Hi! It's me, Art Perez. I'm Art... ang kukulay sa mundo mo. Yieee! 19 years old at may limang pamilyang binubuhay. Naniniwala sa kasabihan na aanhin mo pa ang kabayo kung meron namang baka. And I... Thank you!
Dahil may POV na ang lintek na Derk dapat meron din ako. Nag-file talaga ako ng petition kay author para magkaroon lang ng POV. And thank goodness dahil nagkaroon na nga.
Ito na nga... Tatanungin namin ngayon si Peach tungkol dun sa nangyari. Kaming dalawa ni Derk na pangit.
Andoon siya ngayon sa lumang room ng GAS dahil doon siya naninigarilyo. Sa aming lahat ay dalawa lang sila yung naninigarilyo. Kami... good boy hehe. Mahal pa namin buhay namin.
"Pre, ikaw mauna." Saad ko at pinauna si Derk sa paglalakad.
"Ay lintek... ang dami mo talagang alam." Singhal niya kaya napakamot naman ako ng ulo.
"Baka bigla akong suntokin mamaya ni Peach, eh." Saad ko.
"Kapag hindi ka sumeryuso ako talaga ang susuntok sa'yo." Asik niya at nauna ng maglakad kaya sumunod naman agad ako.
Maya-maya pa ay nakarating na nga kami sa kinaruruunan ni Peach. Kagaya ng dati niyang ginagawa ay nakaupo siya ro'n sa upuan at may earphones ang tenga at nakapikit ang mga mata.
"Anong kailangan niyo?" Tanong nito at tumingin ng deritso sa gawi namin.
Kahit kailan ay malakas talaga ang pakiramdaman niya...
"Gusto ka lang naming kausapin tungkol sa nangyari kagabi, Peach." Deritsong saad ni Derk kaya agad ko naman siyang pinigilan pero masyado itong seryuso kaya napabuntong-
hininga na lang ako."Tss. Masamang nakikinig sa usapan ng iba, alam niyo ba 'yon." Saad nito saka inihagis ang sigarilyo sa lupa at inapakan.
"Bakit parang normal lang sayo ang nangyari. Hindi ka man lang nalungkot. Hindi ka man lang namin nakitang magmukmok---"
"Tss. Dahil hindi ako ganoong tao. Hindi ako parehas sa ibang babae na maghahabol ng maghahabol. Hindi ako yung iiyakan ka ng isang buwan o ilang matagal na panahon. Tama na sa akin yung naiiyak ko kagabi. Hindi ko na naman mababago yung sinabi niya. Ayaw niya sa'kin? Edi, okay. Masakit man pero atleast alam ko na ang totoo." Sagot niya saka bumuntong-hininga.
"So, ganoon na lang 'yon? Magpanggap na lang kayo na parang walang nangyari? Pero alam na ng lahat Peach. Alam na naming lahat. At alam mong hindi na kayo babalik sa dati..."
"Alam ko. Pero ayaw kung masira yung matagal na pagkakaibigan namin dahil lang doon. Ayaw kung may magbago sa'ting lahat." Seryuso ito at nakatingin lang sa kung saan.
"Pero ayos lang ba talaga 'yon sa'yo? I mean... Hindi naman agad nawawala yung nararamdaman mo para sa kaniya, diba?" Tanong ko.
"Oo naman. Meron pa rin naman akong nararamdaman sa kaniya. Kagabi nga lang ako umamin, diba? Tss. Pero kagaya ng narinig niyo. Ayaw niya sa'kin. Hindi niya ako gusto. At hanggang tropa lang talaga kaming dalawa. At nirerespeto ko iyon. Nagsisimula na nga akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya, eh. Siguro mas mabuti pa ngang magkaibigan na lang kaming dalawa. Iyong hindi na ako sasaya sa mga ginagawa niya. Hindi na aasa pa. Mas mabuti na rin para sa'kin kapag ganoon. Hindi na ako mahihirapan." Saad niya.
"Kakalimutan mo ang nararamdaman mo sa kaniya? Hindi mo man lang ipaglalaban?" Gulat na tanong ko.
"Oo. Hindi na. Matagal ko ng ipinaglalaban eh kaso wala talaga. Walang pag-asa, pre." Natatawang saad niya saka tumayo at nagpagpag ng damit. "Tara na sa room. Andoon na siguro ang Miss para magturo." Saad niya at tinapik ang balikat namin ni Derk at nauna ng maglakad.
"Minsan hindi ko talaga maintindihan si Peach. Masyado siyang iba kesa sa normal na mga tao." Mahinang saad ni Derk saka naglakad na rin.
Tahimik naman kaming bumalik sa room. Kagaya kanina ay normal na normal lang si Peach. Pero panay talaga ang tingin niya sa cellphone niya...
Ano kaya ang mayroon doon?
Maya-maya ay dumating na ang Miss para magturo. Nakinig naman kaming lahat sa kaniya. Sumasagot kapag tinatanong.
Hanggang sa magtanghalian ay naging ganoon lang rin ang lahat. Parang wala lang nangyari kung tutuusin. Para bang normal na araw lang kagaya ng mga nakaraan.
At ng sumunod na mga araw ay ganoon din. Bumalik na talaga ang dating Peach. Normal na normal ito kapag kasama si Cristoff at kami. Walang kahit kaunting awkwardness man lang sa part niya. Wala talaga. Sobrang normal niya talaga. Maliban na lang sa palagi niyang pagkalikot ng phone. Palagi ko rin itong nahuhuli na ngumingiti.
Hindi ko na nabilang pa ang mga araw at linggong dumaan. Basta lumipas na lang ang mga araw bago ko pa mamalayan. Bumalik na lang ang lahat sa dati pero si Cris naman ngayon ang problema... Parang hindi niya nagustuhan ang pagbabalik nila ni Peach sa dati.
Nagulat na lang kami nang biglang marinig ang sigaw ni Cris mula sa likod ng room. Kakabalik lang namin galing cafeteria.
Nanatili lang naman kami sa likod ng pader at nakinig sa usapan nilang dalawa.
"Bakit ka ba ganito Peach? Bakit parang wala lang nangyari..." Tanong ni Cristoff na gusto ko rin itanong kay Peach.
Bakit parang walang nangyari...
"Kilala mo'ko, Cris. Hindi mo na dapat ako tinatanong ng ganiyang mga klaseng tanong. Noong sabihin mo na wala kang gusto sa'kin ay natapos na ang lahat. Mas pinili kung magpanggap na walang nangyari kasi alam kung mahihirapan ka kapag nagkataon. Magiging awkward masyado ang sitwasyon. Mahihirapang mamili yung mga tropa natin kung sino ang kakampihan sa ating dalawa." Sagot ni Peach sa normal nitong pananalita.
Iniisip mo pa rin yung iba kahit nasasaktan ka na...
"Pero bakit ka nagpapanggap ngayon na parang wala ka ng gusto sa'kin?" Muling tanong ni Cris.
Napalunok naman ako at kinabahan sa maaaring hantungan ng usapang 'to pero nagulat na lang ako--kaming lahat sa sagot ni Peach.
"Dahil wala naman na talaga." Sagot niya. Nang sumilip ako sa kanila ay nakita ko kung paano natigilan si Cris dahil sa narinig kagaya rin namin. "Kaya nga ako nakakapag-usap sa'yo ng maayos. Kaya ako umaakto ng kagaya ng dati noong magkaibigan lang talaga tayo. Noong kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo at wala ng iba. Dahil wala na akong gusto. Hindi na kita gusto. Mabuti na rin 'yon, diba? Babalik na tayo sa dati. Wala ng masasaktan sa'ting dalawa kasi magkaibigan na lang talaga tayo. " Dagdag pa niya.
"Ayos lang sa'yo na maging magkaibigan na lang tayo?"
"Oo naman. Wala akong nakikitang problema ro'n." Sagot ni Peach at nagkibit-balikat.
"Huwag kang magsinungaling, Peach! Hindi madaling kalimutan ang nararamdaman!" Sigaw ni Cris pero hindi man lang nagbago ang reaksiyon ni Peach.
Bumuntong-hininga pa muna ito sandali. "Bakit ako magsisinungaling? Tss. Iba-iba tayo ng pananaw, Cris." Biglang sumeryuso ang mukha ni Peach at tumingin ng deritso sa mga mata ni Cristoff. "Kung para sa'yo ay hindi madaling kalimutan ang nararamdaman puwes sa'kin iba dahil nagawa ko na nga, diba? Kahit buksan mo pa ngayon ang puso ko at tingnan. Wala ka ng mahihita. Wala na talaga akong nararamdaman sa'yo bukod sa dapat maramdaman ng isang kaibigan. Kaya sana huwag mo na ulit akong tanungin pa ng mga ganiyang klaseng tanong. Huwag ka na rin sanang umakto ng ganiyan. Kahit anong gawin mo ay mananatili na lang tayong magkaibigan. Hindi ko lalabagin ang batas ng pagkakaibigan natin para lang sa'yo." Tumalikod na sa Peach mula sa kaniya at naglakad papunta sa gawi namin kaya agad naman kaming nagsialisan para hindi kami makita.
Wala na talaga siyang nararamdaman para kay Cristoff...
Anong gagawin mo ngayon, Cris?
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...