"What the fuck?!" Sigaw ng pamilyar na boses at bago pa ako makagalaw ay itinulak na nito si Sera at hinawakan ako sa braso.
"Anong---"
"Alis!" Sigaw nito dahilan para maputol ang sasabihin ni Sera. Tumingin naman ito sa akin pero nagkibit-balikat lang naman ako.
Wala na itong nagawa kung hindi ang umalis kaya naiwan kaming dalawa.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan! Bakit ka nandito at nakikipaghalikan sa babaeng 'yon?!" Galit na sigaw nito.
"Bawal ba?" Tanong ko sa kaniya dahilan para matigilan naman ito. "Kasi wala ka namang sinabi na bawal pala akong makipaghalikan. At kung makipaghalikan man ako sa iba... Ano naman sa'yo? Manliligaw kita, oo. Pero nasa akin yung desisyon sa kung anong gagawin ko." Saad ko.
Natahimik naman ito at kita ko ang emosiyong dumaan sa mga mata nito bago niya ako yakapin.
Yakap na sobrang higpit pero hindi ako yumakap pabalik.
Nanatili lang kaming ganoon sa halos ilang minuto. Pinakiramdaman ko naman siya muna kaya hindi ako gumalaw o nagsalita.
"Kung sabihin ko bang bawal ay titigilan mo na?" Mahinang tanong nito at ramdam na ramdam ko ang lungkot. "Nagseselos kasi ako. Nasasaktan ako kapag nakikita kang may kahalikang iba, Peach. I've tried to hide it all pero ngayon... hindi ko na kaya." Dagdag pa nito. Napangiwi na lang ako dahil kinakain agad ako ng konsensiya.
Tss. Sera is out of her mind. She just kissed me and said that she was pregnant and I'm the... fuck! Baliw!
Napabuntong-hininga naman ako. "Okay." Saad ko. Unti-unti naman itong humarap sa akin.
"Hindi ka na makikipaghalikan sa iba?" Tanong niya pa.
"Hm." Sagot ko.
"Ako lang?" Tanong niya pa ulit.
"Anong ikaw--tss. Ang pangit mong humalik, eh." Nakaiwas ang tingin asik ko.
"Tapos sila magaling?" Ayon na naman ang malungkot na boses niya. Nakanguso na rin ito.
"Hindi naman pero magaling silang umungol." Sagot ko.
"Hindi naman pala, eh. Sa'kin ka na lang. Hahalikan kita kahit oras-oras pa o hindi kaya minu-minuto. Basta huwag lang sa iba." Saad niya.
"Tss. Edi namaga yung labi ko." Saad ko pero mas lalong humaba ang nguso nito. Nagmumukha na siyang suso. "Oo na. Oo na. Huwag ka ng umarte diyan. Pangit mo." Saad ko. Agad namang gumuhit ang mapalad na ngiti sa mukha niya saka agad na naman akong niyakap ng mahigpit, ulit.
"Akin ka lang, ah?"
"Wow! Manliligaw pa lang kita, oy! Inaangkin mo na agad ako." Hindi makapaniwalang sabi ko.
Ngumuso naman ito saka pinisil ang magkabila kung pisngi. "Wala na akong balak na pakawalan ka. Papakasalan kita." Saad niya saka pinupog ng halik ang buo kung mukha kaya napangiwi na lang ako.
Tss.
"Masyado kang advance." Saad ko at balak sanang pahiran yung mukha ko gamit yung panyo ko pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Ayaw mo na agad sa mga halik ko?" Pag-iinarte niya.
"Yung laway mo nasa mukha ko pa, Cris." Madiin na saad ko.
"Wala naman, eh." Sabi niya habang nakatingin sa mukha ko.
"Tss. Papahiran ko---"
"Didilaan ko talaga buong mukha mo kapag pinahiran mo."
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya at naibalik na lang ang panyo sa bulsa. "Kingina. Tindi mo magselos. Tara na nga." Nauna na akong maglakad at sumunod naman ito at doon ko lang napansin hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko. Hinayaan ko na lang dahil baka mag-inarte na naman ito mamaya. Topakin masyado, eh. Ako pa rin yung babae sa aming dalawa pero ito at dinaig pa ako kung mag-inarte.
Nang makarating sa cafeteria ay agad na akong naupo at tiningnan siya at ang kamay ko na hawak-hawak niya pa rin. "Paano ako kakain nito?" Tanong ko. Binitawan niya naman iyon pero nakanguso na naman.
"Saan kayo nanggaling, huh?" Pagtatanong ni Art na may mapanuring tingin.
"Kinuha ko lang si Peach sa ahas na lingkis ng lingkis sa kaniya." Sagot ni Cris.
Agad kung nilagyan ng maraming chocolate syrup yung pancake ko saka nagsimula ng kumain. Natunaw na ata yung sandwich na ibinigay sa akin kanina ni Cris kaya gutom na naman ako.
Matapos ubusin ang pancake ay sinunod ko naman iyong ice cream na nasa maliit na cup. Matigas siya kapag kukunin mo pero lumalambot siya kapag nasa loob na ng bibig mo.
It's good. It's sweet. It's pretty.
Napakunot naman ang noo ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko at ng tingnan ay bahagya pa akong nagulat ng makitang si Mom iyon.
Sinagot ko naman iyon habang kinakain ang ice cream ko. "Hey, Mom. What's up?"
Nakita ko namang natigilan ang mga kasama ko at walang boses na nagtatanong pero nagkibit-balikat lang naman ako.
"Umuwi ka rito sa bahay pagkatapos ng klase mo. Dalhin mo si Cristoff." Saad nito kaya nagkatinginan naman kami ni Cris.
"Bakit? Anong ganap?" Tanong ko.
"Why? Bawal bang kausapin kita? Hindi ba ako worth it sa oras mo?" Tanong niya kaya napangiwi naman ako.
"Hindi naman. Naninibago lang."
"So... Pupunta ba kayo?" Tanong niya pa.
"Pupunta sana ako kila Cris mamaya. Nakapagsabi na ako kila Tita at Tito na dadating ako." Sagot ko saka sumubo ulit ng ice cream.
"Don't worry about that. I'll just talk to Cristy about it. You don't have to worry. So..."
"Geh. Mukhang importante para paglaanan mo talaga ng oras, eh. Susulitin ko na." Saad ko saka sumubo ulit ng ice cream.
Natahimik naman ng ilang sandali ang kabilang linya kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Okay then. Hihintayin ko kayo." Saad nito at namatay na ang tawag.
"Himala? Tinawagan ka ng mommy mo." Saad ni Lix.
"Tss. I think she's bored again. Baka dasalan na naman ako mamaya." Nababagot na saad ko.
"Bakit kasama si Cris?" Tanong ni Art.
Nagkibit-balikat naman ako saka binuksan ang strawberry flavored ice cream saka iyon naman ang kinain.
Nagpatuloy lang ang usapan namin habang nasa cafeteria pa at nang makabalik naman sa room ay agad namang nagsimula ang klase. Pero ramdam ko ang titig ng katabi ko kaya napatingin naman ako sa kaniya at tama nga ako. Kumindat pa ang kingina kaya nailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa harapan pero napangiti rin ng bahagya.
He's acting cute. Pft.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...