27

70 3 0
                                    

"Ano bang manika ang hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya habang naghahanap kami ng manika.

Andito na kami ngayon sa mall dahil nga bibili kami ng manika. Ang putangina kasi sinira ang manika ng kapatid niya.

"Syempre yung maganda at magugustuhan ng kapatid ko." Sagot niya habang naglilibot kami.

"Ayaw ba niya ng kagaya niyan?" Turo ko sa mga nakikita ko sa nadadaanan namin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Cris kaya napakunot naman ang noo ko. "Ano na naman?" Tanong ko. Parating galit ang kingina.

"Si Anabelle? Ayos ka lang, Peach?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa manika at ayos naman iyon para sa akin.

"Bakit? Ayos naman ito, ah?" Saad ko at kinuha 'yon saka itinunghay sa kaniya agad naman itong lumayo at sinamaan ako ng tingin.

"Tangina! Ibalik mo na nga 'yan! Baka mahimatay kapatid ko kapag nakita 'yan." Singhal niya kaya napabuntong-hininga naman ako saka ibinalik na iyon.

"Ano ba dapat?" Tanong ko.

"Tch! Yung kulay pink na maganda at hindi nakakatakot." Saad niya kaya napatango naman ako at naghanap na ng sinasabi niya.

"Pink..." Saad ko habang naghahanap. Pero mas napakunot ang noo ko dahil halos puro pink naman yung binibenta sa store na pinasukan namin. Halos kaunti lang yung iba yung kulay. "Ito." Kuha ko sa isang manika na pink ang suot. Bumalik ako kay Cris at ibinigay sa kaniya iyon.

"Ahh!" Sigaw niya at naitapon iyon pabalik sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Tangina! Ayan talaga?! Nakita mo ba 'yan? May kutsilyo sa ulo tapos kita 'yung lamang loob?" Napatingin naman ako sa hawak ko saka nagkibit-balikat.

"At least pink." Saad ko.

"Ibalik mo na nga 'yan." Saad niya kaya ibinalik ko naman iyon kung saan ko kinuha saka bumalik sa gawi niya at sinamahan na lang siyang maghanap.

"Anong hinahanap niyo po, Sir?" Biglang litaw ng isang sales lady.

"Manika." Sagot ni Cristoff na nagpalinga-linga pa rin sa paligid.

"Para po kanino?" Tanong niya at nagpalipat-lipat mg tingin sa amin ni Cris at tumigil rin sa akin.

"Not for me." Pangunguna ko na sa kaniya.

"Para sa kapatid ko pong babae. Yung pink na magandang manika sana." Saad ni Cris kaya napatango-tango naman ang babae saka dinala kami papunta sa kabilang part ng store at doon tumambad sa amin ang mga manika na para talaga sa babae.

Habang nagtitingin-tingin ang kasama ko doon sa mga manika, ako naman ay naglibot muna sa may gilid kung nasaan ang mga teddy bear. Tiningnan ko pa bawat isa ng mga 'yon at sa huli ay kinuha ko ang kulay puting bear na katamtaman ang sukat  na may ribbon sa leeg na kulay pula.

"Ano 'yan?" Tanong ni Cris habang nakatingin sa hawak ko.

"Teddy bear."

"Bakit ka bumili?" Palit na tanong niya.

"Bawal ba?" Tanong ko rin.

"Bahala ka nga." Saad niya at naunang pumunta sa counter dala-dala yung dalawang manika na nasa box. Isang malaki at isang maliit.

Nang matapos siyang makapagbayad ay agad rin akong sumunod binayaran na rin ang binili saka na kami tuluyang lumabas doon.

"Kain muna tayo. Nagugutom ako." Saad ko.

"Ako nga din, eh." Saad niya din.

Naghanap na kami ng makakainan at sa huli ay dumeritso kami sa Waffle Time at nag-order. Iyong may cheese at hotdog ang binili ko na tatlong piraso saka soda. Ganoon rin ang order ng mokong.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon