ang batok ko at mas lalong pinalalim ang halik dahilan para mas lalo akong mawala sa sarili. And next thing I knew. I'm kissing her too...
Masyadong nakakahibang ang mga labi niya.
Mas lalong naging malalim ang halikan naming dalawa hanggang sa bigla na lang itong tumigil at nadilaan ang pang-ibabang labi. "You're so bad at kissing, Cris." Nakangising saad niya.
"You're a good kisser, Peach." Nasabi ko habang nakatingin pa rin sa mga labi niya.
"Pft. HAHAHAHA. This is amazing. Dammit! Kaibigan ba talaga kita, Cris?" Tanong niya dahilan para mapakurap-kurap naman ako.
Shit!
"I-I'm sorry..."
"It's fine. Your lips is soft. I like your lips though... even you don't know how to kiss. " Saad niya dahilan para matigilan naman ako at nag-angat ng tingin sa kaniya at deritso na itong nakatingin sa akin. "But why did you kiss me? Bakit mo nga ba ako hinalikan, Cris?" Tanong nito dahilan para lalo naman akong matigilan.
Bakit nga ba? Bakit ko nga ba siya hinalikan? It's not my first time kissing her. Hinalikan ko rin ito ng nakaraan. Bakit ko nga ba ginagawa 'yon?
Natahimik naman ako at naikuyom ang sariling mga kamay. Parang hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam anong gagawin ko...
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka tumingin sa kaniya ulit. Tinatagan ko ang loob ko para masabi sa kaniya ang dahilan.
"I like you, Peach." Saad ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya.
Napatango-tango naman ito saka nagkibit-balikat. "Okay." Iyon lang ang sinabi nito at nagpatuloy na sa pagkain ng cake na hawak niya saka natawa at tinuro ako gamit ang tinidor niya. "Tss. Noong gusto kita ay ayaw mo sa'kin tapos ngayong wala na akong gusto sayo ay ikaw naman ang may gusto sa'kin. HAHAHA ang gulo mo, pre." Naiiling na saad niya.
May kung ano sa aking nalungkot ng marinig iyon. Nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.
Kung naging matapang lang sana ako noon. Hindi na sana aabot sa ganito ang lahat...
Bawal taluhin ang tropa?
Kaya ko ring labagin 'yon kaso masyado akong natatakot noon. Masyado akong natatakot sa mga posibilidad...
Pero ngayong naging matapang na ako at sinabi sa kaniya ang totoo... Siya naman itong wala ng gusto sa akin.
"Wala ka na ba talagang nararamdaman sa'kin, Peach?" Tanong ko.
"Meron." Sagot niya saka uminom ng tubig. "Pero hanggang kaibigan na lang talaga. Nang gabing 'yon na sabihin mo sa'kin na wala ka ng gusto ay kinalimutan ko na rin na nagkagusto pa ako sayo. Kinalimutan ko na yung mga nararamdaman ko sa'yo na sobra para sa isang kaibigan. Ewan, pero gano'n ako. Kapag sinabi kung wala na ay wala na talaga." Saad niya saka bumuntong-hininga.
Wala na nga talaga...
"Eh ngayon, hindi ka na ba nasasaktan dahil sa ginawa ng babaeng 'yon sa'yo?" Pag-iiba ko na lang ng tanong.
"Syempre nasasaktan pa rin. Kanina lang nangyari, eh. Iyong babaeng gusto ko pa yung nanloko sa'kin. Pero siguradong bukas ay ayos na ako. Kaunting panahon lang naman ang kailangan ko para kalimotan ang lahat." Sagot niya pa.
"Bakit ka gano'n..." Paunang saad ko saka naupo na ulit sa upuan habang deritsong nakatingin sa kaniya. "Bakit parang ang daling kalimotan ng lahat para sa'yo? Para bang ang dali lang gawin 'yon. 'Yung mga nararamdaman..."
"Sanay na ako. Noon ganiyan rin naman ako lalo na noong bata ako. Dinadamdam ko ng ilang araw at linggo yung mga nangyayari lalo na yung masasakit. Kaso patagal ng patagal na-re-realize ko na lang na... Kaya ko naman palang masaktan sa maikling panahon at okay na ulit ako. Parang iniipon ko na lahat para isang bagsakan na lang. Tapos balik na ulit sa dati na parang walang nangyari. At ayos naman iyong gawin. Hindi ako nasasaktan masyado. Hindi nagdudusa. Ewan kung paano ko nakakaya ang gano'n. Hindi ko alam. Basta nagagawa ko na lang." Sagot niya saka humiwa ulit sa cake sa kumain.
Kung titingnan siya ngayon ay wala kang maaaninag na lungkot sa mga mata niya. Parang normal lang ang lahat sa kaniya...
"Siya nga pala... Alam na ba ng iba na may gusto ka sa'kin?" Tanong niya. Walang awkwardness o ano sa boses niya.
Ano pa bang aasahan mo kay Peach...
"Alam na ni Derk." Sagot ko saka bumuntong-hininga. Nang nakaraan ay tinanong niya ako kung ano ba raw talagang nararamdam ko para kay Peach. Nagtanong din ito tungkol sa babaeng wallpaper ni Peach sa cellphone niya ng nakaraan. Wala na akong nagawa kung hindi sabihin ang totoo sa kanila.
"Tss. Masyadong maraming nalalaman ang lalaking 'yon." Naiiling na saad niya pa. "Anong plano mo ngayon? Alam ko ng may gusto ka sa'kin? Gusto mo bang kalimutan ko na lang?" Tanong niya.
"Hindi." Mabilis na sagot ko.
"Pero paano ang rules? Ayaw mong sirain 'yon, diba? Plus, wala na akong gusto sa'yo. Aasa ka lang kapag pinagpatuloy mo pa 'yang nararamdaman mo." Saad niya pa.
"Sisiguraduhin kung magugustuhan mo ulit ako." Seryusong asik ko dahilan para matigilan naman ito pero nailing din.
Because now...
I'm willing to break the rules.
Gagawin ko ang lahat para gustuhin mo lang ako ulit, Peach.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...