02

114 4 0
                                    

Senesenyasan ako ng mga gago na paparating na raw si Vien at nang manlaki ang mata nila ay alam ko na ang kasunod niyon. Agad naman akong yumuko at napangisi na lang nang dumeritso ang milktea sa mukha ni Johara imbis na sa akin iyon mapunta.

Wews. Nice dodge, Peach.

"Anong problema mo, babae?!" Singhal ni Johara Kay Vien matapos itong mabasa. Pinigilan naman naming matawa ng mga kaibigan ko. Maski si Cris na nagulat sa umpisa ay gusto na rin na matawa dahil sa biglang pag-iwas ko kaya babae niya ang sumalo ng itinapon ni Vien.

"Hindi ikaw ang pinunta ko kaya manahimik ka!" Galit na sigaw ni Vien at itinapon pa kay Johara yung cup na lalagyan ng milktea.

Ang harsh. Ginawa niyang basurahan si Johara.

Well... She have trashy attitude anyways. Ginagamit niya kami para mas lalong sumikat. Dumidikit kahit kanino para makuha ang mga gusto. Nanakit ng ibang estudyante na mahihina. Lahat kami ay alam iyon. Ginagamit niya kami? Okay, no worries. Sinasakyan lang din naman namin siya.

Natahimik naman ang buong cafeteria dahil sa nangyari. Humigop naman ako sa milktea ko at nagkunwaring walang narinig at nakita.

"Peach! Ano ba?!" Sigaw ni Vien na abot na hanggang pluto.

Kinuha ko naman ang earphone na nasa tenga ko at inilagay iyon sa isa pang tenga ni Ken saka lang hinarap si Vien na nagpupuyos sa galit.

"May kailangan ka---" Tanong ko habang nakangisi pero agad na nawala iyon ng makita ang pasa sa gilid ng labi nito pati na rin sa braso niya. Malapit na malapit na itong umiyak.

"Tingnan mo ang ginawa ni Sera sa akin! Kasalanan mo 'to!" Sigaw nito at tuluyan ng tumulo ang mga luha.

Agad naman akong tumayo at pinahid ang mga luha niya. "Kayo na muna ang bahala kay Ken." Utos ko sa mga kasama at hinigit papaalis sa cafeteria si Vien at dumeritso sa clinic.

Tahimik lang akong naghintay na matapos ang nurse sa paglalagay ng gamot sa mga pasa niya bago magtanong. "Anong ginawa niya sa'yo?"

Humihikbi pa rin ito. "A-Ang sabi ay layuan na raw kita. Dahil kapag hindi ay hindi lang raw 'to ang aabotin ko."

"May kasama ba siya?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha nito. Unti-unti naman itong tumango at hinawakan ang kamay ko.

"Tsk. That girl.." Napabuntong-hininga na lang ako saka pinisil ang pisngi niya. "Ako na ang bahala sa kaniya. Huwag ka ng mag-alala."

"Puwede pa rin naman kitang lapitan, hindi ba?" Tanong niya at nagtaas ng tingin sa akin.

"Oo naman." Tumango ako at napangiti na lang ng yakapin ako nito. Hinayaan ko lang ito hanggang sa tuluyan na siyang kumalma. "Ngayon, bumalik ka na muna sa room mo at baka may klase pa kayo." Saad ko at tinulungan siyang bumaba mula sa kama. Napabuntong-hininga pa ako nang makita na naman ang pasa niya sa mukha. "Ihahatid na kita." Saad ko na ikinagulat niya.

"G-Gagawin mo 'yon? Ihahatid mo talaga ako?" Tanong pa niya na tila hindi makapaniwala.

"Hm." Sagot ko lang at tinulungan siya sa paglalakad. Nakita ko namang pinagtitinginan kami ng mga estudyante pero pinabayaan ko na lang. Deri-deritso lang ako hanggang sa makarating sa kuwarto ng STEM. Kumatok pa muna ako sa pinto kaya napatingin naman ang Miss sa gawi ko.

"May kailangan ka, Peach?" Tanong nito.

"Nothing. I'll just drop her off." Sagot ko saka pinapasok na si Vien sa loob. "You can continue." Saad ko at tuluyan ng umalis doon.

Napabuntong-hininga pa ulit ako saka naglakad na ulit papunta sa room. Siguradong nakabalik na ang mga tukmol sa room ngayon.

Nang makarating ay sinalubong kaagad ako ng kabaliwan nila na hindi na bago sa akin. Mga baliw yung mga kaklase ko, eh. Wala ng bago.

"Bababaero... Bababaero... Bababaero daw si Peach... Sinong may sabi? Makakating labi..." Kanta ng mga gago pagpasok na pagpasok ko.

Wala kaming klase pagkatapos ng recess. Time kasi iyon minsan para mag-welding kami sa extra room. Kaso wala pa ata si Sir hanggang ngayon.

"Bababaero... Bababaero... Bababaero daw si Peach... Sinong may sabi? Makakating labi... Na me-me-medyo totoo..." Kanta pa ulit ng mga tukmol nang makaupo ako sa upuan ko.

"Mga gago." Natatawang saad ko at binato sila ng papel na nasa desk ko. Newspaper iyon ni Sir na winarak at binilog-bilog na ni Ken na nagsa-sound trip pa rin.

"Ano balita ro'n kay Vien?" Tanong ni Cris.

"Ayon at pinag-initan daw ni Sera. Amazona talaga ang babaeng 'yon kahit kailan." Saad ko saka napabuntong-hininga na lang ulit.

"Ayan kasi at pinagsasabay mo yung mga babae, pre. Kinakarma kana tuloy." Asik ni Art kaya binato ko naman siya ulit ng papel.

"Nagsalita ang timawang sampu ang babaeng nakalingkis sa kaniya tuweng nasa bar. Hayop ka din talaga, eh." Naiiling na saad ko kaya humalakhak naman ito.

"Kunwari good boy tayo." Saad pa nito habang inaayos ang buhok.

"Anong nangyari kay Johara?" Tanong ko naman at tumingin kay Cris.

"Ayon at naghihimutok sa galit dahil nasira ang maganda niyang outfit." Sagot niya habang natatawa.

Walang seneryuso maski isa si Cris sa mga babaeng nakasama niya. Maski ako ay ganoon rin. Kapag may bagong babae siya ay meron din ako. Hindi kami nawawalan nun. Pero meron ding kirot tuweng nakikita siyang may kasamang iba, syempre. Matik na 'yon. Kaya ibinabalik at ipinapakita ko rin sa kaniya ang ipinapakita niya sa'kin. Ewan kung nasasaktan rin ba siya... Hindi ko alam. Hindi ko naman nababasa ang isip niya. Hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako.

Simula pa noon ay babae na talaga yung tipo ko. Hindi ko alam bakit biglang lumihis ang daan ko at bigla ko siyang nagustuhan. Basta bigla ko na lang naramdaman hanggang sa umabot sa puntong hindi ko na kayang burahin pa.

Bakit kung ano pa yung bawal ay siya pa yung gustong-gusto kung makuha. Titiisin yung sakit at itatago ang tunay na nararamdaman. Tsk. Tama nga sila... Nagiging tanga rin minsan yung tao dahil sa pagmamahal. Pft.

At ang mga babaeng lumalapit sa akin. Alam ko na marami sa kanila ay pera ko lang talaga ang habol nila. Mayroon din namang iba na literal na may gusto talaga sa akin kagaya ni Vien. 

Maya-maya pa ay dumating na si Sir kaya dumeritso na kami ng extra room. Doon kami nag-we-welding lagi dahil andoon yung mga gamit namin.

Ibinigay naman namin sa kaniya ang apo niya dahil delikado ito kapag nasa paligid namin kapag nag-we-welding.

"Punta tayo bar mamaya." Aya ni Hyde.

"Nang isang gabi andoon din tayo, eh. Baka magsawa na ang mga chicks ko  sa mukha ko." Sagot naman ni Lix.

"Hindi ka pinipilit kung ayaw mo! Huwag kang feeling importante, pre." Saad ni Ynx dahilan para magtawanan naman kami. "Oh, kayong dalawa? Sama kayo?" Tanong pa niya sa amin ni Cris.

"Hm. Sama ako." Sagot ni Cris.

"Ikaw, Peach? Sasama o pahinga muna?" Tanong pa niya ulit.

"Hm. Call." Sagot ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

Sanay na ako sa pagpunta sa bar. Iyon ang gawain namin kapag walang magawa sa bahay. Pupunta sa bar para magliwaliw.

Psh. Dudugo na naman ata puso ko mamaya, ah? Tsk. Tingnan natin... Patibayan lang naman ang labanan.

Masyado na akong magaling magpanggap kaya alam ko na ang gagawin ko mamaya.

Kailangan ko lamb tatagan ang loob ko at magkunwari na walang pakialam.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon