"Alis na ko." Paalam ko kay Jane saka sumakay sa kotse ko. Kumaway naman ito kaya ngumiti naman ako saka umalis na.
Halos isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang gulong 'yon sa bahay. Pero hindi ko na rin binabalik ang topic na 'yon sa tuweng mag-uusap kami ni Jane dahil alam kung hindi iyon magiging komportable sa kaniya.
Wala naman akong narinig na salita o ano mula kay Mommy. Mabuti na rin iyon kahit papaano. Wala na siyang masasaktan gamit ang mga matatalim na salita niya.
Pagkarating sa school... Dating gawi. Deritso agad ng room. Medyo late na ako ngayon sa pagpasok pero timing na kakapasok pa lang ng Miss.
Nagsisimula na kaming magreview dahil papalapit na ang exam. Pagkatapos mag review ay nagbibigay ng quiz ang mga teachers para masubukan kung may isasagot ba kami o nakikinig ba kami.
Masyadong busy ang sched namin ngayon kaya kung minsan ay late na rin akong nakakauwi sa bahay. Maraming projects na dapat gawin. Tss. Kung kailan dapat mag-aaral na lang dapat kami saka pa sila nagbigay ng mga projects. Pahirap din talaga, eh. Gawain nila 'yon simula dati pa.
Nang nakaraan ay on the spot kaming pinaayos ng electric fan. Naging maayos naman ang nakuha kung grado dahil mabilis kung natapos iyon at tama lahat. Halos lahat kami nakapasa. Madali lang namang ayusin yung electric fan eh.
Tiningnan rin nila kung paano kami magwelding. Mga tools at machine namin ay tiningnan din kung maayos pa ba o malinis ba. Basta ang dami lang nilang ginawa at pinapagawa. At dahil para sa grades ay ginagawa na lang namin.
Nagtuloy-tuloy lang ang klase namin at kagaya sa naunang teacher ay nagquiz rin kami at sangkadamakmak na recitation. Halos maubos ang laway ko bago tuluyang sumapit yung recess.
"Three slice of Banana bread and chocolate milktea, a large one." Order ko sa babae. Alam niya na iyon kaya hindi na ito nagtanong pa ng kung ano-ano. Kabisado na ng mga tindera ang mga order ko.
"Gutom na gutom?" Natatawang tanong ni Cris na nasa likod ko.
"Tss. Sinong hindi magugutom do'n." Saad ko saka kinuha ang pagkain ko at nagbayad. Kinain ko na iyong isang banana bread ko habang naghihintay sa card ko. Nang maibalik ay agad ko na iyong inilagay sa bulsa ko at naglakad na papunta sa table na bakante. Tinusok ko na rin yung milk tea na hawak gamit ang straw ko saka uminom na kaagad.
Nauuhaw ako. Mamaya may recitation na naman sa isang project namin. Nakakapagod magsalita.
P. E. Uniform ang suot namin ngayon. Lahat ng strand ay iyon ang suot. Simula na rin kasi ng practice para sa interhigh namin. Nagkasabay-sabay na. Kingina lang. Puting t-shirt na may stripe sa may manggas at may nakalagay na SMAW sa likod. Itim naman na pants iyong amin. May tatak rin ng strand namin iyon sa may kanang dibdib, iyong t-shirt. Kung ano iyong nasa school uniform ay gano'n rin sa P. E. uniform namin. Sa iba ay gano'n din ang design sadyang kulay lang yung pinagkaiba at yung tatak ng strand.
*ABM- pink. SMAW- black. HUMMS- cream/ brown. GAS- red. STEM- green.*
Nang maubos ko iyong isang slice ng banana bread ko ay siyang pagdating naman ng iba na kumakain na rin kahit hindi pa nakakaupo. Tss. Gutom na gutom din siguro.
"Peach subukan mo'to." Tunghay ni Cris ng spicy na cup noodles. Kumuha ito gamit ang chopsticks saka sinubuan ako kaya kinain ko naman iyon at napatango-tango dahil masarap nga iyon pero agad rin na natigilan kinalaunan nang maramdaman na unti-unting umaanghang iyon. Pagkalunok ko ay agad akong napainom sa milk tea ko dahil sa anghang.
Napatingin ako sa iba at bumili rin sila niyon at namumula na rin dahil sa anghang.
"Kingina ka talaga, Cris!" Singhal ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
"You're turning red, Peach. You're not peach anymore. You're now an apple." Saad niya at humagalpak na naman ng tawa.
"Gago!" Singhal ko at uminom pa ulit ng milktea para mabawasan ang anghang.
"Pft. Para ka lang nag-blush on." Saad niya pa kaya sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natahimik naman siya at nagkunwaring kumakain pero agad ring napatigil ng ma-realize ang ginawa niya.
"Karma hits fast." Saad ko at inilayo ang milktea ko sa kaniya.
Tss. Magdusa ka. Baliw.
Pinanood ko lang siyang maghanap ng maiinom para mawala ang anghang. Hindi ko siya tinulungan. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain sa banana bread ko at kunwaring hindi siya nakikita.
Nang mahimasmasan na siya ay panay naman ang nguso niya. Namumula ang ilong, tainga at bibig niya. Pinigilan ko namang matawa dahil sa mukha niya.
"Sama ng ugali mo." Saad niya kaya naituro ko naman ang sarili ko habang natatawa.
"Ako pa talaga?" Tanong ko. Pulang-pula ang labi niya. "Parang sinipsip ng suso." Nasabi ko habang nakatitig sa labi niya.
"Ang sama talaga ng ugali mo!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Saad ko saka pinigilang matawa pero natatawa talaga ako.
"Tumigil ka." Pagbabanta niya.
"Okay." Saad ko pero natatawang pa rin.
"Tumigil ka sabi, eh!" Naiinis na saad niya pa. Kunwaring sumeryuso naman ako pero natatawa talaga ako kapag naaalala ko ang mukha niya.
Shit!
"Hahalikan kita kapag hindi ka tumigil." Pagbabanta niya pa. Ngumisi naman ako saka tumingin sa kaniya.
"Kaya mo ba?" Tanong ko pero nabigla na lang ako ng bigla itong lumapit dahilan para mapaatras naman ako. "Gago, tinotoo." Saad ko at itinulak siya.
"Ang sama kasi ng ugali mo." Saad niya at naupo na ulit sa upuan niya.
Kinabahan ako ng slight doon, ah.
"Ikaw 'tong nagsimula tapos ako pa mali? Kasalanan mo rin 'yon. Ikaw kumain, eh." Saad ko pa kaya naningkit naman ang mga mata niya kaya nanahimik naman ako at siniko si Art.
"Pre tingnan mo si Cris." Bulong ko pero natatawa na rin pala ito at nagpipigil lang. Natawa na lang rin ako saka hinayaan si Cris. Kunwaring hindi siya kilala. Ang gago, mukha talagang sinipsip ng suso yung bibig niya.
Pota HAHAHA.
Hangang sa makabalik kami sa room ay natatawa pa rin kami sa mukha niya. Ang laugh trip talaga ng hard. Shuta! Magang-maga yung nguso, eh.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Novela JuvenilPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...